تسجيل الدخولNaka-pambahay na damit lang si Miguel that night. Wala yong usual na malamig at mataray na aura niya kapag naka-black polo. Pero yong seryosong tingin niya, andoon pa rin. Nakakunot yong noo. At ang mga matang walang emosyon. “Lagi ka na lang late umuuwi. Dahil ba hindi ka tinawagan ni Mang Ben ngayon kaya wala ka sa plano na bumalik?” Malamig na tanong ni Miguel. Iniwas ni Joanne ang tingin. Oo, yun nga sana ang plano niya. “Kailangan ko pa ba mag-explain sayo? Nasa ospital ako para bantayan ang Nanay ko .” Maldita niyang sagot. Mas lalong dumilim ang mukha ni Miguel “Joanne. Hindi ba sinabi ko na sayo? Hindi pa tayo hiwalay sa papel. Kaya mag-ingat ka sa kilos mo.” May bahid na naman ng inis ang boses niya. “Araw-araw mo sinasabi yan. Parang nagiging dasal na. Miguel, hindi ba sinabi ko na din sayo noon? Araw-araw mo ko binabalaan. Pero ikaw at si Jasmine? Laging magkasama. Paano mo ako nagagawang pagsabihan ng ganyan?” Sabi ni Joanne at inirapan siya nito. Pagkasab
Lumipas ang maghapon at magdamag. Isa na namang tahimik na araw para kay Joanne. Dahil wala naman siyang ibang gagawin naisipan niyang pumunta sa nursing home para dalawin ang Nanay niya. Ilang minuto ay nakarating din siya, pagkakita pa lang sa kanya ng Ina napansin agad ng Nanay niya ang pamumutla niya. “Anak, bakit ang putla mo? May sakit ka ba? Anong nangyari sa kamay mo?” Sunod-sunod nitong tanong sa kanya habang sinusuri ang buo niyang katawan. Yumakap agad si Joanne sa Nanay niya para hindi na mag-alala pa. “Ma , okay lang po ako. Wag na po kayong mag-alala sakin, hmm. ” Sabi niya habang nakayakap pa din. Tumango na lamang ang nanay niya.Ramdam ng Nanay Niya na mayroon siyang problema. At hindi din lingid sa kaalaman ng Nanay niya na nasasaktan siya sa bahay ng mga Villanueva. Naramdaman ni Joanne na hinaplos ng Nanay niya ang likod niya. Kaya naman gumaan ang pakiramdam niya. Nakahanap siya ng pagkalinga at masasandalan kahit sa Kunting oras lang. “Alam kong
“MA, hindi ko po ginawa—”Hindi na siya pinatapos pa ni Doña Lila sa pagpapaliwanag. “Wag mo ko akong matawag tawag na Ma! ” Malamig na putol ni Doña Lila. “Hindi kita kinikilala bilang manugang ng pamilyang Villanueva.” Hindi na bago iyon para kay Joanne. Sa loob ng apat na taon ganyan na sila sa kanya. Si Doña Lila at si Mariz palagi siyang pinapahirapan. Laging tinuturing na katulong lang sa bahay kahit hindi naman. Sanay na si Joanne tumanggap ng mga panlalait at masasakit na salita. Sanay na siyang magtiis sa pamilya ni Miguel. Pero nong araw na iyon may kakaibang panginginig sa katawan niya. Gusto niyang saktan si Doña Lila pero naisip niyang huwag na lang dahil lalabas na naman na wala siyang respeto. “Okay fine, Doña Lila kung yan ang gusto mo” Magalang na sabi ni Joanne dahilan para manginig sa galit ang Nanay ni Miguel. “Aba’t talagang!” sigaw ni Doña Lila habang nanlalaki ang mga mata. “Wala naman akong ginagawang masama Doña Lila, gusto ko lang ipagtanggol ang sar
Pagkatapos sabihin ‘yon ni Miguel, humarap siya sa yaya. “Kunin mo si Lele.” utos niya dito Pagkatapos nun, humakbang siya papunta kay Joanne. Na may madilim na mukha. Hinablot niya ang kamay ni Joanne at hinila. “Sumama ka sa akin. Uuwi tayo.” Hindi niya matanggap na may kasama si Joanne na ibang lalaki. At ang masaklap pa ay matanda na ito. At mukhang tatay na nila kung tutuusin. Sa utak niya, asawa pa rin niya ‘to. At hanggang hindi pa final ang divorce, kanya pa rin si Joanne. Napahinto si Miguel ng pigilan siya ni Misis Lin nang hilahin niya palabas si Joanne. “Hoy! Anong problema mo? Kaibigan ko si Joanne! Hindi mo siya pwedeng basta kunin!” singhal nito sabay hawak sa kabilang kamay ni Joanne. Napakamot si Miguel sa gilid ng kilay. Halatang nagpipigil. Ayaw niya ng may humaharang sa gusto niya. “Papauwiin ko ang asawa ko. May problema ba doon?” proud niyang sabi Kaya nanlaki ang mga mata ng mga taong nakarinig. Naramdaman ni Joanne ang bigat ng boses ni
"Miguel, kung gusto mong punain ang isang tulad ko bakit hindi ka muna magpakita ng isang halimbawa kahit papaano sa sarili mo?”Agad na namutla ang mukha ni Miguel at umigting ang panga. Wala siyang ideya na wala pang isang buwan mula nang mapirmahan ang kasunduan sa divorce. Malaki ang hinala niya ngayon na nagkukunwari lang sa harapan niya si Joanne noon pa man.Wala pang sumubok na sawayin si Miguel noon. Lumabas ang maliit na ugat sa noo nito. At pinipigilan sumabog ang galit. "Joanne, hindi kita sinisisi noong araw na iyon dahil nauntog mo ang noo mo. Pero ngayon dapat ay tumigil ka na!" sigaw ni Miguel kay Joanne pero hindi man lang kumurap ng isang beses si Jaonne. Hindi siya nagpakita o nagpahalata ng takot dahil sa malakulog na boses ni Miguel. Nanginig sa takot ang mga taong naroon sa boutique Lalo na si Mr. Lin. Ngunit sa harap ni Miguel nakaramdam siya ng panliliit sa sarili. Naawa si Mr, Lin kay Joanne kaya sumingit na siya sa usapan. "Sir,baka may hindi ka lang
“So, ano’ng ginagawa mo nga rito?!” Pag uulit na tanong ni Miguel kay Joanne. Nanginig sa takot ang mga tuhod ni Joanne, agad naman niyang pinakalma ang sarili. Yumuko siya para damputin ang nahulog na cellphone. Kumunot naman ang noo ni Miguel ng hindi siya pansinin ni Joanne. “Sinong kausap mo kanina?” Tanong ni Miguel na halatang gusto niya talagang malaman kung sino ang kausap ng asawa sa kabilang linya. “Si Yumi lang,” sagot ni Joanne. Bumilis ang tibok ng puso ni Miguel ng maalala nito ang mukha ng bata. Maamo, bilugan ang pisngi, Sa pagbanggit pa lang ng pangalan, may kung anong gumalaw sa dibdib niya. Parang may naramdaman siyang excitement ulit Katulad noong una niya itong makita. Habang iniisip niya kung bakit siya biglang nagkaganon isang malamig na boses ang narinig niya mula kay Joanne. “Pwede ko na bang kunin ang phone ko?” Walang gana nitong tanong. Napansin ni Miguel na may basag ang screen ng cell phone ni Joanne.Hindi niya namalayan na iniabot na pala
![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






