CINDERELLA'S POV Pumayag ako sa alok ni Riot, at bago pa man ako makapagdalawang-isip, pinaimpake niya na agad ang kakaunting gamit ko sa bahay ni Aling Bebang. Halos mapakuba ako habang bitbit ang mga lumang bag ko, walang man lang tulong mula sa kaniya dahil tinitigan lang niya ako habang nag-iimpake. Nakakapang-init ng ulo, pero nang makarating kami sa pupuntahan namin, biglang napasara ang bibig ko. Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang napakalaking bahay, no, isang mansyon! Grabe, sobrang ganda! kulay itim ang labas niya na parang pader ng mga modernong building sa lungsod, tapos puro malalaking salamin ang dingding mula sahig hanggang kisame! Tatlong palapag 'yong bahay at may malalawak na balkonahe, na may harang ding pader na parang malinis na kristal. Tapos 'yong mga ilaw niya sa pader, nakatago kaya ang sarap sa mata tingnan, lalong lumilitaw ang kagandahan ng bahay sa gitna ng dilim. May malawak din na daanan ng kotse na gawa sa makikintab na bato papunta sa p***o. Nak
Last Updated : 2026-07-30 Read more