The Zillionaire's Abandoned Wife
"Nabasa ko sa horoscope kanina sa dyaryo... ang malas daw na kulay ngayong araw ay pula. Ayon doon, ang dugo ay pula, ang galit ay pula, at ang panganib ay sinisimbolo ng pula. Mabuti na lamang nga at ang nakuha mo ngayon ay ang kulay na kumokontra sa kamalasan na dala ng pula ayon pa rin sa nabasa ko. Ang rosas ay kulay ng pag ibig at kapayapaan."
Sumang ayon si Trixie, kahit na sa loob loob niya ay bahagya siyang naweweirduhan sa mga nabanggit ng matanda.
“Well,” sabi ni Trixie habang muling tinitingnan ang teddy bear sa kaniyang mga palad, “ mabuti na rin nga po at favorite din naman po ng anak ko ang pink. It's really so cute just like my daughter.”