Callie's "Hindi ko talaga pinagsisisihan."Iyon ang una kong sinabi pagkababa ko ng jeep.Nakakapit pa rin ako sa bag ko habang naglalakad papunta sa maliit naming apartment. Nakasimangot ako, pero sa totoo lang, mas nangingibabaw ang inis kaysa lungkot.Sino ba naman ang hindi maiinis?Imagine, nagtatrabaho ka nang maayos, tapos biglang may kliyenteng manyakis na akala mo nabili niya pati dignidad mo."'Miss, samahan mo naman ako mamaya. Double ang bayad.'"Ginaya ko pa ang malanding boses ng lalaking halos sing-edad na ng tatay ko."Bwisit."Huminto ako sa tapat ng gate.Pagbukas ko pa lang ng pinto, sinalubong agad ako ng malakas na halakhak."HAHAHAHAHAHA!"Napapikit ako."Calix..."Nakahandusay sa sofa ang kambal kong kapatid. Hawak ang tiyan sa kakatawa habang nanonood ng CCTV clip na ipinadala ng dati kong katrabaho.Sa screen...Ako.At ang eksenang...Pak!Hinampas ko ng stiletto heels ang ulo ng manyakis.Isang beses.Dalawang beses.Tatlong beses."Tama na, ate! Baka mapat
Last Updated : 2026-07-20 Read more