THE CLEANING LADY OF MR. MILLIONAIRE
SYNOPSIS
Si Fiona Angelyn Perez ay nabuhay sa isang perpekto at masayang pamilya kasama ang kanyang mga magulang at dalawang kapatid na sina Piolo at Ferlyn. Ngunit sa isang iglap, gumuho ang kanyang mundo nang isang vehicular accident ang kumuha sa buhay ng kanyang mga magulang. Sa gitna ng labis na pagdadalamhati, napagtanto ni Fiona na may dalawang bata pang umaasa sa kanya. Lalo pang sumubok sa kanyang katatagan nang magkasakit ang tatlong taong gulang na si Ferlyn. Upang matustusan ang panggamot at pangaraw-araw na pangangailangan, iniwan ni Fiona ang kanyang pag-aaral at pumasok bilang isang cleaning lady sa mansyon ng bilyonaryong si Miles Lawrence Martinez.
Si Miles ay isang malamig, walang puso, at mapang-aping lalaki na naniniwalang lahat ng babae ay mukhang pera. Agad niyang pinag-initan si Fiona, ginawa itong miserable, at itinuring na isang gold digger. Subalit habang tumatagal, unt-unting natutuklasan ni Miles ang katotohanan sa likod ng mga sakripisyo ni Fiona. Sa halip na matuwa, natakot si Miles sa namumuong nararamdaman dahil hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Bumalik siya sa pagiging masungit at mapang-abuso, hanggang sa isang gabi ay magawa niya itong saktan nang pisikal at pagsamantalahan.
Hindi na nakayanan ni Fiona ang impiyernong buhay kaya tumakas siya mula sa mansyon, bitbit ang isang sikretong hindi niya alam siya ay nagdadalang-tao. Tatlong taon siyang hinanap ng nagsisising si Miles. Nang sa wakas ay mag-abot ang kanilang mga landas, haharapin ni Miles ang isang matigas at galit na Fiona na handang protektahan ang kanilang anak mula sa kanya. Makuha pa kaya ni Miles ang kapatawaran ng cleaning lady na unti-unting bumihag sa kanyang pusong bato?