Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back

My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back

Matagal nang pinapangarap ni Aerial si Diego. Nang magkaroon siya ng pagkakataong makalapit dito, naganap ang isang gabing puno ng kalasingan na nagbunga ng isang batang babae, na nagbigay-daan kay Aerial upang matupad ang kanyang pangarap na maging asawa ni Diego Natividad. Sa kabila ng katuwang na pangarap, nagdulot din ito ng galit at pagkamuhi ni Diego sa kanya, dahil pinakasalan lamang siya nito dahil sa kanyang dinadala. Napagkasunduan nilang ipawalang-bisa ang kanilang kasal matapos niyang ipanganak ang kanilang anak. Sa loob ng siyam na buwan ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, unti-unti niyang naramdaman na walang patutunguhan ang kanyang pagmamahal, lalo pa’t patuloy na malamig si Diego sa kanya. Nang muling banggitin ni Diego ang paghihiwalay, agad siyang pumayag. Wala na siyang maaasahan at nais na niyang muling buuin ang sarili na matagal na niyang tinalikuran para sa pagmamahal kay Diego. Kailangan na niyang lumayo upang tuluyang makalimot sa sakit na dulot nito. Ngunit sa oras na handa na siyang magbago at kalimutan ang lahat, si Diego ayaw na siyang pakawalan.
10535 viewsOngoingAdded to Library 11 Times as handa-kun
Read
+Library
Mga Anak ng Bilyonaryo

Mga Anak ng Bilyonaryo

Isang taon na lang ay graduate na sa kolehiyo si Lorelei Carpio ngunit ayaw ng sustentuhan ng kanyang Tita Agnes ang kanyang pag-aaral simula noong magkaroon ang Tita niya ng live-in partner. Ito ang nagpalaki sa kanya simula noong mamatay ang mama niya ngunit ngayon ay pinapaalis na siya nito sa pamamahay nito. Sa kagustuhang makapagtapos ay pumayag siyang sumali sa isang Sorority na nangakong tutustusan ang pag-aaral niya. Ngunit hindi niya alam na ang pagtanggap sa kanya ay may kapalit na mainit na gabi mula sa leader ng kasapi nilang Fraternity. At mas hindi siya handa matapos magbunga ng kambal ang pangyayaring iyon. Kambal mula sa lalaking hindi niya kilala at ni minsan ay hindi nasilip. Paano niya sasabihin ngayon sa bagong amo niyang si Hector Montanier na isa siyang single mother gayong ang gusto nito ay dalagang sekretarya? "I might require you to work 24/7, so make sure you don't have any extra baggage to attend to. Don't worry, I'll pay you triple or name your price," seryosong saad nito matapos iabot sa kanya ang blankong cheque.
10425.7K viewsOngoingAdded to Library 14.5K Times as handa-kun
Read
+Library
My Snobbish Engineer

My Snobbish Engineer

“Aray masakit dahandahan naman sa pagpasok! Sh*t ang sakit pala! Ayaw ko na! Ayaw ko ng tumikim ng malaking hotdog," Sigaw ko rito habang siya ay walang tigil sa pagbayo. “F*ck ang sarap mo! Sh*t malapit na 'agad akong labasan! " “Taina 'wag mong iputok sa loob, ayaw kong maging single Mom." “Ayan na lalabas na! Malapit na!" Sigaw ni Marcos sabay hugot ng kaniyang ari nilalaro upang sa tiyan lumabas ang likido. Dahil sa pagod kaagad akong nakatulog. Ang sakit sh*t bakit ko ba isinuko ang aking bataan sa kaniya? Lord sinabi ko po na titikim ako ng biyaya mo pero bakit doon pa sa mayroon ng nagmamay-ari. Dios ko ang sakit sakit pala. Paika-ika akong lumakad hanggang makarating sa banyo. Paglabas ko sa kuwarto nakita ko si Marco sa kusina na naghahanda ng aming almusal. “I'm sorry!" Bungad niyang sabi sa akin pagka-upo ko sa upuan. “Don't worry alam ko naman ang limitasyon ko at kong saan ako lulugar. Nadala lang tayo sa tukso so please 'wag na nating pag-usapan. Let's eat," yaya ko rito kahit na gusto ko ng umiyak. “Ginusto ko iyon! Hindi ako humuhingi ng tawad dahil ayaw ko kun'di humihingi ako ng tawad dahil hindi mo deserve lalo na't ako ang nakauna sa'yo." Paliwanag niya sa akin habang lumalapit sa akin at hinawakan ang aking mukha. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. “As I've said its okay. Don't mind it at 'wag na nating isipin 'yon. Let's pretend na walang nangyari lalo na 'pag dumating na si Yamir." “So I'll go ahead na may lakad pa ako. Bye Marcos!" Paglabas ko sa pintuan niya nalungkot ako at napaiyak. Mas masakit pa kumpara sa pagkawarak ng virginity ko. Alam kong mali pero mahal ko na siya.
1023.3K viewsCompletedAdded to Library 536 Times as handa-kun
Read
+Library
Chasing the Billionaire

