SHAIRA“Shaira anak?” Napalingon ako sa pintuan at mabilis kong nilagay sa libro ang picture at pinatong ko lang ‘yon sa ibabaw sa tabi ng picture namin ni ate.“Akala ko nakatulog ka, na-miss mo ba ang room mo?” Nakangiting sabi ni mama.“Oo ma sobra.” Sagot ko.“Aa… Shaira.” “Bakit ma?” Tanong ko at parang nagdadalawang isip siyang magsalita.“Si Sebastian nandito.” Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni mama, talagang puntahan pa niya ako dito.“Sabihin mo ma umuwi na siya, bukas na ako uuwi.” Sagot ko.“Anak mag-usap kayo kung ano man ang pinag-awayan niyo. Hindi naman pupunta yang asawa mo kung hindi ka niya susuyuin.” “Ma, alam naman nating hindi ko siya totoong asawa dahil pagtapos ng kontrata wala na kami.” Sagot ko.“Kahit na asawa mo pa rin siya, sige na bumaba ka na sabay-sabay tayong kakain. Hindi rin naman daw siya aalis kung hindi ka kasama.” What?Kahit naiinis ay wala akong nagawa bumaba ako at hindi ako nag-ayos terno na pajama lang ang suot ko at tinaas ko
Last Updated : 2026-06-28 Read more