Maling Akala
Walang pag-aalinlangang bumangon ang lalaki at tinungo ang nursery.
Tahimik na sumunod si Angeline at sumandal sa pintuan, pinagmamasdan ang eksenang hindi niya akalaing makikita noon—si Jericho Calderon, ang lalaking kinatatakutan ng marami, ay marahang buhat ang isang maliit na sanggol.
“Hey, little warrior,” bulong nito habang inaalalayan ang ulo ng bata. “Why are you crying, huh? Missing me already?”