Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Mag-a-apply sana si Giselle bilang Domestic Helper sa Saudi Arabia. Pero pagdating niya sa Maynila, nadukutan siya, nawala ang mga papeles pati na rin ang perang inipon ng kanyang ama. Dahil insidenteng iyon, napadpad siya sa puder ni Raul Montoya—isang single dad na ubod ng gwapo, matipuno, at mayamang negosyante, ngunit ubod nga lang din ng sungit at palaging iritado. Magtatrabaho siya rito bilang nanny ng anak nito. Unang araw pa lang niya sa trabaho, naranasan na niya ang hagupit ng sama ng ugali nito. Tila ang init ng dugo nito sa kanya at mas lumala pa ito sa mga sumunod pang mga araw hanggang sa natuto siyang lumaban dito, dahilan para mas lalo itong magalit sa kanya. Ngunit hindi mapaalis-alis ni Raul si Giselle dahil napalapit na rito ang anak niya. Nagpatuloy ang bangayan ng dalawa hanggang sa may nangyaring hindi inaasahan—isang makasalanang gabi ang nangyari sa kanilang dalawa. Isang gabing hindi nila malilimutan. Isang gabing nagparanas sa kanila ng kakaibang init at sarap. Ito na kaya ang maging hudyat ng tuluyang pagbabago ng relasyon nilang dalawa?
759 viewsOngoingAdded to Library 29 Times as blue lock author
Read
+Library
Dear Ex-husband, Look At Me Now

Dear Ex-husband, Look At Me Now

Minsan nang inialay ni Sydney ang puso kay Vince pero tinanggihan siya nito… pati ang anak na hindi niya alam na ipinagbubuntis ni Sydney. Pagbalik ni Sydney matapos ang anim na taon, iba na ang babae sa harap niya at hindi na siya madaling saktan. Pero sa muling pagtatagpo, ang lalaking minsang nagpaalis sa kanya ay siya ngayong takot siyang bitawan. Pag-ibig pa ba ito na may pangalawang buhay, o panibagong sugat lang na naghihintay?
426 viewsOngoingAdded to Library 17 Times as blue lock author
Read
+Library
Collateral To The Ruthless Billionaire

Collateral To The Ruthless Billionaire

Ang kanyang pamilya ang gusto niyang makuha. Ang kanyang kalayaan ang hiniling niyang kapalit. Itinayo ni Irish Wei ang kanyang pangalan bilang ang pinakakinikilalang art curator sa lungsod—isang babaeng may dangal sa mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan ng mga dinastiyang negosyante. Ngunit nang gumuho ang imperyo ng kanyang pamilya dahil sa utang at pagkakanulo, siya ang naging huling collateral na gustong angkinin ng isang walang awang bilyonaryo. Hindi naghari si Kendrick Reyes sa pamamagitan ng pagiging mabait. Matagal nang hinintay ng negosyanteng ito ang pagbagsak ng pamilya Wei. Subalit nang makaharap niya si Irish—mayabang, matapang, handang ipagpalit ang sarili para sa kaligtasan ng kanyang pamilya—binago niya ang kasunduan. Isang taon. Ang kanyang buhay, kanyang pagsunod, ang kanyang lubos na pagpapasakop. Kapalit nito, ang kanyang ama ay makalalaya at mananatiling buo ang kanilang pangalan. Maninirahan siya sa mundo ng mga nakakulong na penthouse sa Gangnam, dadalo sa mga eksklusibong gala, at magiging tropeo sa harap ng mga piling tao ng lungsod. Nakakulong sa isang ginintuang hawla, inaasahan ni Irish ang kalupitan. Ang hindi niya inaasahan ay ang lalaking puno ng kontradiksyon—isa na magbabantay sa kanya nang may bangis na magpapalabo sa linya ng kanyang pagkabihag at pagiging protektado. Ngunit ang imperyo ni Kendrick ay itinayo sa mga lihim, at ang katotohanang taglay ni Irish ay maaaring siyang tanging bagay na hindi kayang kontrolin ng kanyang kapangyarihan. Sa larong puno ng yaman at pagnanasa, ang pinakamapanganib na pusta ay hindi ang pagkawala ng kanyang kalayaan. Ito ay ang pagkawala ng kanyang puso sa lalaking nagnakaw nito.
304 viewsCompletedAdded to Library 10 Times as blue lock author
Read
+Library
Seduced By My Stepbrother

