Filtrar por
Estado de actualización
TodoEn cursoCompletado
Ordenar por
TodoPopularRecomendaciónCalificacionesActualizado
Maid for YOU

Maid for YOU

Dala-dala ni Sofia ang kanyang nakuhang gamit nang tumakas ito sa kanilang mansyon. Narinig kasi nito na kailangan nyang makasal sa isang biyudong matandang bilyonaryo na kaibigan ng pamilya nito kaya naman sa takot nito ay naisipan nyang maglayas na lamang. Namasukan bilang maid si Sofia sa mansyon ng mga Monteverde, at naitago nito ang kanyang katuhan bilang isang heredera ng pamilyang Del Mundo. Pero habang naroon si Sofia sa mansyon ay unti-unting nakikilala nito ang pagkatao ng binata at hindi inaasahan ay nagkamabutihan ang dalawa at minsan pang nagsalo sa isang mapusok na tagpo. Lumipas pa ang buwan ay mas nakikilala ni Sofia ang kasintahan na si Benedict. Dumating ang kinatatakutan ni Sofia nang malaman nito na ang lalaking mahal nito ay apo ng matandang bilyonaryo na nakatakdang ipakasal sa kanya kaya agad itong umalis sa mansyon. Lumipas pa ang ilang buwan ay hindi pa rin natatagpuan ni Benedict ang babaeng kanyang pinakamamahal, ilang mga detectives na rin ang inutusan nito para hanapin ang dalaga, maging ang pamilya ni Sofia ay hindi na rin mapakali kung nasaan ang kanilang nag-iisang heredera. Hindi na malaman ni Benedict kung makikita pa ba niya ang dalaga o mananatili na lang isang masayang alaala ang pag-iibigan nilang dalawa?
101.6K vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 48 veces como quote for fall
Leer
+Biblioteca
Marriage for Granted

Marriage for Granted

Sunflower
Dahil sa utang na loob ni Solemn sa pamilyang umampon sa kaniya ay pumayag siyang magpakasal sa lalaking hindi niya pa nakikilala. Gayun pa man ay pumayag siyang ipakasal upang makabawi sa pamilyang umampon, nag-aruga at nagmahal sa kaniya. Gusto mang umayaw ng kaniya isipan ngunit ang kaniyang puso ay nakakaramdam ng kilig at pananabik. Kahit na gano'n ay hinayaan niya lang hanggang sa nakita niya ang lalaking papakasalan at nasabi niya lang sa kaniyang sarili "Gagampanan ko ang responsibilidad bilang asawa niya pero hindi ibig sabihin no'n pag-aari ko na siya. Magiging isa kami ngunit magiging malayang ibon pa rin siya. Gagawin niya ang kaniyang gusto at ako ay may limitasyon na, 'di na katulad ng isang malayang paru-paro. Pagsisilbihan ko siya upamg hindi mapahiya ang pamilyang nagpalaki at nag-aruga sa akin sa loob ng dalawang put apat na taon. This is my way of paying my debt of gratitude to their sacrifices and cared for me."
938 vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 37 veces como quote for fall
Leer
+Biblioteca
Maid For Me

Maid For Me

Misty22
Sa sobrang kalasingan ni Drei ay hindi sinasadyang may nangyari sa kanila ng kanyang katulong sa bahay ngunit hindi malalaman ni Drei na ang katulong nya ang kanyang nakasiping dahil pag gising niya ay wala na siyang katabi at hindi niya maalala ang mukha ng dalaga na kanyang nakasama. Gusto niyang panagutan ang nangyari sa kanila dahil bukod sa birhen ang babae ay maari pang mabuntis ito dahil isa lang ang sigurado niya , hindi siya gumamit ng proteksyon ng gabing iyon. Paano maitatago ni Lianna ang kanyang pagbubuntis na bunga ng isang gabing pagkakamali kung ang pinagtataguan nya ng kanyang lihim ay kasama lang nya sa iisang bubong ang amo niyang si Alexandrei Zanders.
1.8K vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 59 veces como quote for fall
Leer
+Biblioteca
Craving For Love

Craving For Love

Sa mundong ang nagpapaikot ay pera, ang tingin ni Samara Licaforte sa mga mahihirap ay laruan lang ng mayayaman. Bagama't hindi legal na anak sa mata ng batas ng business tycoon na si Mr. Frederick Licaforte, CEO ng Licaforte Corp, ay lumaki sa luho si Samara at hindi makakailang siya ang paboritong anak sa pagitan nila ng stepsister niyang Monica. Happy-go-lucky, bully at eskandalosa. Ganyan siya kung ilarawan ng karamihan dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan para lang mapanatili ang popularidad niya. Dahil wala na ang kanyang ina, at sa tingin niya ay nakikihati lang siya sa pagmamahal at oras ng kanyang ama mula sa legal nitong pamilya, ay sa atensyon ng ibang tao niya hinanap ang halaga niya. Sa pag-aakalang mananatiling ganun lang si Samara, ay kumatok sa buhay niya ang pobreng bulag na si Marco Villaflor, ang lalaking unti-unting titibag sa mga paniniwala niya.
1014.4K vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 445 veces como quote for fall
Leer
+Biblioteca
Maid For You

