Iniwan sa Altar, Inangkin ng Bilyonaryo
Sa araw na dapat sana'y pinakamaligaya sa buhay ni Althea Villanueva, gumuho ang lahat ng kanyang mga pangarap. Ilang oras bago ang kanilang kasal, natuklasan niyang ang lalaking limang taon niyang minahal—si Marco—ay may lihim na relasyon sa sarili niyang kapatid. Sa isang iglap, ang babaeng naghanda para sa kanyang "happily ever after" ay naging isang bride na tumalikod sa altar.
Habang sinusubukan niyang buuin ang pusong winasak ng dalawang taong lubos niyang pinagkatiwalaan, isang gabing puno ng alak, sakit, at desperasyon ang magdadala sa kanya sa isang lalaking hindi niya inaasahang makikilala.
Si Adrian Montenegro ay isang malamig, makapangyarihan, at kinatatakutang CEO na walan