MIRATatlong araw na ang lumipas simula nong gabi na nakita ko ang lalaking 'yon na hindi ko pa alam kung anong pangalan. Pero sa totoo lang nakakatawa man pero umaasa ako sa sinabi niya na magkikita raw kami ulit."Hindi na 'yon babalik, asa ka pa?" sabi ng isipan ko habang nag-aayos sa dressing room ng club."Mira! May chismiss ako."Napalingon ako kay Jenny na nagmamadaling nilapitan ako."Nakakaloka ang nangyari ngayon grabe talaga.""Ha? Bakit ano na naman?" Takang tanong ko."Maninigarilyo sana ako sa labas pero may nagdatingan na mga itim sasakyan nasa labas lahat naka-park.”Napakunot-noo ako. "May raid ba?" Kabadong tanong ko dahil kapag mga ganito alerto ako. Minsan kasi yung hinahanap na tao nandito sa amin kaya naman hindi na nakapapagtaka, kaya ako laging nakaalarma."Hindi, parang no’ng nakaraang gabi alam mo yun si pogi?”Biglang bumilis ang tibok ang puso ko at umaasa na siya nga, biglang pumasok ang manager namin. Halatang kinakabahan ito pero parang nakangiti.Nagsip
Last Updated : 2026-07-27 Read more