Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love you still

Love you still

Meowpyyyyy
Love makes the world go round, sabi nila. Pero iba para kay Alexena dahil pinatigil nito ang isang bahagi ng buhay at pagkatao niya. Kahit na dala ang sakit ng kahapon ay pinili niyang mag-move forward at ngumiting muli upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit pagkatapos umalis nang walang paalam makalipas ang ilang taon ay hindi niya kailanman inakalang maglalaro ang tadhana at pagtatagpuing muli ang kanilang landas ng nag-iisang lalaki na kanyang minahal at iniwan sa nakaraan. Pero nagbago na ito, wala na ang bakas ng pagkatao ng lalaking kanyang nakasama noon. Wala na ni anino ng suyo kapag tinatapunan siya nito ng tingin at lambing sa tinig kapag kinakausap siya. Sa halip ay puro pang-iinsulto at masasakit na salita na lamang ang lumalabas sa bibig nito sa tuwing bubuka iyon. At ang nakakaloka pa ay napapansin niya na palagi na lang siya nitong pinag-iinitan at pinepersonal. Palagi ring iritado at akala mo ba ay may buwanang dalaw sa sungit. Aminado naman siyang may malaki siyang kasalanan dito. At mukhang dumating na rin ang panahon ng paniningil nito, ayaw man niya ay kailangan niyang magbayad. Ngunit sa kabila ng mga iringan nilang dalawa at hindi pagkakasundo ay hindi maikakailang ito pa rin ang nag-iisang tao na may kakayahang patibukin nang mabilis ang puso niya. Akala niya ay okay na siya, akala niya ay naka-move on na siya rito. Pero mukhang mali ang lahat ng naging paniniwala niya dahil tutol man ang isip niya sa kanyang nararamdaman ay sadya namang may pagkatraydor, suwail at balimbing ang puso niya basta pagdating na rito ang usapan. Love is sweeter the second time around, maging applicable naman kaya ang kasabihang iyon sa dalawang ito? O sa halip na maging matamis ay baka naman pait ang malasahan at maging kapalaran ng mga ito sa dulo?
2.7K viewsOngoingAdded to Library 61 Times as halip
Read
+Library
The CEO Boss Is My Ex-lover

The CEO Boss Is My Ex-lover

Akala ni Marianne “Anne” Dela Fuente tama ang desisyong iwan si Isagani Malcon. Sa tingin niya kasi ay walang magandang kinabukasan kung pipiliin niya ito. Kahit mahal niya si Isagani, pinili niyang lumayo dahil sa isang dahilan na siya lang ang nakakaalam. Paglipas ng walong taon, nagtagpo silang muli. Nag-apply si Anne sa isang malaking kumpanya at laking gulat niya nang malaman na ang may-ari nito ay si Isagani, ang lalaking iniwan niya noon. Ngayon, si Isagani na ang may kapangyarihan. At sa halip na pagmamahal, galit at paghihiganti ang bumabalot sa kanya. Gusto niyang iparamdam kay Anne ang sakit ng panahong iniwan siya nito. Pero paano kung sa gitna ng galit, muling umigting ang damdamin na matagal na nilang pilit kalimutan?
580 viewsOngoingAdded to Library 21 Times as halip
Read
+Library
His Ex-Wife's Greatest Secret

His Ex-Wife's Greatest Secret

Clarisse Rivera only wanted respect from her marriage—ngunit sa halip, pagtataksil ang ibinigay sa kanya ng asawa niyang si Lucas Montenegro. Nang dalhin nito ang ibang babae sa kanilang tahanan, iniwan ni Clarisse ang lahat at naglaho, dala ang isang lihim: buntis siya ng kambal. Pagkalipas ng limang taon, bumalik siya bilang isang kilalang doktor na may ibang pangalan, handang buuin ang buhay kasama ang kanyang mga anak. Ngunit muling nagkrus ang landas nila ni Lucas—isang makapangyarihang lalaking hindi pa rin nakakalimot sa nakaraan. Habang unti-unting nabubunyag ang katotohanan, isang tanong ang hindi niya matakasan: Hanggang saan lalaban ang isang ina para protektahan ang kanyang mga anak—kapag ang ama mismo ang kalaban?
500 viewsOngoingAdded to Library 18 Times as halip
Read
+Library
Will You Love Me? (BL)

Will You Love Me? (BL)

