A NIGHT OF POSSESSION
Sa Yangco Cuisine,
Ang mga plato sa harap ko ay nagsilbing pagsubok sa pagiging assistant chef ko, tutok na tutok ang atensyon ko sa pag gawa ng iba’t ibang plate presentation. Doon kilala ang Yangco Cuisine, sa magandang presentasyon na parang galing pa sa Paris. Ang totoo, iisang tao lang ang nanggaling sa Paris France, si Chef Dorian, nagtapos siya ng Culinary Arts sa isang sikat na paaralan sa France. Ang iba sa amin, wala sa kalingkingan niya pero masasabi kong iba-iba naman ang mga istilo sa pagluluto ng bawat Chef. Ang importante ay masarap, nabusog at masaya ang taong kumakain ng mga niluto ng isang Chef. Hinimas ko ang batok dahil bahagyang nangalay iyon sa matagal na pagkakayuko, m