Seduced By My Stepbrother

Akala ni Havana ay kasayahan lang ang meron sa pre-wedding party ng kanyang ina. Pero hindi niya in-expect na ang gabing yun ay siyang gugulo pala sa mundo niya. One night, one stranger, one big mistake. At mas lalong pang naging disaster nang malaman niyang ang lalaking nakasiping niya ay ang magiging stepbrother niya. Jacob Young. The youngest billionaire in the country. Dangerous. Arrogant. Siya ang tipo ng lalaki na dapat iniiwasan, pero siya rin yung tipong hindi mo makakalimutan no matter how hard you try. It was supposed to be nothing, just one night. Pero paano kung magbunga ang isang gabi na may nangyari?
812 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as blue lock author
Read
+Library
Maid Ako Ng Amo Ko

Maid Ako Ng Amo Ko

Fara Fabulosa, 21 years old, anak mayaman at nag-iisang anak ng kanyang mga magulang. Pakiramdam ni Fara ay may kulang pa rin sa kanya. Oo napapalibutan nga siya ng maraming magagarang kagamitan, alahas at pera. Ngunit walang lalaking nagmamahal sa kanya ng tapat. Dahil sa isip niya ay pera lang ang habol sa kanya ng mga lalaking nagkandarapa sa panliligaw sa kanya. Hanggang sa pilitin na siyang ipakasal ng kanyang magulang sa isang lalaking hindi pa niya nakikita. Ngunit bago mangyari iyon, gumawa na nang paraan si Fara. Tumakas siya sa bahay nila dala ang kaunting damit at perang naitabi niya. Pumasok na katulong si Fara. Ngunit hindi naman niya inaasahan na ang magiging amo niya ay ubod ng strikto at sungit. Siya si Reyman Fernandez, ang lalaking hindi man lang nagawang tapunan siya ng tingin. Ngayon lang siya nakahanap ng lalaking katulad ni Reyman. Paano niya haharapin ang panibagong mundo niya? Makakaya ba ni Fara ang ugali ni Reyman? O baka susuko na lang siya at tuluyan ng magpakasal sa lalaking hindi man lang niya kilala. Tunghayan ang kapanapanabik na kabanata sa buhay ni Fara Fabulosa.
1048.6K viewsOngoingAdded to Library 1.2K Times as blue lock author
Read
+Library
Contracted To The Mafia : A Plus-Size Bride (Tagalog)

Contracted To The Mafia : A Plus-Size Bride (Tagalog)

"Hindi ba ito ang unang gabi natin bilang mag-asawa? Handa akong ialay ang katawan ko sa iyo, Ginoong Alexandro," sabi ni Lucia habang nakasuot ng isang seksi at mapang-akit na lingerie. Tahimik lamang na pinagmasdan ni Alexandro si Lucia mula ulo hanggang paa. Yumuko si Lucia, dahil hindi rin siya sigurado kung gugustuhin ng lalaki na hawakan ang mataba niyang katawan. Lumapit si Alexandro nang lumapit hanggang sa itinulak niya si Lucia, dahilan upang mapaupo ito sa sahig habang nakatingala sa kanyang asawa. "Mahilig ka ba sa BDSM?" tanong ni Alexandro. Napalunok nang mariin si Lucia. Ito na ang simula ng kanyang bangungot. Hindi kailanman naranasan ni Lucia ang mabuhay bilang isang anak na minamahal. Mula nang pumanaw ang kanyang mga magulang, lumaki siya sa bahay ng kanyang tiyuhin at itinuring na parang isang pabigat. Mataba si Lucia, tahimik, at palaging ikinukumpara sa kanyang magandang pinsan. Natutunan niyang tanggapin ang mga pang-iinsulto bilang bahagi ng kanyang buhay. Hanggang sa isang araw, dahil sa lihim na pagkakautang ng kanyang tiyuhin, napilitang mapasok si Lucia sa isang kontratang kasal kay Alexandro De Luca, isang makapangyarihang lalaking malamig, malupit, at hindi madaling lapitan. Ang kasalang walang pag-ibig na iyon ang naging dahilan upang siya'y pagtawanan sa malupit na mundo ng mga elitista, maging sa sarili niyang tahanan. Itinuring siyang isang kahihiyan at isang asawang hindi karapat-dapat na tumayo sa tabi ng isang Alexandro De Luca.
845 viewsOngoingAdded to Library 22 Times as blue lock author
Read
+Library
One-night Stand with My Boyfriend's Ninong Tyler

