LOGINHindi ako agad nakapagsalita.
Pakiramdam ko, isang timba ng malamig na tubig ang biglang ibinuhos sa akin.
"Ib... ibebenta?"
Mahinang tumango si Max.
"Hindi pa final Pero iyon ang plano ni Mama. Kapag may bumili....aalisin na lahat ng umuupa."
Napabuntong-hininga ako.
Parang gusto ko na lang tumawa.
Kahapon...
Nawalan ako ng trabaho.
Kagabi...
Naputulan kami ng kuryente.
Ngayon...
Mawawalan pa kami ng bahay.
Sunod-sunod.
Parang galit na galit sa akin ang universe.
"Pasensya ka na."
Napatingin ako kay Max.
"Wala ka namang kasalanan."
"Alam ko pero nakakahiya pa rin."
Tumango lang ako.
"Sige.Salamat sa pagsasabi."
"Callie."
"Hmm?"
"Kung may kailangan kayo—"
Hindi ko na siya pinatapos.
"Salamat pero kaya namin."
Ngumiti siya nang mapait.
"Iyon ang inaasahan kong isasagot mo."
Bahagya akong ngumiti.
"See you around."
Tumalikod na ako.
Hindi na niya ako pinigilan.
Habang naglalakad pauwi, pakiramdam ko ay mas mabigat ang bawat hakbang ko.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Calix ang lahat.
Hindi sapat na nawalan ako ng trabaho.
Hindi sapat na wala kaming kuryente.
Pati bahay...
Posible pang mawala.
Pagpasok ko sa loob ng inuupahan naming bahay, agad kong nakita si Calix na nakaupo sa sala.
May hawak siyang pamaypay.
Pawis na pawis.
Pagkakita niya sa akin, ngumiti siya.
"O? Anong sabi?"
Ibinaba ko ang bag ko. "Saan mo gustong magsimula?"
Napakunot-noo siya. "May bad news?"
Umiling ako. "Hindi."
Tahimik siyang nakatingin sa akin.
Huminga ako nang malalim.
"Una... Hindi tayo ang may atraso."
Tumango siya. "Pangalawsa, nagagamit ni Alin Gina ang mga binabayad natin sa mga pinagkakautangan ni Aling Gina."
Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha niya.
"Ano?"
"Sabi ni Max e may mga utang daw siya. At doon napupunta ang mga ibinabayad nating tenants."
Napabuntong-hininga si Calix. "Kaya pala."
"At pangatlo..."
Huminto ako.
Pinakatitigan ko siya.
"Posible tayong mapaalis."
Nanlaki ang mga mata niya.
"Bakit?"
"Gusto na raw ibenta ang apartment."
Tahimik.
Sobrang tahimik.
Ilang segundo kaming walang nagsalita.
Hanggang sa marahan siyang napaupo pabalik sa sofa.
"Grabe... Ito na yata ang pinakamasamang linggo natin."
Napatawa ako nang mahina.
"Hindi pa tapos ang linggo. Baka may humabol pa."
"Hoy Calista!" May pwersa niyang hinagis ang maliit na throw pillow mula sa sofa."Huwag kang mag-manifest."
Napangiti ako.
Kahit papaano, nagawa niya pa rin akong patawanin.
Bigla kong naalala ang folder na naiwan sa kwarto. Parang may bombilyang biglang umilaw sa isip ko.
"Sandali."
Mabilis akong tumakbo papasok ng kwarto.
"Calista!"
Narinig kong tawag ni Calix.
Hindi ko siya sinagot.
Binuksan ko ang drawer ng bedside table at kinuha ang folder ni Tita Alice.
Montenegro Holdings.
Executive Secretary.
Temporary Position.
Three Months.
Kasunod nito ang isang maliit na sticky note.
Sa ibaba ng numero ni Tita Alice ay may isa pang nakasulat.
HR Department
Napatitig ako rito.
Parang ito na lang ang natitirang pagkakataon ko.
Hindi lang para sa sarili ko.
