Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man
natatangingdilag
Nang lumuhod ang lalaki, magmakaawa, at yakapin ang kanyang binti'y 'di pa rin natinag si Kennedy.
"Ken, please, handa akong gawin ang lahat-lahat mapasa 'kin ka lang muli," pagsusumamo ni Chord.
Isang hakbang palayo mula sa lalaking dati niyang minahal ay agad na nagbadyang tumulo ang mainit at nag-uunahang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata.
Nag-aalab. Lumalago. Ayaw paawat. Ilan lang ito sa mga salitang makakapaglarawan sa pag-ibig ni Kennedy kay Chord. Animo'y isa itong bomba na kapag hinayaan lamang hanggang sa pumatak sa partikular na oras, ito'y sasabog at hindi na mapipigilan pa. Ngunit hindi maipagkakaila na kahit kaila'y hindi mawawala ang mga problem
ตอนยอดนิยม