Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
His Secretary, His Sin

His Secretary, His Sin

Matapos ang isang masakit na hiwalayan nila ng ex-boyfriend niya ay pinili ni Janella Villanueva na magsimula muli. Ang pagiging secretary sa isang malaking kompanya ang naging daan niya para muling buuin ang sarili—malayo sa nakaraan at tuluyang makalimot. Tahimik at kontento na siya hanggang sa dumating ang isang gabing hindi niya inaasahan. Isang gabing puno ng alak at emosyon ang nagtulak sa kanya sa mga bisig ng isang estranghero. Isang gabing mapusok na dapat sana’y manatiling lihim. Ngunit kinabukasan, sa loob mismo ng opisina, doon niya natuklasan ang katotohanan na ang lalaking iyon ay si Dominic Alcantara, ang bago niyang CEO. Isang lalaking kilala sa pagiging malamig, makapangyarihan, at sabi pa ng iba ay isa daw itong playboy. At lalaking mahilig maglaro sa apoy. Ngayon, araw-araw silang magkasama. At habang pilit niyang pinoprotektahan ang puso niya, mas lalo namang lumalalim ang koneksyon sa pagitan nila. Pero may isang lihim na hindi niya kayang itago magpakailanman, ang bunga ng gabing iyon na maaaring magpabago sa lahat.
10614 viewsOngoingAdded to Library 17 Times as kontento
Read
+Library
The Blind Billionaire's Fake Girlfriend

The Blind Billionaire's Fake Girlfriend

Isang performer sa bar si Sienna—sumasayaw upang aliwin ang mga lalaki, ngunit hanggang doon lamang ang hangganan ng kanyang trabaho. Wala nang iba. Kontento na sana siya sa buhay na nakasanayan, hanggang sa isang gabi, bigla siyang dukutin ng mga lalaking hindi niya kilala at dalhin sa isang napakalaking mansyon. Doon niya makikilala si Red Montemayor—isang bilyonaryong malamig, dominante, at may lihim na kapansanan. Sa kabila ng tikas ng kanyang tindig at talas ng pananalita, nabulag si Red dahil sa isang aksidente. Inaalok niya si Sienna ng isang kakaibang trabaho: ang maging "pekeng girlfriend" niya. Ang lahat ng ito ay bahagi ng plano ni Red laban sa babaeng minsan niyang minahal—si Cassandra, ang ex-girlfriend na nagtaksil sa kanya. Ang sakit na idinulot ng pagtataksil ay nais niyang ipalasap pabalik, doble sa sakit na kanyang naranasan. Sa pagitan ng galit, paghihiganti, at mga damdaming unti-unting nabubuo, masusubok ang puso nina Sienna at Red. Paano kung may biglang sumulpot pa na isang lalaki—magiging kakampi ba siya o magiging kaaway? Habang tumatagal ang pananatili ni Sienna sa piling ni Red, unti-unting mabubunyag ang mga sikreto na mas makakapanakit sa puso ng binata. Ang pekeng relasyon ba’y mauuwi sa totoong pag-ibig, o magiging tulay lamang ang isa upang magbalik ang dating pag-ibig?
511 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as kontento
Read
+Library
Ms. Topakin Meet Ruthless Mafia Boss

Ms. Topakin Meet Ruthless Mafia Boss

Doctor Santiara Dy, kilala biglang isang magaling na Neurologist at isang sikat na writer sa social media. Perfect is the best description about her. Having a face like a Barbie, beautiful eyes with a long and thick eye lashes. But the most attractive is when she smile dahil lumalabas ang kaniyang malalim na biloy. The way she walk, mapapatingin ka dahil sa ganda ng katawan. Perfect size of boobs, small waistline and nice ass. Pero kahit nasa kaniya na ang lahat ay hindi pa rin siya kontento sa buhay niya. Hindi siya nagtatagal sa mga Hospital na pinagtatrabahuhan niya at kapag nagsawa na siya ay nagkukulong lang siya sa bahay niya at nagsusulat sa online Platform kung saan isa siyang sikat at kilalang writer. Si Dominick ay isang Ruthless Mafia Boss at nagmamay-ari sa lahat ng Hospitals na nakapangalan sa kaniya ang Saint Dominick Hospital. Bukod doon, isa rin siyang kilalang magaling na negosyante. Hinahabol ng mga babae sa taglay na ka guwapuhan. Guwapo pero nakakatakot na halos hindi ka makakatitig kapag siya ay nakatingin sa'yo dahil sa tingin pa lang niya ay parang mamamatay ka na sa takot. Matatakot kaya ang isang topakin, maldita at palaban ngunit friendly at palangiti na si Santiara sa isang mapanganib na Mafia Boss?
1019.4K viewsOngoingAdded to Library 542 Times as kontento
Read
+Library
Seducing My Father's Mistress

