Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Seductress Unforgotten

Seductress Unforgotten

Sa mundo ng marangya at makapangyarihan, si Apple Imperial ang babae na pinapangarap ng lahat ngunit kinatatakutan ng iilan. Sa kanyang mala-anghel na mukha at maalindog na katawan, nagagawa niyang paikutin ang puso ng kahit sinong lalaki. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na ngiti, nakatago ang isang madilim na lihim—si Apple ay isang mapanganib na gold digger. Dati siyang prinsesa ng kayamanan, lumaki sa karangyaan ng pamilyang Imperial. Ngunit nang bumagsak ang kanilang negosyo, nawala ang lahat—ang yaman, at ang dangal. Ang bawat halik niya ay may presyo, ang bawat yakap ay may layunin. Sa bawat lalaking nahuhulog sa kanyang bitag, isang hakbang siya papalapit sa pagbabalik ng yaman na nawala sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Lance Martin—ang guwapo, makapangyarihan, at sobrang yaman na CEO ng Emerald Malls—nagbago ang pananaw niya sa buhay at pag-ibig. Si Lance ang perpektong target, ngunit siya rin ang tanging lalaking nagpaalala kay Apple kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Sa kabila ng kanyang mapanlinlang na paraan, si Lance ang nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo. Subalit ang lihim ni Apple ay hindi kayang itago habang-buhay. Nang magdesisyon si Lance na ipagkatiwala ang kanyang buong puso at yaman kay Apple at nagbabalak na pakasalan ito,ngunit nalaman niya ang masakit na katotohanan—ang babaeng kanyang minahal ay naglalaro sa apoy. Sa gitna ng kanyang pagtataksil, iniwan siya ni Lance, at tuluyang nawala sa kanyang buhay. Pero hindi pa tapos ang kanyang kabiguan. Nang malaman ni Apple na siya’y nagdadalang-tao, biglang nagbago ang lahat. Ang anak na nasa kanyang sinapupunan ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagbabalikan—o ang maghahatid sa kanya sa mas malalim na pagdurusa. Magagawa kaya ni Apple na itama ang kanyang mga kasalanan? O magbabayad siya ng pinakamabigat na presyo para sa lahat ng kanyang kasinungalingan?
103.8K viewsCompletedAdded to Library 131 Times as gold roger
Read
+Library
Maria's Lust at First Sight (SSPG)

Maria's Lust at First Sight (SSPG)

Hindi ako gold digger. Oo, tatlong trabaho ang pinagsasabay ko. Server ako sa umaga, cashier sa hapon, at sa gabi, naglilinis ako ng kubeta sa isang bar sa Makati. Ako si Maria Tala Loresca, twenty-three years old. May utang na kasing lalim ng depression ko, at walang balak na lumaki ang interest nito. Kaya nang lapitan ako ni Lucas Salazar sa VIP lounge ng club na pinagtatrabahuhan ko isang lalaking nakasuot ng suit na halatang isang buwang sahod ko ang isang butones, may amoy na pangmayaman at kayabangan, at may titig na parang hinuhubaran na ako bago pa man ako magsalita, akala ko isa siyang manyakis na mayaman. "Five million. One night. No names, no feelings, no bullshit." Tiningnan ko siya. Six feet. Broad shoulders. At isang ngisi ng lalaking sanay makuha ang gusto niya. "Sure. Sige. Pero cash agad." That night, ikinama niya ako sa penthouse niya. Walang bulaklak. Walang kandila. Pagkatapos? Limang milyon sa bedside table. Umalis akong hindi siya ginising. Akala ko tapos na. Hanggang sa malaman ko ang totoo makalipas ang tatlong linggo. Ako pala ang sikretong anak ng taong pinakakinamumuhian niya ang ina ko ang babaeng sumira sa pamilya niya, at siya ang rason kung bakit namatay ang kanyang ina. Kaya ang plano ko ay paibigin siya. Pakakasalan ko siya. Gagamitin ang apelyidong Salazar para kunin ang lahat—pera, lupa, dignidad niya. Plano ko siyang sirain. Hindi ko inasahan na habang ginagawa ko 'yon, unti-unti rin pala akong mababaliw sa kanya. Sa mga kamay niyang humawak hindi lang ng katawan ko kundi ng pusong tinuruan kong maging bato. At ang masaklap? Kapag nalaman niya ang totoo—na ang babaeng hinuhubaran niya sa kama ay ang mismong dugo ng demonyong hinahangad niyang mamatay at hindi ako sure kung sino ang mas masasaktan. Siya ba? O ako?
433 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as gold roger
Read
+Library
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status