“Babe, bulag ka na ba at bingi, hindi mo ba naririnig ang sinasabi ng babaeng iyan!”Umalingawngaw ang boses ni Jasmine sa buong hallway ng ospital.“Ginagawa niya akong katatawanan! Iniinsulto niya ako tapos ako pa yong pinipigilan mo! Sino ba talaga ang kinakampihan mo dito, Miguel?” Sigaw ulit ni Jasmine habang namumula ang mukha dahil sa inis.Napalingon ang lahat ng taong naroon, yong iba sumisilip pa, tapos naglakad palapit sa kanila para makiramdam.Sa bawat sigaw ni Jasmine, mas lalong dumidilim ang mukha ni Miguel. At sa bawat sigaw ng babae nito, mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni Joanne.“Aray!” Mahina niyang daing.Mas masakit pa iyon kaysa sa kanina. Namamanhid na yong braso niya at pakiramdam ay dumidilim na ang paningin niya. Pero hindi pa rin siya magsosorry – wala iyon sa bokabularyo niya. Lalo na para sa kabit nito na hindi karapat-dapat ng paumanhin mula sa kanya.Tiniis niya ang sakit at pinigil ang luha. Ayaw niyang ibigay sa kanya yong kasiya
Last Updated : 2026-07-29 Read more