MasukCINDERELLA’s POV
Ilang araw na akong hindi makatulog nang maayos. Bawat kaluskos sa labas ng maliit kong silid sa ilalim ng hagdan, pakiramdam ko ay mga pulis na hihilahin ako papuntang kulungan dahil sa nangyari sa clinic ni Dok Riot. "Cinderella! Lumabas kang bata ka!" galit na galit na sigaw ni Aling Bebang habang pinupukpok ang manipis kong p***o. "Tatlong araw ka nang hindi nagtitinda ng samalamig! Puro ka 'masakit ang tiyan, masakit ang ulo'! Kung ayaw mong magtrabaho, mag-impake ka na at lumayas dito!" "Opo, Aling Bebang! Bukas po talaga gagaling na ako, promise!" sigaw ko pabalik habang nakabalot ang kumot sa buong katawan ko, nanginginig sa kaba. Habang iniisip ko kung paano ako tatakas at kung saan ako kukuha ng pambayad sa galit kong landlady, biglang may tatlong malalakas na katok na umalingawngaw sa p***o ng bahay. "Sino 'yan?!" sigaw ni Aling Bebang habang binubuksan ang p***o. Narinig ko ang isang pormal at mabigat na boses ng lalaki. "Nandito po ba si Cinderella? Ipinapasundo po siya ng pamilya Montenegro." Nalaglag ang panga ko. Patay na! Huli na ako! Isusuko na nila ako sa pulis! Wala akong nagawa nang pilitin ako ni Aling Bebang na lumabas. Inakay ako ng dalawang lalaking naka-barong papunta sa isang itim at napakalaking kotse. Akala ko sa kulungan ang tuloy ko, pero dinala nila ako sa isang napakalaking mansyon at pinaupo sa isang tahimik at private room na napakalawak. Doon ko nakaharap ang isang babaeng parang kakalabas lang sa mamahaling magasin. Si Mrs. Eleanor Montenegro, ang mommy ni Dok Riot. Ang suot niyang damit ay mukhang mas mahal pa kaysa sa buong badyet ng barangay namin. Sa tabi niya ay si Charlotte na nakakrus ang mga braso at nakatingin sa akin nang nanlilisik, na para bang isa akong ipis na biglang gumapang sa limang bituing hotel. Isang itim at mamahaling briefcase ang dahan-dahang inilagay ni Mrs. Montenegro sa harap ko sa ibabaw ng makintab na mesa. Binuksan niya ito, at bumungad sa akin ang tunay, malamig, at napakagandang kalansak ng mga bagong sanlibong piso. Agad na gumana ang utak ko at nagsimula ang mabilis na computation. Sampung libong piso sa GCash plus isang milyon na cash... panalo! Kasya na 'to para makabili ng limampung industrial electric fan! Sa wakas, makakatulog na ako nang hindi nagmumukhang basang sisiw sa sarili kong pawis! "That's one million pesos in cash, dear," panimula ng mommy ni Riot sa malamig at walang emosyon niyang boses. "Kunin mo ang pera, mag-empake ka, at tuluyan nang lumayo sa anak ko. You don't belong in his world. Hindi ka nababagay sa kaniya... at lalong hindi ka karapat-dapat dalhin ang apelyido ng pamilya namin. You're nothing but a stain on our family's name.” Siguro inasahan niyang maiiyak ako at magmamakaawa. Si Charlotte naman ay nakataas pa ang phone habang nakatingin sa akin, halatang naghihintay na magsisigaw ako sa sakit ng broken heart. Pero imbis na lumuha, biglang nag-twinkle ang mga mata ko sa matinding tuwa. Lalayuan si Dok Riot? 'Yung doktor na nagbigay sa akin ng sakit na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala? Iyong lalaking dahilan kung bakit kung anu-anong butterflies pa rin ang nagwawala sa tiyan ko?! Anak ng tokwa! Iniscam ako no'n! Ang lakas pa naman ng loob niyang sabihin na mawawala raw ang nararamdaman ko pagkatapos ng "examination" na ginawa niya sa akin. Eh bakit hanggang ngayon, mukhang lumalala pa, mas lalong nababasa ang panty ko?! Bago pa sila makapagsalita uli, halos dumapa na ako sa mesa para yakapin nang napakahigpit ang briefcase sa dibdib ko. Hinimas-himas ko pa ang balat ng bag na parang isang bagong silang na tuta. Sa wakas! Makakapag-impake na ako at makakapag-paalam na nang tuluyan kay Aling Bebang at sa paulit-ulit niyang paniningil ng upa! "Seryoso po?" tanong ko habang nakatingin sa mommy ni Riot gamit ang nanlalaki at inosente kong mga mata. "Lalayuan ko lang po si Dok Riot, isang milyon na agad?!" Napakagat ako sa labi. "Ma'am, promise po. Kahit magkasalubong pa kami sa kalsada, ako na mismo ang liliko. Kapag wala nang malilikuan... magpapanggap na lang akong patay. Libre pa po 'yon, wala nang additional f*e!” Napatitig si Mrs. Montenegro sa akin, halatang napatingin nang malalim at naguluhan sa naging reaksyon ko. "W-what?" "Naku, grabe, napakabait niyo po!" hingal kong sabi habang gumagana na naman ang utak ko sa negosyo. Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa pera at ibinaba ang boses ko sa isang seryosong pabulong. "Ma'am, exclusive offer lang 'to ah... Pwede niyo po ba akong bayaran ulit para layuan din si Charlotte? O baka gusto niyo pong bilhin na rin iyong cart ko ng samalamig para package deal na? Five thousand pesos lang 'yung cart, may libre pa kayong dalawang lalagyan ng gulaman!" Isang napakatahimik at mabigat na katahimikan ang bumalot sa buong private room. Naka-nganga lang si Mrs. Montenegro at hindi nakapagsalita. Ang panga naman ni Charlotte ay halos lumagpak na sa marbol na sahig. Pareho silang nakatitig sa akin nang may matinding gulat, paralisado sa sobrang ka-inosentehan at matinding ka-kuripotan ko. "What... anong klaseng nilalang ka?!" sa wakas ay natiling sigaw ni Charlotte habang nakaturo sa akin ang mahaba niyang kuko. "Nababaliw ka na ba?!" Bago ko pa maialok sa kanila ang sideline kong pagbebenta ng homemade yema, biglang bumukas nang napakalakas ang malaking p***o ng silid. Pumasok si Dok Riot na nakasuot pa rin ng kaniyang pormal na polo, bagamat halatang puyat at pagod na pagod. Mukhang nagmamadali siyang pumunta rito para lang pigilan ang mommy niya sa pag-aaway sa akin. "Mom! Charlotte! Leave Cindy out of this—" Napahinto si Riot sa gitna ng pananalita nang makita niya ang eksena sa loob. Nakita niya ang mommy niyang tulala at nakatitig sa ere. Nakita niya si Charlotte na halos humihingal na sa sobrang inis at gulat. At higit sa lahat, tumama ang tingin niya sa akin, nakaupo sa mamahaling upuan, nakangiti nang napakalapad na parang nanalo sa lotto, at yakap-yakap ang briefcase ng pera na para bang doon nakasalalay ang buong buhay ko. "Cindy?" dahan-dahang tanong ni Riot habang kumukunot ang noo. "Anong... anong ginagawa mo?" "Dok Riot!" kumaway ako sa kaniya gamit ang isang kamay habang ang isa kong kamay ay nakakapit pa rin sa briefcase. "Good news! Magiging milyonaryo na ako! Binayaran ako ng mommy mo para layuan ka. Don't worry, pumayag agad ako sa offer!" Napasapo na lang si Dok Riot sa kaniyang noo at nagpakawala ng isang napakahabang buntong-hininga. "Tinanggap mo 'yung pera?" pabulong niyang tanong habang naglalakad lapit sa akin gamit ang pinaghalong inis at hindi paniniwala. "Ganun lang? Ipinagpalit mo ako sa isang milyon?" "Aba, Dok, panalo kaya ako rito!" seryoso kong pagtatanggol sa sarili ko. "Isang milyon 'to! Makakabili na ako ng sarili kong bahay, hindi na ako matutulog sa ilalim ng hagdan! Tsaka zero percent chance na makulong ako!" Nakatitig lang sa akin si Riot, habang pinipigilan ang ngiti sa kaniyang mga labi. Halata sa marahan niyang pag-iling na hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis. "You really are something else, Cinderella.” Tsaka bumaling ang tingin nito sa kaniyang ina at kay Charlotte. Ang maamong mukha niya kanina ay mabilis na napalitan ng malamig at ma-autoridad na ekspresyon. "Take your money," matigas na sabi ni Riot sa kaniyang ina habang nakatitig nang diretso sa mga mata nito. "Riot! What are you saying?!" hysterikal na sigaw ni Charlotte. "Binabayaran na nga siya ng mommy mo para umalis!" Hindi man lang tinapunan ni Riot ng tingin ang dati niyang fuck buddy. Dahan-dahan siyang humakbang lapit sa mesa at ibinaling ang kaniyang pandidilim na mga mata sa akin. Nawala ang inis sa mukha niya at napalitan ito ng isang seryoso, determinadong titig. "I'll make an offer, Cindy," pabulong