Maid For You

Kasambahay ang pinasukan niyang trabaho ngunit dahil sa isang pagkakamali, isa na siya ngayong Maybahay. Kilalanin si Estrella Dominguez, ang probinsyanang handang makipagsapalaran sa siyudad para sa paghahanap ng trabaho ngunit dahil sa ka-mangmangan, napasok siya sa malaking gulo na babago sa takbo ng buhay niya. Kailangan niyang pakasalan si Sebastian Martinez, ang boss niya sana pero sa isang iglap, magiging asawa na pala niya. Kasal na sila ngunit hindi mahal ang isa't-isa. Posible kaya itong magbago at mauwi sa pagmamahalan o baka naman sa huli ay deborsyo ang kahinatnan?
10113.4K vistasCompletadoAñadido a la biblioteca 3.5K veces como quote for fall
Leer
+Biblioteca
Husband for Sale

Husband for Sale

Si Eilish Rivera ay isang mayaman na dalaga, nasa kanya na ang lahat, magandang mukha, sexy na katawan, mala porselanang kutis lahat na ng katangian na nanaisin ng isang babae ay nasa kanya na, ngunit dahil sa kahilingan ng kanyang mamita na humanap na ito ng magiging katuwang niya sa buhay bago ito mawala ay napilitan siyang sumali sa isang elite auction. Dito ay makikilala niya si Alejandro Vitale, isang bilyonaryo na isa sa isasalang sa auction, wala ito sa plano niya, wala siyang ideya na ang matalik niyang kaibigan na si Hendrix ang naglista sa kanya dahil sa kanilang lahat na magkakaibigan ay tanging ito na lamang ang piniling magpakalunod sa trabaho at pagpapayaman. Akala niya ay simpleng auction lang ang dadaluhan niya pero siya na pala ay kasali sa mga Husband for Sale at si Eilish ang babaeng makakabili sa kanya. Paano kung ang asawang napili mo ay hindi pala ordinaryong lalaki na pwede mong hiwalayan pagtapos ng isang taon? Paano kung sa bawat titigan at aksidenteng haplos ay unti-unting bumigay ang puso mong pilit mong prinoprotektahan?
451 vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 9 veces como quote for fall
Leer
+Biblioteca
For the Unloved

For the Unloved

Leonardo Aquilino Del Madrid only wants to be loved. Buong buhay niya, palaging sa bunsong kapatid niya nakatuon ang atensyon ng mga magulang niya kahit gawin na niya ang lahat ng gusto ng mga ito- ang kaso, napagod rin siya kalaunan. Sawang-sawa na siya sa mga panandaliang pakiramdam. Gusto niya
104.5K vistasCompletadoAñadido a la biblioteca 90 veces como quote for fall
Leer
+Biblioteca
Marriage For Pleasure

Marriage For Pleasure

Masayang namumuhay mag-isa si Daphne bilang Doctor. Hanggang sa nalaman niya mula sa kaniyang Ina na siya pala ay naka-arranged marriage sa isang lalaking hindi niya kilala. Sobrang hirap para kay Daphne na tanggapin na lang basta ang mangyayaring kasal. Kaya naman may isang desisyon siyang hindi niya lubos na pinag-isipan at pinaghandaan. Isang gabi na puno ng pagnanasa at kapusukan. Mas pinili niyang Ibigay ang kaniyang pagkabirhen sa isang estranghero. At sadya namang mapaglaro ang tadhana, dahil ang lalaking kaniyang nakasama nang gabing iyon ay si Treyton Louis Fuentevalle, ang lalaking kaniya pa lang pakakasalan. Ngunit, ang nakapagtataka ay hindi siya naaalala ng lalaki, at ang mas masakit ay ang kapatid niya ang naaalala nito nang gabing sila ang magkasalo. Matutuloy pa ba ang kasal? Makakayanan ba ni Daphne na makasama ang lalaki habang kahati niya ang kaniyang kapatid na higit niyang kinaiinisan? Paano kung malaman niya ang tunay na motibo ni Treyton? Kakayanin pa kaya niya?
10159.0K vistasCompletadoAñadido a la biblioteca 4.6K veces como quote for fall
Leer
+Biblioteca
Falling For Her Unexpectedly

Falling For Her Unexpectedly

Jenaiah
ni Khealie na umalis at suwayin ang mga magulang sa sapilitang pagpapakasal nito sa kaniya at sa lalaking hindi niya naman mahal. Sa kaniyang pag-alis ay hindi sinasadyang magka tagpo ang landas nila ni Cloud na siyang naging daan niya upang tigilan na siya ng mga magulang niya sa pwersahang pagpapakasal nito sa anak ng isa sa mga investors ng kaniyang ama. "Hindi ko sukat akalain na ang babaeng noon ay nag mamakaawa lamang na pakasalan ko ay siya palang makakatuloyan ko, hindi ako makapaniwala." madamdaming sambit ni Cloud. tanging matamis na ngiti lamang ang ibinigay ni khealie sa kaniyang asawa. Sino nga ba naman ang mag aakala na tototohanin pala nilang dalawa ang kasal na dapat sana ay palabas lamang kagaya nang napag kasundoan nila bago ang kasal.
1.2K vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 47 veces como quote for fall
Leer
+Biblioteca
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
10573 vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 18 veces como quote for fall
Leer
+Biblioteca
ANTERIOR
1
...
45678
...
50
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status