The Zillionaire's Abandoned Wife
"Talaga po ba, Lola? Paborito po kasi ito ng anak ko. I didn't know colors had meanings like that. Can you share it with me po? Those meanings they had."
Tumango ang matanda kay Trixie. "Nabasa ko sa horoscope kanina sa dyaryo... ang malas daw na kulay ngayong araw ay pula. Ayon doon, ang dugo ay pula, ang galit ay pula, at ang panganib ay sinisimbolo ng pula. Mabuti na lamang nga at ang nakuha mo ngayon ay ang kulay na kumokontra sa kamalasan na dala ng pula ayon pa rin sa nabasa ko. Ang rosas ay kulay ng pag ibig at kapayapaan."