Kundi para sa aming dalawa.
Lumabas ako ng kwarto.
Nakatayo na si Calix.
Nakatingin siya sa folder na hawak ko.
"Ano?"
Tumango ako.
"Tatawagan ko na si Tita."
Ngumiti siya.
"About time."
Napangiti rin ako.
"Kung tatanggapin nila ako... tatanggapin ko na rin ang trabaho. Hindi na puwedeng maging mapili. Wala na tayong choice."
Muli kong tiningnan ang logo ng Montenegro Holdings.
Hindi ko alam kung anong klaseng CEO ang naghihintay sa akin.
Hindi ko alam kung magiging maayos ba ang magiging trabaho ko roon.
Isa lang ang sigurado ko.
Kailangan kong lumaban.
Dahil sa pagkakataong ito...
Hindi lang pangarap ko ang nakasalalay. Kundi ang bubong na sumisilong sa aming magkambal.
Bitbit ang cellphone ko, agad akong lumabas ng bahay.
Kung tatawag ako kay Tita Alice, kailangan ko munang magpaload.
Wala na rin naman kaming Wi-Fi.
Pinutulan na nga kami ng kuryente, kaya wala na ring internet.
Ilang hakbang lang mula sa inuupahan naming bahay ay naroon na ang maliit na tindahan ni Mang Nanding.
Pamilyar na sa akin ang lugar.
Halos araw-araw akong bumibili rito ng tinapay, kape, o kaya'y yelo.
Paglapit ko, hindi si Mang Nanding ang nadatnan ko.
Kundi ang matalik kong kaibigan.
"Matea Carolina Quisumbing."
Napatingin siya sa akin at agad na ngumiti.
"Hoy! Buhay ka pa pala!"
Napairap ako.
"Sa bungad pa lang?"
"Tingnan mo nga kasi ang mukha mo."
Tinawid niya ang maliit na counter at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Parang tatlong araw kang hindi natulog."
"Pakiramdam ko nga."
Bigla siyang napakunot-noo.
"Teka, marinig ko... Tototoo bang nawalan ka ng trabaho?"
Napabuntong-hininga ako. "News travels fast."
"Nasa baranggay Mambalita tayo, mas mabilis pa sa internet ang chismis dito."
Humagalpak ako ng tawa, " Oo te, totoo 'yon, At totoo rin nan nanghampas ako ng heels."
Nanlaki ang mga mata niya, " Iba ka talaga, Calista! Solid ka!"
"Ba is liw!" Naiiling kong sambit. "Siyaa nga pala."
"Ano'ng kailangan mo?" tanong niya.
"Magpapaload sana."
"Magkano?"
"Isang daan."
Habang nagta-type siya sa cellphone, palihim niya akong sinusulyapan.
"Yon ang ba?"
"Oo."
"Magsabi ka."
"Baka magalit ka."
"Sanay na ako."
Huminga siya nang malalim.
"Nabalitaan ko rin......naputulan kayo ng kuryente."
Tumango ako.
"Oo, at mukhang mapapaalis pa kami."
Natigilan siya.
"Ha?"
"Long story."
Hindi na siya nagsalita.
Tahimik niyang ipinasa sa akin ang cellphone ko.
"Gcash ko na lang ang bayad mamaya."
"Hindi na, Cal. Bayaran mo na lang kapag okay ka na."
"Thea naman,"
"Tama ka na, manahimik na."
Napangiti ako.
"Salamat."
Ngumiti rin siya.
"Hindi kita tutulungan dahil naaawa ako. Kundi dahil alam kong babawi ka rin kapag ako naman ang nangangailangan."
Iyon ang gusto ko sa kanya.
Walang dramahan.
Walang sumbatan.
Simple lang.
Kaibigan.
Pagkatapos kong tanggapin ang load confirmation, agad kong hinanap ang numero ni Tita Alice na nakasulat sa folder.
Huminga ako nang malalim.
Tinitigan ko ang screen ng cellphone.
Ito na.
