Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival

Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival

Labindalawang taon ng pag-ibig, katapatan, at pangako—winasak sa isang iglap ng putok ng baril. Buong akala ni Andrea, alam na niya ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Sa loob ng higit isang dekada, ibinigay niya ang lahat—tiwala, pasensya, at sarili sa lalaking tinawag niyang fiancé. Para sa kaniya, ang pag-ibig ay pananatili. Pagpili araw-araw. Kahit masakit. Hanggang sa Araw ng mga Puso. Habang nasa bingit sila ng kamatayan, isang baril ang nakatutok at sa sandaling iyon, malinaw na malinaw kung sino ang pinili ni Edward. Hindi si Andrea. Kundi ang ex niyang si Margaret. Siya ang niyakap. Siya ang pinrotektahan. Si Andrea ay iniwang duguan, sugatan, at parang hindi kailanman minahal. “You almost died!” sigaw ni Lira. “And he didn’t even look at me,” sagot ni Andrea, basag ang boses. “Parang wala lang ako.” Sa pagitan ng wasak na puso at natitirang dangal, gumawa si Andrea ng isang desisyong walang atrasan. Pinakasalan niya ang pinakamakapangyarihang kaaway ni Edward, ang lalaking kinatatakutan sa mundo ng negosyo na si Dylan Reed Romero, bilang paghihiganti. Ngunit si Dylan ay hindi simpleng rebound. Siya ay dominante. Mapanganib. Mapang-angkin. At sa kabila ng lamig niya ay may isang uri ng proteksiyong hindi kayang ibigay ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, nahaharap si Andrea sa pagitan ng isang pag-ibig na bumigo sa kaniya, at isang lalaking maaaring humingi ng higit pa kaysa sa kaya pa niyang ibigay. Sa huli, magiging una na ba siya sa puso ng isang tao—o tuluyan na niyang mawawala ang sarili habang sinusubukang magmahal muli?
9.623.1K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 856 kali sebagai edward and bella
Baca
+Pustaka
The Ceo's Stolen Night

The Ceo's Stolen Night

Hindi kailanman inakala ni Luhan na ang isang gabing dapat ay simpleng “boy’s night out” lamang ang sisira sa pinaghirapan niyang relasyon at nakatakdang kasal kay Stephanie. Sa isang iglap, nasangkot siya sa isang gabing puno ng alak at kalituhan—at nagising na may nangyari sa pagitan niya at isang babaeng hindi niya kilala. Sa desperasyong linisin ang kanyang pangalan, hinanap niya si Bella, ang kaibigang maaaring makapagpatunay na hindi niya ginusto ang nangyari. Samantala, pasan ni Cattleya ang mabigat na responsibilidad bilang ina kay Kesleigh, isang batang may sakit sa puso. Sa gitna ng problema sa pera, pagkawala ng tirahan, at trabaho, napilitan siyang tanggapin ang alok na maging sekretarya ng isang istriktong boss—si Luhan. Sa una’y puro iringan ang namagitan sa kanila, lalo na nang pagbawalan siyang magdala ng anak sa opisina. Ngunit habang tumatagal, unti-unting nahulog ang kanilang mga puso sa isa’t isa. Naging masalimuot ang lahat nang muling manggulo si Stephanie at unti-unting mabunyag ang koneksyon ng nakaraan. Isang rebelasyon ang yumanig sa mundo ni Cattleya—si Luhan ang lalaking nakatalik niya noon. Sa takot na mawala ito, itinago niya ang katotohanan, hanggang sa isang hindi inaasahang pagtatagpo ang naglantad ng lahat. Dumagdag pa sa kaguluhan ang paglitaw ni Caloy na nag-angking ama ni Kesleigh. Nasubok ang tiwala ni Luhan, ngunit pinatunayan ng DNA test na siya ang tunay na ama. Sa araw ng pag-alis nina Cattleya patungong ibang bansa, pinili ni Luhan na habulin sila—handa mang maghintay, umaasang balang araw ay mabubuo rin ang kanilang pamilya.
294 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 5 kali sebagai edward and bella
Baca
+Pustaka
The Substitute Vows ni Marcandre

The Substitute Vows ni Marcandre

Si Isabella “Bella” Alcaraz ay halos nabuhay sa likod ng anino ng kanyang “almost perfect” na nakatatandang kapatid, si Marisella—ang glamorosa, walang kapintasan at ubod ng bait na mukha ng Alcazar Luxe Events. Kilala ang kanilang pamilya pero sa likod ng lahat ng ito, unti-unting bumabagsak at nababaon sa hindi mabilang na utang. Pinili ng kanilang mga magulang na ipakasal si Marisella kay Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa at nakakatakot na CEO ng Veyra Global Holdings. Halos lahat ng negosyo mula finance, hotels at real estate ay saklaw ng kayamanan niya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, naglaho na parang bula si Marisella. Para maprotektahan ang pangalan ng pamilya mula sa iskandalo, walang nagawa si Isabella kundi ang maglakad patungo sa altar kapalit ng kanyang kapatid. Natatago sa belo ng sutla at kasinungalingan, siya ang naging “substitute bride” ng isang lalaking kayang ibaon sa hukay ang pamilya niya sa isang salita lamang. Hindi madaling malinlang si Leon. Alam niyang ang babaeng nasa tabi niya ay hindi ang ipinangako sa kanya. Ngunit imbes na itigil ang seremonya, inako niya si Isabella bilang kanyang asawa. Sa mundo, isa itong perpektong kasal, isang fairy tale. Pero sa likod ng mga pinto, isa itong mapanganib na laro ng sekreto, kapangyarihan at obsession. Sa ilalim ng kasal na nabuo sa panlilinlang, kailangan tiisin ni Isabella ang malamig na galit, nag-iinit na pagnanasa at walang hanggang pagdududa ni Leon. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang galit at pagdududa ay unti-unting lumalabo. Kasabay nito, patuloy na bumabalot ang pagkawala ni Marisella—runaway bride nga ba, o mas malalim pa? Sa bawat pangakong binibigkas, maaaring nakataya ang pamilya, kalayaan… at puso ni Isabella.
529 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 11 kali sebagai edward and bella
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
12345
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status