ngunit mariin niyang sabi. Iniyuko niya nang kaunti ang kaniyang ulo para pumantay sa mukha ko, habang nakatitig sa briefcase na yakap-yakap ko pa rin. "I'll make it twenty million pesos. Piliin mo lang ako, and live with me." Dalawampung... milyong... piso?! Napasinghap ako nang napakalakas. Biglang tumigil ang ikot ng mundo ko at halos lumuwa ang dalawa kong mata sa sobrang gulat! "Riot! Are you out of your mind?!" sigaw ng mommy niya habang napapatayo sa kaniyang kinauupuan. "You're offering twenty million for this... this squatter?!" "Shut up, Mom," malamig na ganti ni Riot nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "This is between me and Cindy." Naka-nganga lang ako habang pabalik-balik ang tingin ko sa briefcase na may isang milyon at sa guwapong mukha ni Dok Riot. "D-Dok..." nanginginig kong usal habang desperadong sinusubukang kalkulahin ng utak ko kung ilang zero ba talaga ang mayroon sa dalawampung milyon. "S-Seryoso po ba 'yan? Cash po ba 'yan o tseke? Tsaka..." Napalunok ako. "Seryoso po bang papatirahin n'yo ako sa bahay n'yo?” Napasapo uli si Riot sa kaniyang noo, pero sa pagkakataong ito, may kasama nang mahinang tawa ang kaniyang buntong-hininga. Dahan-dahan niyang inabot ang kamay ko na nakakapit sa briefcase ng mommy niya, at marahang inilayo iyon sa dibdib ko. "Yes, I'm deadly serious, Cinderella," bulong niya habang dahan-dahang hinahaplos ang likod ng kamay ko. "I'll give you everything you want. Just choose me." Napatitig ako sa kaniya, habang bahagyang nanginginig ang buo kong katawan. Sa loob ng utak ko, parang may grand fireworks display sa sobrang tuwa. Goodbye, Aling Bebang! Hello, millionaire lifestyle! Mukhang hindi na special odong ang kakampi ko mamaya, pasta na!CINDERELLA'S POV Pumayag ako sa alok ni Riot, at bago pa man ako makapagdalawang-isip, pinaimpake niya na agad ang kakaunting gamit ko sa bahay ni Aling Bebang. Halos mapakuba ako habang bitbit ang mga lumang bag ko, walang man lang tulong mula sa kaniya dahil tinitigan lang niya ako habang nag-iimpake. Nakakapang-init ng ulo, pero nang makarating kami sa pupuntahan namin, biglang napasara ang bibig ko. Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang napakalaking bahay, no, isang mansyon! Grabe, sobrang ganda! kulay itim ang labas niya na parang pader ng mga modernong building sa lungsod, tapos puro malalaking salamin ang dingding mula sahig hanggang kisame! Tatlong palapag 'yong bahay at may malalawak na balkonahe, na may harang ding pader na parang malinis na kristal. Tapos 'yong mga ilaw niya sa pader, nakatago kaya ang sarap sa mata tingnan, lalong lumilitaw ang kagandahan ng bahay sa gitna ng dilim. May malawak din na daanan ng kotse na gawa sa makikintab na bato papunta sa p***o. Nak
CINDERELLA’s POVIlang araw na akong hindi makatulog nang maayos. Bawat kaluskos sa labas ng maliit kong silid sa ilalim ng hagdan, pakiramdam ko ay mga pulis na hihilahin ako papuntang kulungan dahil sa nangyari sa clinic ni Dok Riot."Cinderella! Lumabas kang bata ka!" galit na galit na sigaw ni Aling Bebang habang pinupukpok ang manipis kong pinto. "Tatlong araw ka nang hindi nagtitinda ng samalamig! Puro ka 'masakit ang tiyan, masakit ang ulo'! Kung ayaw mong magtrabaho, mag-impake ka na at lumayas dito!""Opo, Aling Bebang! Bukas po talaga gagaling na ako, promise!" sigaw ko pabalik habang nakabalot ang kumot sa buong katawan ko, nanginginig sa kaba.Habang iniisip ko kung paano ako tatakas at kung saan ako kukuha ng pambayad sa galit kong landlady, biglang may tatlong malalakas na katok na umalingawngaw sa pinto ng bahay."Sino 'yan?!" sigaw ni Aling Bebang habang binubuksan ang pinto.Narinig ko ang isang pormal at mabigat na boses ng lalaki. "Nandito po ba si Cinderella? Ipina
