TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )
Si Lindsay Zamora ay isang simpleng sales lady na umibig sa mayamang si Jake Monteverde. Sa loob ng maraming buwan, naniwala siyang siya ang babaeng mahal nito.
Ngunit sa isang birthday party, natuklasan niyang hindi pala siya bahagi ng mundong ipinapakita ni Jake sa iba. Hindi siya kasama sa guest list, hindi siya kilala ng pamilya nito, at tila isa lamang siyang lihim na itinatago.
Sa gitna ng kanyang pagkadismaya, isang tao ang hindi niya inaasahang magiging sandalan, si James Monteverde, ang makapangyarihan at respetadong ama ni Jake.
Nagsimula sa simpleng pag-uusap ang lahat. Hanggang sa naging pagkakaibigan. At bago nila namalayan, pareho na silang nahuhulog sa isa't isa.
A