SINAT na lamang ang nararamdaman ni Maya. Medyo masakit pa rin ang ulo niya kahit ilang araw na siyang nakahiga. Hindi niya alam kung bakit siya nilagnat, pero pakiramdam niya ay nagsimula iyon matapos ang nangyari sa kanila ni Blight.Dahan-dahan siyang bumangon at kinuha ang cellphone na nakapatong sa mini cabinet sa tabi ng kama. Agad niyang diniyal ang numero ng kaibigan niyang si Pamela, na ilang linggo na rin niyang hindi nakakausap.“Kamusta ka naman, Pamela?” tanong niya nang sagutin nito ang tawag.“Ang gaga mo, Maya! Mabuti naman at tumawag ka. Na-miss kita, alam mo ba iyon? Balita ko, may bumili na raw sa iyo kay Momshie,” bungad nito.Napakunot-noo siya.Bumili?“Anong ibig mong sabihin sa 'bumili'?” usisa niya.“Don't mind what I said, Maya.”Nagulat siya.Aba't marunong na itong mag-English?“Maka-English ka naman, bakla,” natatawa niyang sabi.Narinig niya ang malakas nitong halakhak sa kabilang linya.“Siyempre! Gawa kasi ng bago naming kasama. Englishera siya, bakla!”
Last Updated : 2026-07-09 Read more