Seducing My Father's Mistress

Upang maipagamot ang inang may cancer ay napilitan si Caress na magtrabaho bilang isang escort service. Subalit dahil sa mga lumalalang kalagayan ng ina ay tuluyan siyang nalubog sa utang. Napilitan siyang ibenta ang sariling katawan sa mga mayayamang customer—from a simple escort service she turned into a high paid prostitute. Subalit isang araw ay dumating si Carlos sa buhay niya. And he was different from her past customers. Bukod sa ipinakita nitong respeto sa kanya ay napakabait nito. Binayaran nito ang lahat ng utang niya at tinulungan siyang makapagsimula ng bagong buhay. Sa kabila ng kaalamang may asawa ang lalaki ay hindi niya mapigilan ang sariling mahulog rito. But Caress knew her place. Wala sa plano niya ang agawin si Carlos sa asawa nito. Kontento na siya sa oras na ibinibigay sa kanya ng lalaki. Sa isang banda, Craig was living in New York when he received a call from his mother telling him his father was asking for annulment. Ang dahilan—may ibang babae ang ama niya. Hindi niya matatanggap na masisira lang ang matagal na taon na pagsasama ng mga magulang niya dahil sa isang babae. Napilitang umuwi si Craig sa Pilipinas para isakatuparan ang plano niya. And his plan: to seduce his father's mistress.
1015.3K viewsCompletedAdded to Library 489 Times as kontento
Read
+Library
Bound by Contract, Tied by Fate

Bound by Contract, Tied by Fate

Sa makintab ngunit mapanlinlang na mundo ng kapangyarihan sa Metro Manila, dalawang magkaibigang babae ang hindi sinasadyang nahulog sa gitna ng impluwensya ng makapangyarihang Monteverde Group. Si Arabelle Rivera, isang simpleng community development consultant, ay kontento na sana sa tahimik na buhay. Ngunit isang gabi, nang iligtas niya ang isang sugatang estranghero sa loob ng convenience store, nabago ang lahat. Ang lalaking iyon ay si Rafael Monteverde—isang malamig at kilalang bilyonaryong CEO. Dahil sa utang na loob at presyur ng pamilya, nauwi ang kanilang pagkakakilala sa isang kasunduang kasal—isang marriage of convenience na itinayo sa obligasyon, hindi sa pag-ibig. Sa likod ng matigas na anyo ni Rafael ay isang pusong sugatan, takot muling magtiwala. Samantala, ang matalik niyang kaibigang si Margaux Reyes ay napilitang pakasalan si Lucas Monteverde, ang pangunahing tagapagmana ng imperyo. Sa araw ng kanilang kasal, tahasan nitong sinabi na hindi siya ang babaeng mahal nito. Ngunit pinili ni Margaux na panindigan ang kasal—hindi para sa pag-ibig, kundi para sa dignidad at sariling prinsipyo. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nabasag ang pader sa pagitan nila, at natutunan ni Lucas na pahalagahan ang babaeng hindi sumusuko. Habang nasasanay sina Arabelle at Margaux sa marangyang ngunit mapanubok na buhay ng mga Monteverde, lumalalim ang intriga. Bumalik ang dating kasintahan ni Lucas, handang bawiin ang nawala sa kanya. Sa likod ng lahat, lihim na nagmamaniobra si Adrian Monteverde upang alisin ang mga bagong asawa na itinuturing niyang banta sa kapangyarihan. Sa gitna ng selos, lihim, at ambisyon, masusubok hindi lamang ang kanilang mga kasal kundi ang kanilang pagkakaibigan. Mananatili ba sila sa isang kasunduang walang katiyakan, o lalaban para sa pag-ibig na unti-unting nabubuo?
362 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as kontento
Read
+Library
AVA'S DARK SECRET

