“Huwag mo nga akong madaan sa matatamis na salita, Mang Tonyo. Ang nangyari noong araw na iyon ay hinding-hindi na mauulit muli,” sabi ni Chandria.“Kung ganoon, let me confess to you. Gusto kong umamin na palagi kitang iniisip araw-araw. Kahit na maraming babaeng nagpapapansin sa akin, wala akong nagustuhan o minahal kahit isa. I never felt this way to anyone else, sa iyo lang talaga,” sagot ng matanda.Seryoso si Mang Tonyo sa kanyang mga sinasabi. Sa nakalipas na apat na taon, hindi niya kailanman nalimutan ang napakainit na tagpo nila noong araw na iyon.“What? Are you serious, Mang Tonyo? Hindi ka ba nagsisinungaling?” tanong ni Chandria.Pakiramdam ng dalaga ay nasa loob siya ng isang panaginip, kaya naman napakuyom siya ng kanyang mga kamay nang napakahigpit hanggang sa mabaon ang kanyang mga kuko sa palad para lang mapatunayan sa sarili na gising siya at totoong nangyayari ang lahat.“It's the truth, Señorita. Siguro ay tadhana na talaga na muli tayong magkita ngayon. Kung
Read more