Ito na marahil ang simula ng panibagong kabanata ng buhay ko.
Dahan-dahan kong pinindot ang Call button.
At ilang segundo lang...
Nagsimulang mag-ring ang telepono.
Hindi pa man umaabot sa pangatlong ring...
Agad nang may sumagot.
"Hello?" Boses ni Tita Alice.
"Tita."
"Callie!"
Halatang natuwa siya. Si Tita Aice, half sister ng tatay ko, halos tatlong taon lang ang tanda niya sa akin kaya para kaming magkedad kung magturingan.
"Kumusta ka?"
Napabuntong-hininga ako. "Honestly? Hindi maganda. Tanggal na ako sa trabaho."
Tahimik siya sa kabilang linya. Makalipas ang ilang segundo, narinig ko ang mahinahon niyang boses.
"Nabalitaan ko."
Napangiwi ako.
"Ang bilis talaga ng balita."
"Tawag nga nang tawag ang dati mong supervisor.
Napakamot ako sa noo. "Nakakahiya."
"Hindi, Caista. Ang mas nakakahiya e yong may nabastos na empleyado silang hindi nila naprotektahan."
Natahimik ako.
Iyon ang unang beses na may nagsabi sa akin ng ganoon.
Hindi ako sinisi.
Hindi ako pinagalitan.
Hindi rin niya sinabi na sana nagtimpi ako.
Sa halip...
Kinampihan niya ako.
"Salamat, Tita."
"Wala kang dapat ipagpasalamat. Kung ako ang nandoon, baka ako pa ang unang naghampas."
Napatawa ako.
"Pero hindi naman heels."
"Ano?"
"Monoblock." Wow, mag-Tita nga sila ni Calix.
Pareho kaming natawa.
Maya-maya ay bumalik ang seryoso niyang tono.
"So... tinawagan mo ba ako dahil sa offer?"
Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita.
"Opo, kung available pa po... tatanggapin ko na."
Narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya. "Thank God."
"Ha?"
"Kanina pa kasi ako nag-iisip kung paano kita kokontakin."
Napakunot-noo ako.
"Bakit po?"
"Dahil kailangan na talaga ni Sir ng kapalit ko."
"Mabait naman po ba talaga?"
Tahimik siya sandali.
Tapos bigla siyang natawa.
"Callie."
"Opo?"
"Huwag kang matatakot kay Sir Lucien. Hindi siya nangangagat."
Napanguso ako. "Hindi po ako natatakot."
"Talaga?"
"May trust issues lang po ako sa mga mayayamang lalaki."
"Isa pa 'yan." Natatawa niyang sabi. "Kapag nakilala mo si Sir... baka isipin mong napagpalit siya noong bata."
"Ganun po ba siya ka-weird?"
"Weird. But in a good way."
Napataas ang kilay ko.
"Paano pong weird?"
"Hindi siya marunong magalit."
"...Ha?"
"Kapag pinagalitan mo, magso-sorry pa."
"Lalo naman pong imposible."
"Totoo."
"Kapag may nakita siyang libro... parang batang nakakita ng laruan."
Napatawa ako.
"Collector?"
"Books. Perfumes. Watches. Suits. Coffee."
Napailing ako.
"Tita."
"Hmm?"
"Sure po ba kayong CEO siya?"
Humalakhak siya.
"Iyan din ang tanong ko noong first day ko." Bigla siyang tumigil. "Actually... May isa pa pala."
"Ano po?"
"Baka gusto kang interviewhin ni Sir mismo."
Natigilan ako.
"Interview?"
"Relax, casual lang naman. Hindi siya mahilig manindak. Mas kinakabahan pa yata siya kaysa sa mga aplikante."
Napailing ako habang natatawa. "Ang hirap pong paniwalaan."
"Basta pumunta ka bukas. Nine o'clock."
"Ipapasok na kita."
Tumango ako. "Sige po, thank you, Tita."
"Walang anuman... at Callie..."
"po?"
"Isa lang."
"Huwag mong sungitan agad ang boss mo."
