BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION
Sa mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, dugo, at takot, iisang pangalan lang ang sapat para manginig ang lahat—Azrael Damon Severino.
Sa edad na dalawampu't anim, siya ang kinatatakutang mafia boss ng Night Vipers Organization. Kilala siya bilang isang lalaking walang awa, malamig, at handang pumatay nang walang pag-aalinlangan. Walang sinuman ang nangangahas na suwayin ang kanyang mga utos. Bukod sa pamumuno sa organisasyon, siya rin ang may-ari ng isang sikat na bar kung saan nagtatrabaho ang isang simpleng waitress na hindi niya kailanman inakalang gugulo sa kanyang tahimik at kontroladong mundo.
Si Sienna Constantes, labingwalong taong gulang, ay isang ordinaryong dalagang lumaki sa kahirapan.. Ngunit nang mangailangan ng napakalaking halaga para sa operasyong maaaring makapagligtas sa buhay ng kanyang ina, naubos ang lahat ng pag-asa niya.
Sa desperasyon, gumawa siya ng isang desisyong habambuhay niyang pagsisisihan.
She approaches Azrael with an offer...
One night.
One price.
One sacrifice.
To Azrael, it was supposed to be nothing more than a business transaction. A single night that would end with both of them walking away.
Instead, it became the beginning of his obsession.
Ang babaeng dapat ay isang simpleng kasunduan lamang ang naging pinakamalaking kahinaan niya.
Hanggang sa dumating ang puntong ikinulong niya si Sienna.
Isang gabi, nagawa ni Sienna na makatakas. Habang desperado siyang tinatakasan ang lalaking kinatatakutan niya, isang malagim na aksidente ang tuluyang nagpabago sa kanyang kapalaran.
Pagmulat ng kanyang mga mata, wala na ang mga alaalang dapat sana'y magpapalaya sa kanya.
Ang unang taong nakita niya ay si Azrael.
"I'm your husband."
Dahil wala nang maalala si Sienna, napilitan siyang paniwalaan ang lalaki.
Ngunit hanggang kailan maitatago ni Azrael ang katotohanan? Ano ang mangyayari kapag unti-unting bumalik ang mga alaalang pilit niyang binura sa buhay ni Sienna?