My Hot Obsession EX
This story contains a lot of SPG not suitable for minors. Isang kwento ng babaeng nagmahal pero iniwan lang. Isang matatag na babaeng nagmahal pero sinaktan lang.
Isang babaeng tahimik, mahinhin, mapagmahal na anak, mabait, hard working at may tinatagong ganda pero iniwan at sinaktan ng isang lalaking gwapo at mayaman. Siya si Nimer ang first love niya pero may first love din na iba. Minahal niya ito higit pa sa kaniyang buhay at ginawa lahat para sa kaniya pero kulang pa rin.
Kaya kahit na masakit, nakipag hiwalay siya para lumaya ito at sundin niya ang kaniyang unang pag ibig. Halos ikamatay niya ang kanilang paghiwalay pero kaylangan niyang tanggapin.
Sa kaniyang pagbangon naging isa siyang palaban at naging isang kaakit akit na babae.
Naging isa siyang mapaglarong babae, pinakita niya sa lahat na kaya niya ring gawin ang mga ginagawa ng mga lalaking nananakit ng kapwa niya.
Sa pagtatagpong muli nila ng kaniyang EX, naging baliktad na ang mundo nila. Siya na ang humahabol dito at naging obsessed sa kaniyang alindog.
Ginawa nito ang lahat para makuha niyang muli ang kaniyang tiwalang nawasak na. Halos tumira na rin ito sa kaniyang tinitirhan. Halos lumuhod ito sa kaniyang harapan balikan lang siya.
Kapag nawala na pala ang pagmamahal mo sa isang tao dahil sa paulit ulit ka niyang sinasaktan mahirap na pala itong ibalik.
Tunghayan po natin ang kwento ni Nimer at Jenny. May pag asa pa kayang maayos ang kanilang relasyon. May pag asa pa kayang magkabalikan silang muli.