Chasing the Billionaire

Synopsis Sa prestihiyosong St. Monteverde International University, kung saan nag-aaral ang mga anak ng pinakamayayamang pamilya, isang simpleng scholarship student ang patuloy na humahabol sa lalaking tila hindi kailanman lilingon pabalik. Si Luna Villareal ay isang clumsy ngunit masayahing dalaga na lumaki sa hirap. Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mundo, matagal na niyang minamahal si Giovanni De Luca, ang kilalang campus billionaire at tagapagmana ng isang malaking kumpanya. Cold, distant, at tila walang puso, si Giovanni ay sanay na panatilihin ang distansya sa lahat, lalo na kay Luna na palaging sumusunod at nagpapakita ng pagmamahal. Ngunit sa likod ng malamig na imahe ni Giovanni ay isang lalaking may mabigat na responsibilidad at lihim na takot na masaktan. Habang patuloy na hinahabol ni Luna ang kanyang puso, unti-unting nababasag ang pader na matagal na nitong itinayo. Sa gitna ng inggit, social pressure, at mga taong gustong paghiwalayin sila, mapapatunayan kaya ni Luna na ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa yaman o status? At handa ba si Giovanni na ipaglaban ang babaeng matagal na niyang piniling iwasan, pero hindi kailanman nakalimutan? Isang kwento ng paghahabol, pagtitiis, at pag-ibig na kayang baguhin kahit ang pinakamalamig na puso.
211 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as handa-kun
Read
+Library
DUMPED TO FOREVER

DUMPED TO FOREVER

Akala ni Lyka Jimenez ay habambuhay na silang dalawa. Para sa kanya, si Alejandro Bauer ang katapusan ng lahat ng kanyang paghahanap at ang simula ng kanyang magandang kinabukasan. Subalit sa isang iglap, gumuho ang lahat. Isang gabi, nang hindi niya inaasahan at nang walang kahit anong paliwanag, iniwan siya nito. Tinalikuran siya nang parang wala silang pinagsamahan, iniwan siyang wasak ang puso, puno ng tanong, at nababad sa sakit at matinding kahihiyan. Ilang taon ang lumipas at marami nang nagbago, ngunit bumalik si Alejandro. Hindi na upang muling manakit o lumayo. Bumalik siya upang harapin ang nakaraan at patunayan ang isang bagay: na mula nang hiwalayan niya ito noon hanggang sa araw na ito, sa bawat sandali ng kanyang buhay, si Lyka lang ang tanging mahal niya. Siya lang ang nais niyang makapiling at dalhin hanggang sa dulo ng walang hanggan. Handa na si Alejandro na gawin ang lahat upang makuha muli ang tiwala at pagmamahal ng dalaga. Ngunit sa kabilang banda, ang tanong na bumabagabag sa lahat: papayag pa ba si Lyka na buksan muli ang kanyang puso? Hahayaan pa ba niya na hilumin at hawakan muli ng lalaking minsan nang sumira at nagdulot ng matinding sugat sa kanya?
109 viewsCompletedAdded to Library 2 Times as handa-kun
Read
+Library
Strange Proposal

