Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I'M DREAMING OF YOU

I'M DREAMING OF YOU

RRA
Blurb: Malaking katuparan para kay Olivia ang maipakasal siya kay John Carlos na ikalawang anak na lalaki ng pamilya Carlos ngunit lingid sa kanyang kaalaman na kayamanan lamang niya ang siyang dahilan ng pagpayag nito na pakasalan siya. Hindi matanggap ni John Carlos na ipinambayad utang siya ng kanyang mga magulang, kaya naman hindi nito binigyan ng magandang pagtrato si Olivia. Dahil doon ay inatake si Olivia sa puso na kinakailangan pang dalhin sa America. Ngunit sa pagtataka ng kanyang asawa at pamilya nito ay ibang tao na si Olivia ng magbalik sa kanila. Isang Olivia na handang maghiganti at bawiin ang lahat ng sa kanya. May natitira pa kayang pag-ibig sa puso niya para kay John? O galit pa rin ang siyang mamayani hanggang sa huli?
104.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 111 Beses bilang quotes about dreaming big
Read
+Library
All About Her

All About Her

Si Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng pang-aabuso at may takot sa dugo. Kung iisipin ay nakapahinang babae nya pero hindi 'yun naging balakid para magmahal sya kahit na hindi sya kailan man kinilala ng asawa. Nang sa wakas ay natutunan na ng asawa nya ang mahalin sya ay saka naman dumating ang hindi inaasahan at nakapalaking problema sa buhay nila. Dapat bang sumuko kapag bumitaw na ang isa? Dapat bang iwan sya para lumiga habang wala ka? Istorya ng babae kung paano tinanggap at sinugal ang lahat para sa pag-ibig.
1013.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 420 Beses bilang quotes about dreaming big
Read
+Library
Something About Us

Something About Us

Una pa lang na pagkikita ni Zerina at Xander ay asar na asar na siya rito. Kung meron mang sinasabi na 'love at first sight'... si Xander naman ang 'hate at first sight' ng dalaga. He is way far from the prince that Zerina ever dreamed of! He is almost the exact opposite of the guy she loved for the first time. When suddenly destiny made a twist in their life... What could really possibly happen? Will they find out that in them... Something has changed?
102.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 101 Beses bilang quotes about dreaming big
Read
+Library
About Last Night (Tagalog)

About Last Night (Tagalog)

Aksidente at hindi inaasahan na mangyayari ni Kristina na basta-basta niya lamang maibigay ang kaniyang iniingat-ingatang Dignidad at Kalinisan bilang isang babae sa binatang nakilala niya lamang ng isang gabe. In short Kristina got a One Night Stand to the man she just meet. Dahil sa kalasingan ng dalawa at pagkawala nito sa kani-kanilang matinong kalagayan at kaisipan ay nagawa nila ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalain na magaganap. Ngunit sa kabila ng askidendting kaganapan sa kanilang dalawa ay magiging kabuluhan pala ito kay Kristina, kahit pa minsan na siyang nagsisisi sa kaniyang nagawang pagkakamali kung bakit niya naibigay ang kaniyang sarili sa binatang hindi niya lubos na kilala. Tila basta na lamang siya nagkaroon ng kagustuhan at interest sa binata matapos ang mainit na kaganapan sa kanila nang gabing iyon. Na tila humantong pa na may namumuong pagmamahal sa kaniyang puso para sa binata sa isang iglap lamang. Ngunit magagawa ba ni Kristina na ipagpatuloy ang kaniyang pagkagusto sa binata kahit na iniwan lamang siya nito na parang isang bayarang babae, na matapos pakinabangan ay iwan at pababayaan na lang? Magagawa ba niyang mahalin ang binata kapag sila'y magkikitang muli matapos nawala na parang bula? This story contains mature content! So, please! Read at your own RISK!!!!
27.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 909 Beses bilang quotes about dreaming big
Read
+Library
Not Another Song About Love [BL]

Not Another Song About Love [BL]