Anong gagawin mo kung isang araw ay bumalik ang isang dating kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita? Sa halip kasi na matuwa ay mas lalo pang nagalit si Kenan Rey Santos matapos makita sa harap ng bahay niya ang best friend na si Caleb Roy Tan. Dalawang taon niya itong hindi nakita matapos biglang umalis papunta sa ibang bansa. Sa anong dahilan? Nang sinadya nitong sirain ang pangarap niya. Na mapasali sa basketball team ng school na siyang daan para makapasok sa gustong University. At sirain ang relasiyon na meron sila ng babaeng matagal na niyang gusto at nililigawan. Sa muling pagbabalik nito sa buhay niya. Ano kaya ang gagawin pa nito para lang muling sirain ang maayos at masaya niyang college life.
8.2K viewsCompletedAdded to Library 327 Times as halip
Read
+Library
HEAL MR, MY BILLIONAIRE FAITH HEALER

HEAL MR, MY BILLIONAIRE FAITH HEALER

LUKE IVAN CLARK A.K.A. MANG BERTING Sa likod ng kanyang pagiging bilyonaryo at may-ari ng malalaking negosyo, may ibang pagkakakilanlan si Luke Ivan Clark—kilala ng marami sa kanayunan bilang “Mang Berting.” Sa gitna ng mga probinsya sa Timog Luzon, siya ay iginagalang at kinikilala bilang isang bihasang manggagamot. Namana niya ang natatanging kakayahan at kaalaman sa pagpapagaling mula sa kanyang yumaong lolo na si Roberto Ivan. Sa loob ng mahabang panahon, marami na siyang natulungan at napagaling, maging sa mga karamdaman na sinasabing mahirap lunasan ng karaniwang gamutan. Sa kabilang banda ay si Dahlia Perez—isang dalagang labis na takot sa mga doktor, ospital, at makabagong medisina. Sa halip na magpagamot sa mga pasilidad ng kalusugan, mas pinaniniwalaan niya ang mga tradisyunal na manggagamot. Dahil dito, halos naikot na niya ang buong rehiyon upang humanap ng makakatulong sa kanyang karamdaman. Sa tulong ng social media, sa wakas ay natagpuan niya ang tinutukoy ng marami—ang tanyag na manggagamot na si Mang Berting. Hindi inaasahan ni Dahlia na sa pagdating niya sa hatinggabi sa isang simpleng kubo sa liblib na lugar, makikita niya hindi ang isang matandang lalaki, kundi isang binatang matipuno at makisig. Marami na ring nakapila sa labas na naghihintay ng kanyang tulong. Nang makapasok siya at magtama ang kanilang mga mata, inilahad niya ang kanyang nararamdaman. Ngunit lalong gulat ang kanyang naramdaman nang marinig ang sagot nito: “Upang gumaling ang iyong katawan, kailangan mong makipagtalik sa akin.” Sa kabila ng pagkagulat, pumayag pa rin si Dahlia—sa isip niya ay isang gabi lamang ito at kapalit ng kanyang kalusugan. Ngunit nananatili ang tanong: Matutulungan ba siya nito at tunay ngang gagaling? O sa halip ay tuluyang masisira ang kanyang buhay sa kamay ng isang manggagamot na lihim na isa palang bilyonaryo?
71 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as halip
Read
+Library
Sinira ng First Love niya ang Kasal ko

Sinira ng First Love niya ang Kasal ko

Sa araw ng kasal ko, dumating ang first love ng fiance ko sa wedding ceremony suot ang parehong haute couture gown na gaya ng sa akin. Pinanood ko silang tumayo ng magkasama sa entrance, binabati ang mga bisita na para bang sila ang bride at groom. Nanatili akong mahinahon, pinuri ko sila, sinabi ko na bagay sila sa isa’t isa—maganda at matalino, itinadhana sila para sa isa’t isa. Napaluha ang babae at umalis. Gayunpaman, ang fiance ko, ay hindi nagdalawang-isip na ipahiya ako sa harap ng lahat, inakusahan niya ako na mapaghiganti at makitid ang pag-iisip. Noong matapos ang wedding banquet, umalis siya para sa dapat sana ay honeymoon namin—at siya ang kasama niya. Hindi ako nakipagtalo o gumawa ng eksena. Sa halip, palihim akong nag-book ng appointment para sa abortion.
2.6K viewsCompletedAdded to Library 97 Times as halip
Read
+Library
PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE

PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE

Pinagtaksilan si Psalm ng asawang si Darvis. Sa araw ng wedding anniversary nila, sa halip na umuwi upang i-celebrate iyon kasama siya ay mas pinili ng lalaki na samahan ang kapatid niyang si Pearl na tatlong buwan nang buntis. Nagdesisyon si Psalm na umalis at hiningi ang tulong ng isang kaibigan upang magsagawa ng pekeng aksidente para sa kaniya. Pero bago lumisan, sisirain muna niya ang buhay ng asawa at ng kabit nito, bilang kabayaran sa lahat ng pasakit. Maghihiganti siya. Ngunit bago ang araw ng kaniyang pekeng kamatayan ay nakilala niya si Ymir Janus Venatici, isang lalaking hawak sa kaniyang palad ang buong bansa. Nag-alok ito ng tulong pero puso niya ang hinihingi nitong kapalit. Magagawa ba niyang ibigay ang sarili sa lalaki kung takot na siyang magmahal muli?
1098.8K viewsOngoingAdded to Library 2.7K Times as halip
Show Reviews (12)
Read
+Library
Roc Monsolo Bonaobra
nabasa ko NATO sa kabila maganda ang story reco ko kya lang na dismaya Ako kc ND c psalm at darvis ang end game.....maganda sana kung Sila nagkatuluyan nakakahappy buo ang pamilya nila naging extended family tuloy
April Ochavo Palang
ms a, aaminin ko na nung una gus2 ko na lng c ymir para ky psalm pero ngayon na nkita ko how miserable ang life ni darvis, awang awa talaga ako sa knya. cguro malaki ang pgkakamali at wlang prpekto pero ama pa rin sya ng anak ni psalm. sana man lng sila pa rin sa huli.
Read All Reviews
MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1

MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1

Marinelli Starr
Destined to save the world from its doom caused by an ancient curse that appears every one hundred years, Matthaios Levidis, together with a group of young and brave doctor scientists from Athens, Greece, is set to find and kill the carrier of the curse, the ambitious fashion model Ava Taylor. Ava is suspected to be the first carrier of the unknown virus that turns victims into flesh-eating nocturnal mutants. Ngunit sa halip na si Ava ang natagpuan, isang simpleng probinsiyana ang bumihag sa puso ni Matthaios. But right after he pledged his heart to Nica Masangkay, a dark secret is revealed which compels him to choose between his mission and the woman he loves. IMPORTANT REMINDER!!! I spent time, effort and money in writing this piece of art. Nobody is allowed to make money out of it unless I give my written consent. If I caught somebody COPYING or SELLING the soft copy of this story or any of my stories here on Good Novel, I will make sure that he/she will deal with the law for violating Republic Act No. 8923.
102.3K viewsOngoingAdded to Library 48 Times as halip
Read
+Library
Trapped with my Boss

Trapped with my Boss

Mas gusto sana ni Shalanie ng babaeng Executive assistant. Ngunit dahil lalaki ang ipinadala ng HR ay wala siyang choice kundi ang tanggapin ito. Hindi naman niya inakalang magtatagal ito sa pamamahala niya kahit pa ba napakasungit niya. She had a reputation of being strict and ruthless. Ngunit wala itong epekto kay Samuel. Sa halip ay siya ang apektado kay Samuel. Paano ba naman? Ang assitant niyang ito ay mahusay sa trabaho, matalino, guwapo, simpatiko at may mga matang nakaka-hipnotize kapag napapatitig siya rito. Hindi man niya aminin pero ito lang ang nakapagpabilis nang tibok ng puso niya sa tuwing nasa malapit ito, lalo na kapag nagkakadikit ang mga balat nila at nagtatama ang kanilang mga mata. Alam niyang nanganganib ang puso niya rito at ano mang oras ay mahuhulog siya sa lalaking ito.
11.1K viewsCompletedAdded to Library 432 Times as halip
Read
+Library
Mundong Pagitan

Mundong Pagitan

Sa ika-limang taon ng pagsasama nina Gwyneth Payne at Asher Crowe, sinabi ni Asher ng tatlong beses na gusto niyang isama si Liana Quayle para mag-migrate. Ibinaba ni Gwyneth ang mga platong kakahanda lang niya at nagtanong kung bakit. Naging prangka siya sa kanya. “Hindi ko na ito gustong itago mula sa iyo. Nakatira si Liana sa katabing residential area natin. Siyam na taon niya akong kasama, at malaki ang utang ko sa kanya. Kailangan ko siyang isama kapag nag-migrate tayo.” Hindi umiyak si Gwyneth o gumawa ng gulo. Sa halip, bumili siya ng ticket para kay Liana sa flight nila. Iniisip ni Asher na sawakas nakakaintindi na siya. Sa araw na nilisan nila ang bansa, pinanood ni Gwyneth si Asher at Liana na sumakay sa flight. Pagkatapos, tumalikod siya at sumakay sa ibang eroplano na dadalhin siya pabalik sa tahanan ng mga magulang niya.
2.5K viewsCompletedAdded to Library 72 Times as halip
Read
+Library
PREV
123456
...
14
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status