Napatingin ako sa kawalan.
"Sisiguraduhin ko pong hindi."
"Good."
"Pero tita." Napabuntong-hininga ako. "...kapag sinungitan niya ako, babawi ako."
Narinig ko ang malakas na tawa ni Tita Alice sa kabilang linya.
"Good luck na lang sa inyong dalawa."
Napakunot-noo ako.
"Bakit po?"
"Wala."
"Basta... feeling ko magiging masaya ang maternity leave ko."
"Why?"
"Dahil sigurado akong araw-araw akong may maririnig na kuwento tungkol sa inyo ni Sir Lucien."
Napailing na lang ako.
Imposible.
Tatlong buwan lang ang trabaho ko.
Magiging employer ko lang siya.
Hanggang doon lang.
Wala nang iba.
Hindi ko alam...
Depende...
Depende?
Callie's POV "Holy..." Napahinto ako. Muntik ko pang malaglag ang kutsarang hawak ko. Muli kong kinurap ang mga mata ko bago ibinalik ang tingin sa kontratang nakalatag sa ibabaw ng mesa. Hindi ako nagkakamali. Nakasulat talaga. Monthly Salary: ₱55,000.00 "..." "..." Napakurap ulit ako. Limampu't limang libo. Hindi fifteen. Hindi twenty-five. Hindi thirty-five. Fifty-five thousand pesos. Napalunok ako. "Ate, okay ka lang?" Napatingin ako sa tindera ng maliit na karinderyang kinakainan ko. Napangiti ako nang pilit. "Opo." "Parang nakakita ka ng multo." "Hindi po." "Mas nakakatakot." "Ano?" "Sweldo." Napatawa ang ale. "Tumaas ba?" "Medyo." Hindi ko na idinagdag kung gaano kataas. Baka pati siya ay mapa-upo sa gulat. Muli kong ibinaba ang tingin sa kontrata. Executive Secretary. Temporary Employment. Three Months. Monthly Salary... ₱55,000.00 May transportation allowance pa. Meal allowance. Health benefits. Performance bonus. Napahawak ako sa noo
Lucien'sThe door closed softly behind her.Click.Tahimik na ulit ang buong opisina.Nakatitig lang ako sa pintong ilang segundo pa lang ang nakalipas ay dinaanan ni Callie.Hindi ko maintindihan.Bakit parang...Biglang naging napakatahimik.Napabuntong-hininga ako at umupo muli sa swivel chair.I reached for the fountain pen on my desk.Then I put it down again.Hindi ako makapag-focus.I glanced at the stack of documents waiting for my signature.Quarterly reports.Investment proposals.Board resolutions.Normally, matatapos ko ang mga ito nang hindi inaabot ng isang oras.Pero ngayon...Nakatitig lang ako sa unang pahina.Without reading a single word.What's wrong with me?Napasandal ako sa upuan.Hindi naman ito ang unang beses na nag-interview ako ng aplikante.I've interviewed hundreds...Maybe thousands.May mga mas matalino.Mas maraming experience.Mas magaganda ang credentials.So why...Why am I thinking about her?Is it because of her honesty?Or because she wasn't tryi
Callie's Huminga ako nang malalim bago bumaba ng jeep. Nasa harapan ko na ang matayog na gusali ng Montenegro Holdings.Glass.Steel.Napakalinis.Napaka-elegante.At mukhang napakamahal.Napatingala ako."Three months lang." Paulit-ulit kong sambit sa sarili ko. "Trabaho lang. Walang personalan. Walang away, Callie. Bawal ka makipag-away. Nakasalalay sa'yo ang image ni Tita Alice Huwag kang sasagot. Huwag kang magsusungit. Higit sa lahat...huwag kang manghahampas ng heels."Napailing ako."Ano ba 'yan, Callie."Mahigpit kong hinawakan ang folder na dala ko bago tuluyang pumasok sa lobby.Malamig ang air-conditioning.Mabango ang paligid.Halos lahat ng empleyado ay naka-corporate attire.May ilan pang napatingin sa akin.Hindi ko alam kung bakit.Siguro dahil blonde ang buhok ko.O baka dahil halatang kinakabahan ako.Lumapit ako sa reception."Good morning."Ngumiti ang receptionist."Good morning, Ma'am. How may I help you?""I'm Astrid Calista Mercado. I have an interview schedu
