Filtrar por
Estado de actualización
TodoEn cursoCompletado
Ordenar por
TodoPopularRecomendaciónCalificacionesActualizado
The Unwanted Wife's Second Chance

The Unwanted Wife's Second Chance

Sa ika-dalawang anibersaryo ng kasal ng mag asawang Enrico Dela Muerte at Carmina Ocampo ay parehas silang may gustong sabihin sa isa’t isa. Hindi pinairal ni Carmina Ocampo ang kasabihang ‘ladies first’ sa kadahilanan na gusto niya munang marinig kung ano ang inihandang surpresa ng kaniyang asawa para sa kaniya. Subalit, biglang naghain ng divorce si Enrico na sobrang ikinagulat ni Carmina. Ikinagulat ito ni Carmina sapagkat, gano’n ba kabilis? Gano’n lang siya kabilis bitawan ni Enrico? Tumulo ang luha ni Carmina habang hawak sa kaniyang kamay ang isang pregnancy test sheet na nasasabik niya sanang ibabahagi kay Enrico para sa kanilang anibersaryo. Dahilan sa halo halong emosyon na nararamdaman ni Carmina ay hindi na niya naiwasang itanong kay Enrico kung paano kung sabihin niya na magkakaroon na sila ng anak? Ngunit hindi inaasahan ni Carmina ang naging sagot sa kaniya ni Enrico---bumalik na ang totoong minamahal ni Enrico. Makalipas ang ilang buwan, habang tinatahak ni Carmina ang kalsada upang tumawid, naramdaman niya ang kakaibang sakit ng tiyan niya kaya bigla siyang napahinto sa paglalakad, ‘manganganak na ata ako’, wika niya sa kaniyang sarili. Eksaktong hinto ni Carmina ay siya namang naramdaman niya ang sakit mula sa pagkabunggo ng isang sasakyan sa kaniya. Eksaktong kasal ni Enrico at siya ay nasa simabahan nang mabalitaan ang nangyari kay Carmina at agad itong lumisan. Humahangos, nakarating siya sa ospital kung saan dinala si Carmina at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita---DUGO! Nababalot ng dugo si Carmina at kitang-kita niya itong naghahabol ng hininga at paulit-ulit na sinasambit, ‘Pakiusap, pakiusap, iligtas n'yo ang anak ko.
1016.3K vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 472 veces como pregnancy
Leer
+Biblioteca
Noong Gumuho Ang Lahat

Noong Gumuho Ang Lahat

Anibersaryo ng kasal namin nang mag-post ang high school sweetheart ng asawa ko ng sonogram picture sa kanyang social media, na may caption na public thank-you sa asawa ko: [Salamat sa lalaking nandiyan para sa akin sa loob ng sampung taon, at sa pagbibigay sa akin ng anak.] Umikot ang kwarto, at namuo ang galit sa akin habang mabilis akong nagkomento: [So, proud ka sa pagiging homewrecker?] Halos kaagad, tumawag ang asawa ko, puno ng galit ang boses. "Paano mo nagawa na mag isip ng nakakasuklam na bagay? Ang ginawa ko lang ay tulungan siya sa IVF, natupad ang pangarap niyang maging single mom.” "At oo nga pala, kailangan lang ni Ruby ng isang subok para mabuntis, habang ikaw ay may tatlong round ng walang resulta. Walang kwenta ang katawan mo!" Tatlong araw lang ang nakalipas, sinabi niya sa akin na pupunta siya sa ibang bansa para sa negosyo—hindi pinapansin ang aking mga tawag at mensahe sa buong panahon. Akala ko busy lang siya. Gayunpaman, sa huli ay kasama niya pala si Ruby, dumadalo sa prenatal checkup nito. Makalipas ang kalahating oras, muling nag-post si Ruby, na ipinakita ang isang mesa na puno ng masasarap na pagkain. [Nagsawa ako sa French food, kaya ginawa ni Ash ang lahat ng paborito kong pagkain. The best talaga siya!] Napatitig ako sa pregnancy test sa kamay ko, ang saya na naramdaman ko kanina, ngayon ay tuluyan ng nawala. Matapos ang walong taong pag-ibig at anim na taon ng paglunok ng aking pride para lang manatiling buhay ang kasal, sa wakas ay handa na akong bumitaw.
2.4K vistasCompletadoAñadido a la biblioteca 59 veces como pregnancy
Leer
+Biblioteca
Adored By My Evil Billionaire Boss

Adored By My Evil Billionaire Boss

Isang gabing puno nang pagkakamali at walang pag-iingat ang bumago sa buhay ni Hermoine. Matapos siyang pagtaksilan nang kanyang pinakamamahal na kasintahan at ipahiya sa isang salu-salo ay nilunod niya ang kanyang pagdadalamhati sa pag-inom ng alak. Nagbabakasali na kahit manlang dito ay maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Ngunit nang magising siya kinabukasan ay katabi na niya ang isang estrangherong ubod ng gwapo na hindi man lang niya alam ang pangalan. Ang akala niya ay pagkakamali lamang iyon na dapat kalimutan. Kaya ibinaon niya ito sa limot at nagpasyang magpokus na lamang sa pagtatatag ng kanyang buhay at sarili. Ngunit nagbago ang lahat ng kanyang plano nang makita niya ang dalawang pulang linya sa hawak niyang pregnancy test. Buntis siya at hindi niya kilala ang ama nang kanyang dinadala. Nagbunga ang isang beses na gabing pagkakamali sa buhay niya. Dahil sa takot at pag-iisa, nagpasya siyang ilihim ang tungkol sa sanggol at palalakihin niya ito nang mag-isa. Ngunit sa unang araw pa lamang niya sa kanyang trabaho tila mas matindi pa sa palaso ni kupido ang naging epekto nang tadhana. Dahil ang malamig, istrikto at walang awang Billionaire CEO na pumasok sa conference room......ay ang misteryosong gwapong lalaking nakasama niya sa gabing iyon na hinding-hindi niya makakalimutan. Wala sa sariling napaisip siya sa kanyang anak. 'Ang Milyonaryong Boss Ko ay Ang Tatay ng Anak Ko?' Sigaw nang kanyang isipan. Ano na ang gagawin niya ngayon? Si Chase Justin Monteverde, ang bilyonaryo na dating naniniwalang kahinaan lamang ang pag-ibig ay unti-unting nahuhumaling sa misteryosong empleyada at sa batang tila may kakaibang pagkakalapit sa kanya. Ano ang mangyayari kapag nalaman niya ang katotohanan na ang batang kinahuhumalingan at napalapit na sa puso niya ay siya ring sarili niya palang anak? ~ADORED BY MY EVIL BILLIONAIRE BOSS~ M.A.B. WRITES
10368 vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 13 veces como pregnancy
Leer
+Biblioteca
ANTERIOR
12345
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status