Strange Proposal

Tahimik ang buhay ni Alexandra Cruz—isang working student na mas piniling magbanat ng buto, magtinda ng balut, at alagaan ang ama kaysa umasa sa kahit kanino. Para sa kanya, malinaw ang direksyon ng buhay: magsikap, magtiis, at huwag umasa sa mga pangakong madaling mabasag. Samantala, si Diego ay kabaligtaran niya—isang lalaking mayaman, sanay sa luho, at handa nang mag-settle down para sa babaeng mahal niya. Isang proposal ang dapat magtatatak ng bagong yugto ng kanyang buhay… hanggang sa hindi sumipot ang babaeng pinili niyang pakasalan. Sa gitna ng galit, lungkot, at pagkalasing ng damdamin, isang impulsive na desisyon ang ginawa ni Diego—isang publikong proposal sa isang estranghera na hindi niya kilala. Isang alok na hindi dapat tinanggap, at isang kasunduang nagsimula sa maling dahilan.. Isang lalaki na desperadong ayusin ang wasak niyang mundo. Isang babaeng ayaw madamay sa problemang hindi kanya. Ngunit paano kung ang isang maling simula ay humantong sa isang relasyong pilit na pinaninindigan? Hanggang saan ang kaya nilang tiisin sa isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan? At sa gitna ng isang kakaibang proposal, matutunan kaya nilang piliin kung alin ang mas mahalaga—ang planadong buhay, o ang pag-ibig na hindi nila inaasahan?
104.4K viewsCompletedAdded to Library 176 Times as handa-kun
Read
+Library
That Frigid Mafia!

That Frigid Mafia!

[AL MONLEON SERIES #1—EVAN CHRAYSTLER AL MONLEON] Nang ipapatay ni Lord Amanncio Al Monleon, ang kilalang mafia king, ang mga magulang ni Andrea Maureen “Ada” Salvegas, inakala niyang tapos na ang lahat—hanggang sa ginawa siyang pambayad sa utang ng mga ito at pinasok bilang lingkod sa mansyon ng mga Al Monleon. Sa ilalim ng marangyang bubong ng kasamaan at lihim, nakilala ni Ada ang limang anak ni Lord Amann. Ngunit tanging ang pang-apat na si Evan Chraystler Al Monleon, o Young Master Evan ang nagpatibok ng kaniyang puso. Itinaga ni Ada sa sarili, na kailanman ay hindi siya magpapasalamat sa taong pumatay sa kaniyang mga magulang nang hayaan siya nitong mabuhay. Dahil para sa kaniya ay mas nakakabuting namatay nalang din siya. Ngunit paano kung ang mismong anak ng halimaw na iyon ang maging dahilan ng muling pagtibok ng kaniyang puso? At paano kung matuklasan niyang si Evan ay bahagi pala ng isang nakaraan na matagal nang binura ng kaniyang alaala? Handa ba siyang ipaglaban ang pag-ibig sa isang Frigid Mafia Prince, o pipiliin niyang kalimutan ito kapalit ng hustisya at galit na matagal na niyang pinanghahawakan?
102.0K viewsOngoingAdded to Library 67 Times as handa-kun
Read
+Library
Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)

Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)