Lucien"Blonde?"Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko.Napatingin ako kay Carmina, ang HR Manager ng Montenegro Holdings, habang hawak ko ang tablet at inuusisa ang email na kakapadala lang ni Alice.Nandoon ang profile ng magiging temporary executive secretary ko.Sa gitna ng screen ay ang isang 2x2 picture.Blonde ang buhok.Maputi.Matangos ang ilong.Matalim ang mga mata.At mukhang......masungit."Bakit siya blonde?" tanong ko ulit.Napatingin si Carmina sa litrato."Tingin ko po, sir, kulay lang ng buhok.""I know.""But...""...why blonde?"Napangiti siya."Sir.""Hmm?""Pwede naman pong magpakulay ng buhok ang tao."Tumango ako."That's true."Tahimik akong nakatingin sa litrato.Name: Astrid Calista MercadoNickname: CallieAge: 25Position Applied: Temporary Executive SecretaryNasa ibaba naman ang recommendation.Recommended by: Alice MercadoAutomatic na pumasa sa initial screening.Hindi dahil kamag-anak siya ni Alice.Kundi dahil walong taon nang nagtatrabaho si
Hindi ako agad nakapagsalita.Pakiramdam ko, isang timba ng malamig na tubig ang biglang ibinuhos sa akin."Ib... ibebenta?"Mahinang tumango si Max."Hindi pa final Pero iyon ang plano ni Mama. Kapag may bumili....aalisin na lahat ng umuupa."Napabuntong-hininga ako.Parang gusto ko na lang tumawa.Kahapon...Nawalan ako ng trabaho.Kagabi...Naputulan kami ng kuryente.Ngayon...Mawawalan pa kami ng bahay.Sunod-sunod.Parang galit na galit sa akin ang universe."Pasensya ka na."Napatingin ako kay Max."Wala ka namang kasalanan.""Alam ko pero nakakahiya pa rin."Tumango lang ako."Sige.Salamat sa pagsasabi.""Callie.""Hmm?""Kung may kailangan kayo—"Hindi ko na siya pinatapos."Salamat pero kaya namin."Ngumiti siya nang mapait."Iyon ang inaasahan kong isasagot mo."Bahagya akong ngumiti."See you around."Tumalikod na ako.Hindi na niya ako pinigilan.Habang naglalakad pauwi, pakiramdam ko ay mas mabigat ang bawat hakbang ko.Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Calix ang
Nagising ako sa isang pakiramdam na sa pakiwari ko ay parang may mali.Mainit.Sobrang init.Napakunot-noo ako habang nakapikit pa rin. Parang... wala akong marinig.Walang ugong ng electric fan.Walang ilaw na tumatagos sa ilalim ng pinto.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Madilim.Halos wala akong makita.Napalingon ako sa alarm clock na de-battery sa ibabaw ng maliit kong bedside table.2:03 A.M.Napaupo ako sa kama."Hala..."Brownout.Mabilis akong bumangon at halos matisod pa sa tsinelas."Calix."Makas na kumabog ang puso sa loob ng dibdib koBawal siyang mainitan.Kapag sumobrang init ang panahon, mas madali siyang hingalin. Ilang beses na naming naranasan iyon noong bata pa kami. Kahit madaling-araw pa lang, ramdam na ramdam ko ang bigat ng hangin.Binuksan ko agad ang pinto ng kwarto."Calix!"Tahimik ang buong bahay.Tanging mga kuliglig lang ang maririnig sa labas.Mabilis akong nagtungo sa kabilang kwarto.Hindi na ako kumatok.Dere-diretso kong binuksan ang pi







