Memories of the Past [COMPLETED]
Samantalang, namamayani ang matinis na halakhakan at tawanan sa iba't ibang panig ng kabahayan.
Ang masiglang paghahanda ay para sa lahat ng darating na panauhin. Sa mga kababayan, sa mga dayuhan, sa mga mahihirap at sa mga mayayaman. Bukod sa mga pang mayaman na pagkain, ang mesa ay punong-puno ng mga inuming nakakalasing tulad ng iba't ibang klase ng alak, serbesa at tsampen. Naririto ang lahat ng klase ng mga napapanahong prutas-dalandan, lansones, mangga't tsiko at marami pang iba. May mga hamon ng yaring Europa at China, mga pabong relyeno at mga atsarang papaya na pampaalis ng suya.