"Be my bed warmer. I'll give you everything you want just to pleasure me. This is a win win opportunity, Ms. Candelario... You will have my wealth, and I can have your body. Tubusin mo lahat ng kasalanan mo." ~Michael "Mickey" La Vierre. --- Dating famous sa high school si Fortuna Candelario. Nakilala siya sa ganda niya. Maraming nagkakagusto sa kaniya at isa na roon si Michael "Mickey" La Vierre na isang mataba at tahimik na lalaki. Dahil hindi tipo ni Fortuna si Mickey ay ni-reject niya ang panliligaw nito. Ito ang naging dahilan ni Mickey kaya't ipinangako niya sa sarili niya na babaguhin niya ang kaniyang pisikal na anyo, at balang araw ay magkikita sila ni Fortuna. Sa paglipas ng limang taon ay naging single mom si Fortuna sa nag-iisang anak na lalaki, si Vincent. Hindi naging maganda ang takbo ng buhay niya dahil mag-isa niyang itinataguyod ang anak. Bukod pa rito ay biglang bumagsak ang iniwang negosyo ng kaniyang ama. At nalaman ni Fortuna na si Michael "Mickey" La Vierre na ang nagmamay-ari nito. Ano nga ba ang magagawa ni Fortuna para mabawi ang dugo't pawis at luha ng kaniyang pamilya? Handa ba siyang gawin ang lahat kahit na siya mismo ang kapalit nito?
326 viewsOngoingAdded to Library 7 Times as handa-kun
Read
+Library
From Basurera to CEO'S Wife

From Basurera to CEO'S Wife

Si Lira Mendoza ay isang simpleng basurera na araw-araw lumalaban sa kahirapan para sa kanyang pamilya. Sanay siyang maliitin, tapakan ang dignidad, at ipaalala ng mundo kung saan siya nababagay… sa ilalim. Ngunit isang aksidente ang magbabago sa lahat nang matapunan niya ng basura ang isang mayabang at misteryosong lalaki na hindi niya alam ay isa palang makapangyarihang CEO. Si Nathaniel Cross, isang cold at elite na negosyante, ay sanay makuha ang lahat… pera, respeto, at babae. Ngunit iba si Lira. Hindi siya nagpapanggap, hindi siya humihingi ng awa, at kahit sugatan ang pride, buo pa rin ang tapang. Sa gitna ng isang marangyang villa party, muling nagtagpo ang kanilang mundo… at doon nagsimula ang isang masakit na banggaan ng uri, dignidad, at damdamin. Habang unti-unting nahuhulog ang loob ni Nathaniel sa babaeng galing sa mundo ng basura, lalong humihigpit ang hawak ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ina, na may sariling plano para sa kanyang kinabukasan. Sa pagitan ng pang-aalipusta, lihim na kasunduan, at unti-unting pag-usbong ng pag-ibig, kakayanin ba ni Lira ang mundong hindi siya kailanman tinanggap? O mananatili siyang basurera sa paningin ng lahat… kahit sa lalaking handa nang ipaglaban siya?
102.1K viewsOngoingAdded to Library 58 Times as handa-kun
Read
+Library
The Billionaire Stole Me From My Groom

The Billionaire Stole Me From My Groom

Bago ang kasal, nahuli ni Mithi ang fiancé niya na nagtataksil sa kaniya. Sa isang hotel room kung saan doon sana gaganapin ang unang gabi nila, ay nakita niya si Luis na may ibang kasiping. “Kasalanan mo rin naman dahil nagpaka-feeling santa ka. Ikakasal ka na sa akin pero ayaw mong haIikan kita o ayaw mong pumayag makipagsex sa akin. Mithi, lalaki ako at may pangangailangan rin ako.” Ang sinabi ni Luis na tila ba ay naging kasalanan pa niya ang lahat. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki ang biglang dumating sa kwarto kung saan sila nagtatalo. Lalaking handa siyang sagipin para hindi siya mapahiya sa maraming tao. “If you can’t cancel the wedding then papakasalan kita. I’ll be your groom.” Natigilan silang lahat matapos iyon sabihin ng isang estrangherong lalaki. Dahil wala na sa sarili, isang tango ni Mithi ang isinagot niya. Isang tango na siyang naging ganti na rin sa fiancé niyang nagtaksil sa kaniya. Agad siyang kinaladkad no’ng estrangherong lalaki paalis ng hotel. “S-Saan tayo pupunta?” tanong ni Mithi “To the mayor’s office. Let’s get married!” Sagot nito na taimtim na nakatitig sa kaniya.
10186.5K viewsCompletedAdded to Library 3.9K Times as handa-kun
Read
+Library
PREV
1
...
2425262728
...
37
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status