There's a famous catchphrase since time immemorial: The more you hate, the more you love. Alam ni Dennis na iba siya kompara sa ibang mga lalaki. Imbes na sa babae, sa lalaki siya nakakaramdam ng kakaiba. At may lihim siyang pagtingin sa isa sa mga barkada niya, kay Ervin. Subalit hindi niya ito sinasabi kahit kanino man dahil alam niyang ang taong gusto niya'y may iba ng mahal. Kaya mas lalo siyang determinado na itago sa binata ang kakaibang nararamdaman niya rito. Sa hindi inaasahan, may nakaalam ng kanyang sikreto sa hindi niya malamang dahilan. Raymond, the man who hates his guts. All this man do is to pick on his faults that sometimes, he wants to punch his stupid face. Well, the feeling is mutual. He equally hates the other. But then, Raymond's attitude turned 180°. Kung dati, nararamdaman niya ang inis nito sa kanya, ngayon, si Dennis na mismo ang nagugulat na to the rescue si Raymond tuwing may problema siya. Akala niya ba ayaw nito sa kanya? Wait, this is not a story about love. Maybe?
1014.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 415 Beses bilang quotes about dreaming big
Ipakita ang mga Review (9)
Read
+Library
Rai
Bakit naman ganyan author ang ganda huhuhu. I support you ganda ng story mo nakakakilig bagay na bagay sa mga LGBT itong story mo Hindi nakakaumay basahin. Waiting for the next chapter. Ganda promise Hindi SYA nakakasawang basahin..
Xiao Xue
Ang cute nilang couple lalo na kapag nag seselos si Den tapos nakaka tawa si Raysen and Ang cute din ng family ni Raymond. Akin po yung mga kuya ni Raymond ehem lahat nalang and ganda po ng pagkakagawa nya may lesson and Ang cool nila.
Basahin ang Lahat ng Review
THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss

THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss

Sa ikatlong taon ng kasal ni Demux at Aimee. Hindi inakala ni Aimee na doon niya malalaman ang matagal ng gustong malaman tungkol sa kanyang asawa. Sa wakas natuklasan ni Aimee kung sino ang lihim at pinakatagong mistress ni Demux. Hindi na pala kailangan lumayo ni Aimee. Dahil ang babae ng kanyang asawa ay walang iba kundi ang kanyang hipag. Si Bella pala ang babaeng matagal ng hinahanap ni Aimee na siyang nagpapahirap sa pagsasama nilang dalawa. Nang gabing pumanaw ang panganay na kapatid Aimee wala man lang makikita na awa, simpatsa, lungkot at malasakit sa mga mata ni Demux. Kahit pa kitang kita sa asawa nitong si Aimee ang labis na sakit at pangungulila dahil sa pagkawala ng kapatid nito. Mula ng araw na ‘yun prinotektahan ni Demux at Aimee ang asawa ng kanyang kapatid na si Bella sa lahat. Ngunit isang ahas pala ang inaalagaan ni Aimee ng lubos. Dahil sa nalaman ni nais ni Aimee na malaman mula sa dalawa ang totoo, kinausap niya ang mga ito. Nalaman ni Aimee na planado talaga ang lahat. Imbis na kalinawan ang makuha sa paghahanap niya ng katotohanan, sakit at kawalan ng respeto sa kanyang sarili ang kanyang nakuha. Demux proposes an urgent divorce. Dahil wala naman ng nakikitang bukas si Aimee sa lalaki agad niya itong sinang-ayunan. Walang nakuha si Aimee mula sa asawa. But Demux make sure na nakuha niya sa babae ang lahat. Ngunit sa likod ng kabiguan at betrayal na nakuha ni Aimee may isang lalaki ang nag-aabang ng tyempo para makamit na ang pangarap na kaligayahan kasama ang babae. Ang lalaki ay kilalang Big Boss sa business world. And that man named Eleazar Medrano. The man who can make the universe scream in so much fear, sa isang bitaw lang ng salita.
109.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 309 Beses bilang quotes about dreaming big
Read
+Library
CORNERED and CLAIMED: Mommy Is The Big Boss Our Daddy?

CORNERED and CLAIMED: Mommy Is The Big Boss Our Daddy?

Sa gabi ng kanyang ika-dalawampu't isang kaarawan, nagising si Lianna Marie Montenegro sa kama ng isang estranghero matapos siyang ipagkanulo ng sarili niyang kambal na kapatid at ng lalaking nakatakda niyang pakasalan. Tinanggalan siya ng pamilya ng dangal, itinaboy sa tahanan, at tinangkang ipapatay. Ngunit nakaligtas si Lia at nagsimulang muli sa ibang bansa. Pagkaraan ng limang taon, bumalik siya sa Buenavista kasama ang kanyang kambal na anak at iisang layunin, ang pagbayarin ang mga taong sumira sa kanyang buhay. Hindi niya inaasahang muling makakatagpo ang ama ng kanyang mga anak. Si Kael Dominic Moretti, ang makapangyarihang Big Boss na hindi kailanman nakalimot sa babaeng tumawag sa kanya na "weakling" at biglang naglaho matapos ang isang gabi. Ngayon, handa nang angkinin ni Kael hindi lang ang babaeng minsang nawala, kundi pati ang kambal na anak na lihim nitong inilayo sa kanya. Ngunit bago mangyari iyon, kailangan munang mabunyag ang mga kasinungalingang limang taon nang nakabaon sa nakaraan.
34 viewsOngoingIdinagdag sa Library 1 Beses bilang quotes about dreaming big
Read
+Library
KUNG AKO AY IIBIGIN MO