AVA'S DARK SECRET

Si Ava Miller isang probinsyana may angking ganda matangos ang ilong na nakuha niya sa namayapa niya amang, malamlam na mata na kulay berde, ang namumula nito labi na malambot na kay sarap dampian ng halik at hubog na pangangatawan na nakuha niya sa ina na. Lumuwas siya sa syudad para makamit ang pangarap. Pero hindi iyon naging madali sa baguhan katulad niya, kaya labag sa kagustuhan naibigay niya ang sarili sa hindi karapatdapat na tao para lang matupad niya ang pangarap. Pero nabago ang pananaw niya nang makilala niya si TG. Naging kontento na sakanila buhay pero kung kailan masaya na sila atsaka nalaman ng lalaki ang lihim niya. "Nakakadiri ka! Ava." Mas nadurog pa siya nag-itanggi ng lalaki ang dinadala niya bata sa sinapupunan niya at ang masakit pa doon lumipad pa ito ng bansa after a week. Nang maglaon pinagpatuloy niya ang buhay nila ng anak niya sa sinapupunan. Pero kung kailan mapayapa na silang namumuhay atsaka ito magpapakita. Hindi naging madali makasama ito bilang boss niya, pinag-iinitan siya nito sa trabaho. Isang araw nakita siya nito kasama ang ina na kasama ang anak nila. "Is that my son?" "So your claiming him now." Hindi siya pinagbigyan ni Ava para maging ama sa anak nila. Pero ilang araw niya pa lang hindi nakakasalamuha ang lalaki tila hinahanaphanap niya ito. Nababaliw na siguro siya dahil pinalangin niya kahit galit ito sakanya basta nakikita niya ito araw araw. Nang malaman niya ang kinaroroonan ng lalaki kaagad niyang pinuntahan. Handa na tanggapin ito ng buo pero ang lalaki ang gusto lumayo para sa ikabubuti ng lahat, hindi na ito napigilan ng babae. After two years nagkita sila sa anibersaryo ng magulang ng lalaki doon inalok siya ng kasal ni Ava na tinaggap niya kaagad. "Daddy did you propose to mommy?"
15.3K viewsCompletedAdded to Library 320 Times as kontento
Read
+Library
The Mafia' Seeds Thief

The Mafia' Seeds Thief

Si Lucky ay NBSB, at isang matagumpay na manunulat ng erotika. Lumaki siyang malaya at may sariling kakayahan kahit na ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Siya ay kontento na sa kanyang dalawampu't walong taong pag-iral. Gayunpaman, umabot siya sa punto ng kanyang buhay na nais niyang magkaroon ng anak. Nasa tamang edad na si Lucky; marami na siyang naipon na pera at may sariling bahay. Ito rin ang paulit-ulit na hinihiling ng kanyang mga magulang. Isa lang ang problema ni Lucky: dumaranas siya ng genophobia, isang mental health disorder na nailalarawan sa pamamagitan ng takot sa sekswal na intimacy. Walang ibang nakakaalam sa kalagayan niya bukod sa matalik niyang kaibigan na si Genesis. Maging ang sariling pamilya ay walang kamalay-malay dahil natatakot siyang kutyain ng iba ang kanyang kalagayan; kaya, hindi solusyon ang pag-ampon sa kanyang pagnanais na magkaroon ng anak. Isang opsyon lang ang maiisip niya: IUI, isang medikal na pamamaraan kung saan direktang itinatanim ang sp*rm ng isang lalaking donor sa matris ng babae. Sinabi ni Lucky kay Genesis ang tungkol sa kanyang plano, at sinuportahan siya ng kanyang matalik na kaibigan; gayunpaman, nang sabihin niya na gusto niyang si Genesis ang kanyang sp*rm donor, tumanggi ang lalaki, na sinasabing ayaw niyang managot sa sinumang babae, lalo na kay Lucky. May paraan na, pero hindi inasahan ni Lucky na mahihirapan siyang kumbinsihin ang matalik na kaibigan, kaya naman gumawa ng krimen si Lucky isang gabi matapos makipagtalik si Genesis sa kanyang flavor of the month; ninakaw niya ang ginamit na condom ni Genesis. Magtatagumpay kaya ang insemation ni Lucky? Ano ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Genesis dahil sa makasarili niyang desisyon? Mawawasak ba sila o may bagong pag-ibig ang uusbong sa panahong sinubok ang kanilang pagkakaibigan.
1017.5K viewsCompletedAdded to Library 366 Times as kontento
Read
+Library
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status