CINDERELLA’s POVNakatitig ako sa kisame ng maliit kong puwesto sa ilalim ng hagdan, pero kahit anong pikit ko, hindi talaga ako makatulog. Gulong-gulo ang isip ko. Hawak-hawak ko pa rin ang phone ko habang nakatitig sa ten thousand pesos sa GCash account ko, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit mabilis ang tibok ng dibdib ko.Kundi 'yung ginawa ni Dok Riot.Tuwing naaalala ko kung paano niya idinikit ang labi niya sa akin—'yung mainit, madiin, at may kasama pang dila—parang may libo-libong butterflies na nagwawala sa tiyan ko. At ang mas nakakapagtataka pa, bakit parang biglang uminit ang puson ko? Para rin akong naiihi na ewan dahil sa kakaibang pagkabasa ng panty ko.Sakit kaya ito? Baka nahawaan na ako ng kung anong mikrobiyo sa ginawa namin!Dahil sa matinding kaba, maaga akong pumunta sa clinic ni Dok Riot kinabukasan. Nang makita ako ng sekretarya niyang si Tanya, napaangat lang ang kilay nito, pero deretso akong pumasok sa private room ng doktor."Dok!" bungad ko agad pagkap
RIOT’s POVTatlong araw na ang lumipas mula noong trahedya sa patio ng simbahan. Nakatayo ako sa loob ng sarili kong private rest area sa clinic, dahan-dahang binababa ang pantalon ko para sukatin at i-check ang lagay ng sarili kong manhood.In-examine ko ito nang mabuti. And thank God, wala na ang pamamaga at pangingitim. Gumagaling na rin ang latay na iniwan ng tsinelas ni Cinderella. Dahil doon, nakahinga ako nang maluwag at dahan-dahang isinara ang zipper ko.Lumabas ako ng rest area at naabutan ang aking sekretarya na si Tanya na nag-aayos ng mga patient chart sa desk ko."Dok, kumusta na?" pilyang tanong ni Tanya na may kasamang panunukso. "Medyo okay na ba 'yang lakad mo? Akala ko talaga noong isang araw ay kinarma ka na sa dami ng babaeng kinakama mo, e."Napairap ako habang umuupo sa swivel chair. "Shut up, Tanya. It was an accident.""Weh? Sa tinagal-tagal ko rito sa clinic mo, minsan nagtataka rin ako kung bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring naku-kuhang kung anong saki
RIOT’s POVDalawang napakahabang araw na ang lumipas ng purong paghihirap. Kagagaling ko lang sa loob ng lumang simbahan.I let out a long, defeated sigh as I walked down the church patio, running a frustrated hand through my hair.Akala ko kahit papaano ay gagaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong magdasal. Akala ko mababawasan kahit kaunti ang matinding paghahangad ko kay Cinderella.But nope. Absolutely nothing! Still the same. Mas malala pa yata.Bilang doktor, alam kong mali ang nararamdaman ko. Pasyente ko ang dalaga. Nilalabag nito ang lahat ng prinsipyo at propesyonal na hangganang buong buhay kong pinanghawakan.And yet… Every single time I closed my eyes, it was always her.Ang inosenteng mukha niya. Ang mahinhin nitong boses. Ang simpleng ngiti nito. Even the way she innocently tilted her head whenever she got confused."Damn it..." bulong ko habang pinipisil ang pagitan ng aking mga kilay. "Get yourself together, Riot. You're a freaking doctor, not some hormone-driven teena
RIOT’s POVSobrang dami ng patients ko these past few days. Ang dami kong na-deliver na babies, at ang dami ring nagpa-check up. Ang medyo nakakaalarma lang, karamihan sa kanila positive sa STDs.Should I be worried? Medyo napa-overthink lang ako. Outside of work, medyo interesting din naman ang sex life ko. May mga casual hookups din paminsan-minsan, at may FUBU rin ako, although to be honest, hindi na rin ako gano'n ka-interested sa kanya lately. Syempre, I only sleep with women na mukhang maalaga sa sarili at malinis tingnan. Pero dahil sa dami ng STD cases na nakita ko lately, napapaisip tuloy ako kung dapat ko na bang i-test ang sarili.Napasandal ako sa upuan sa likod ng aking wooden desk, dinarama ang lamig na bumabalot sa buong clinic. Tahimik ang paligid hanggang sa biglang bumukas ang pinto.Pumasok ang isang matandang babae, halos kinakaladkad ang isang namumutlang dalaga na tila anumang oras ay babagsak sa panghihina.Napatingin ako rito.Maganda siya. May kakaibang inosen