One-night Stand with My Boyfriend's Ninong Tyler

It was Sienna and Clyde’s second-year anniversary, at nagplano na isurprise ni Sienna si Clyde sa pamamagitan ng isang dinner sa isang restaurant. Nakaplano na din siyang ibigay ang virginity niya dito na matagal na nitong hinihingi sa kanya, pero hindi siya nito sinipot at hindi sumasagot sa mga tawag niya. Para hindi masayang ang kanyang gabi, naisipan niyang pumunta sa isang bar para mag-enjoy. Tinawagan niya ang bestfriend niyang si Valentina, and just like Clyde, hindi niya rin ito makontak. Iyon pala ay niloloko na siya ng mga ito. At sa bar na iyon ay nakilala niya ang isang estranghero na nagligtas sa kanya sa pambabastos ng mga lalaki noong nalasing siya. His name was Tyler Anderson. Nauwi sila sa isang one-night stand at ito ang nakakuha ng kanyang v!rginity. Wala na sanang problema dahil hindi na sila ulit magkikita. Ang kaso, ninong pala ito ni Clyde. Hindi niya alam kung paano haharapin ang ninong ng boyfriend niya lalo na’t sinabihan din ito ni Clyde na siya din ang maging ninong sa kasal nila. Noong magkasakit ang kanyang tiyahin, si Tyler ang sumagot ng pagpapaopera nito, dahil ayaw siyang tulungan ni Clyde. Para makabayad sa utang niya kay Tyler, inalok siya nito ng one-hundred thousand pesos per session ng kanilang pagniniig, at pumayag siya. Paano niya ngayon mahihiwalayan si Clyde gayong nahulog na rin ang loob niya sa ninong nito?
1032.3K viewsCompletedAdded to Library 1.3K Times as blue lock author
Read
+Library
Nanny For Hire, Mommy By Choice

Nanny For Hire, Mommy By Choice

Akala ni Estelle, tatlong buwan lang siyang magiging yaya. Pero hindi niya inasahan na sobrang mapapalapit siya sa anak ng boss niyang si Alaric Montserrat—isang gwapo, seryoso, at ubod ng yaman na negosyante. Nang dumating ang araw na kailangan na niyang umalis, isang alok ang hindi niya inaasahan. At iyon ay ang maging ina ng anak ni Alaric sa loob ng dalawang taon! Isang simpleng trabaho ang pinasok ni Estelle, pero isang buong pamilya ang gustong ibigay sa kanya ng boss niya. Tanggapin kaya niya ang alok, o iiwan niya ang pusong natutunang umibig sa mag-ama?
762 viewsOngoingAdded to Library 25 Times as blue lock author
Read
+Library
THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)

THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)

Si Vhon Di Martin Oz a.k.a Gerlan ay isa sa apat na magkakapatid na anak ng mga bilyonaryo sa larangan ng business world.Sya ay ipinagkasundong ipakasal sa anak ng business partner ng kanilang ama na si Zeffie Kazzandra Choi.Isa syang makulit at pasaway na babae kaya tinakasan nito ang kasal nila umpisa pa lang.Nagkrus ang kanilang landas pero wala silang kamalay-malay na sila pala ang ipinagkasundo.Ginamit ni Vhon ang pangalawang pangalan nito na Gerlan at si Zeffie naman ay ginamit ang Kazzandra.Para matakasan ni Kazzandra ang fiancé nito,inalok nito si Gerlan na magpakasal kapalit ang paninilbihan nito kay Gerlan.Hindi nito sinabi sa lalaki na mayaman ito.Pumayag naman ang lalaki dahil alam nyang hindi sya magugustuhan ng babae.Nagsama sila sa iisang bubong.Sa unang araw pa lamang ng kasal nila ay puro sakit ng ulo na ang binigay ng babae sa kanya.Hanggang sa isang araw ay narealize na lang nito na nahuhulog na pala ito sa asawa nito. Nang magkapalagayan ng loob ay malalaman nila ang mga sikretong itinatago ng bawat isa.Mas lalong magiging mailap ang kapalan at si kupido sa kanila dahil may mga kokontra sa kanilang pag-iibigan.Ngunit mananaig ang kanilang nararamdaman para sa isa't-isa.
479 viewsOngoingAdded to Library 18 Times as blue lock author
Read
+Library
I MARRIED MY EX-HUSBAND'S BOSS

I MARRIED MY EX-HUSBAND'S BOSS

Sunny Vergara's world falls apart when she catches her loving husband cheating on her. Hindi lang basta sa isang babae, kundi sa kapatid pa niya. Niloko siya ng dalawang tao na malapit sa kanya. She's left heartbroken and betrayed. With divorce papers in hand, Sunny decides to walk away and start over. Nick Watson, is successful real state mogul and the heir to the Watson Industries in Las Vegas. Tall, dark, and handsome. Ganyan kung i-describe ng mga kababaihan si Nick. He's always put his career first, staying single by choice. Wala sa plano ang pagpapakasal, until one night with Sunny changes EVERYTHING.
1.0K viewsOngoingAdded to Library 32 Times as blue lock author
Read
+Library
PREV
123456
...
14
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status