KUNG AKO AY IIBIGIN MO

Dalagita pa lamang ang maganda at matalinong si Helena Montenegro nang maulila siya sa mga magulang. Ganoon pa man, hindi siya pinabayaan ng abuela niya na si Doña Amanda. Itinaguyod siya nito ng buong pagmamahal. Itinuro nito sa kan'ya ang lahat ng aspeto sa buhay kaya naman naging matagumpay si Helena sa halos lahat ng larangan. Isa lang ang hindi niya nagawang pagtagumpayan. Ang usapin ng kan'yang puso, na nalinlang ng lalaking pinagtiwalaan niya. Iniwan siya nitong nagdadalangtao. Pero hindi papayag si Helena na malugmok siya sa kabiguan lalo at magiging dahilan iyon ng kamatayan ng lola niya. Humanap siya ng lalaking mananagot sa kalagayan niya. Kahit bayaran niya ito ng malaking halaga. At iyon ay si Markus Angeles. Isa sa kan'yang ordinaryong empleyado lamang. Si Markus na tinanggap ang alok ni Helena hindi dahil nasilaw siya sa kaginhawahang inalok nito kun'di dahil sa dahilang matagal niya nang minamahal ang babaeng amo. Nagsama sila sa iisang bubong. Hanggang isang araw, natuklasan ni Helena na umiibig na rin pala siya kay Markus lalo at natuklasan niya na hindi siya nagkamali ng pagpili rito. Ngunit hindi nila iyon mabibigyan ng katuparan. May bumalik at dumating na hadlang. Pilit na hahadlang sa kaligayahan nila ang unang pag-ibig ni Helena. At may nakahanda ring sumilo sa puso ni Markus. Sa huli, mananaig ang pag-ibig nila sa bawat isa. At iyon ang magsisilbi nilang kalasag laban sa mga hadlang na pilit pinaglalayo ang kanilang mga puso.
107.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 284 Beses bilang quotes about dreaming big
Read
+Library
TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )

TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )

Si Lindsay Zamora ay isang simpleng sales lady na umibig sa mayamang si Jake Monteverde. Sa loob ng maraming buwan, naniwala siyang siya ang babaeng mahal nito. Ngunit sa isang birthday party, natuklasan niyang hindi pala siya bahagi ng mundong ipinapakita ni Jake sa iba. Hindi siya kasama sa guest list, hindi siya kilala ng pamilya nito, at tila isa lamang siyang lihim na itinatago. Sa gitna ng kanyang pagkadismaya, isang tao ang hindi niya inaasahang magiging sandalan, si James Monteverde, ang makapangyarihan at respetadong ama ni Jake. Nagsimula sa simpleng pag-uusap ang lahat. Hanggang sa naging pagkakaibigan. At bago nila namalayan, pareho na silang nahuhulog sa isa't isa. Alam nilang mali. Alam nilang may masasaktan. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi nila napigilan ang damdaming namamagitan sa kanila. Nauwi ang kanilang lihim na relasyon sa isang gabing nagpabago sa lahat. At nang akalain ni Lindsay na mas komplikado pa ang sitwasyon, isang mas malaking sikreto ang kanyang natuklasan. Buntis siya. At ang ama ng batang dinadala niya ay si James Monteverde. Ngayon, kailangang harapin ni Lindsay ang pinakamahirap na desisyon sa buhay niya. Paano niya sasabihin kay Jake na ang babaeng minsan niyang minahal ay nagdadala ng anak ng sarili niyang ama? Ano ang mangyayari kapag nalaman ni James ang katotohanan? At kaya bang mabuhay ng isang pag-ibig na nagsimula sa maling pagkakataon ngunit naging tunay sa paglipas ng panahon? Sa mundong puno ng lihim, pagtataksil, at ipinagbabawal na pag-ibig, isang babae ang kailangang pumili sa pagitan ng konsensya at kaligayahan Dahil minsan, ang pinakamalaking kasalanan ay hindi ang magmahal... kundi ang mahalin ang taong hindi mo dapat minahal.
10869 viewsOngoingIdinagdag sa Library 24 Beses bilang quotes about dreaming big
Read
+Library
Ang Mukha ng Pag-Ibig

Ang Mukha ng Pag-Ibig

Maria Angela Gonzales
Nang iwanan si Zak Zapanta ng asawa niyang si Irene, isinumpa niyang hindi na siya maniniwala at magtitiwala sa kahit na sinong babae pero, bakit kinain niya ang kanyang sinabi ng makita niya si Candelaria Ynares, ang asawa ng kanyang kaibigan? At bakit nakikita niya rito si Irene gayung ibang-iba naman ang hitsura nito sa kanyang ex?
5.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 194 Beses bilang quotes about dreaming big
Read
+Library
PREV
123456
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status