Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Kidnapped by my Ex

Kidnapped by my Ex

Warning: Rated SPG(R-18) Naalala niya si Drix pati na ang paraan ng pag-angkin nito sa kanya. Na parang kapareho ng ginagawa ng lalaki na ito na nasa kanyang ibabaw. Kasunod niyon ay ang muling pagbabalik ng matinding sakit na pinaranas sa kanya ng lalaki ng iwanan siya nito, na halos ikabaliw niya yata. Bigla tuloy niyang naitulak ang buong lakas ang lalaki sa dibdib nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, kaya dagling nawala ang nagliliyab na pakiramdam na nararamdaman niya kanina lang. Gusto niyang malaman kung sino ba talaga ang lalaki sa dilim na kasama niya ngayon, para kasing kay damot ng liwanag ng mga sandaling iyon. Hindi niya talaga maaninag ang mukha ng lalaki. Dahil kung hindi siya nagkakamali na si Drix ang kanyang kaniig ay hinding hindi siya papayag sa mga nangyayari ngayon. Sinaktan siya ng matindi ng lalaki, iniwanan na siya. Kaya bakit siya nito kinuha ng walang permiso? Bakit siya kinidnap? Anong dahilan? Maya asawa na ito, kaya anong ibig sabihin ng lahat? “Sino ka!?” Napakalakas na tanong niya. Halatang nagulat ang lalaki sa biglang pagbabago niya ng mood. Kanina lang ay lubos na siyang nagpapasakop sa kamunduhan na taglay nito. Pero sa isang saglit ay nagawa niyang alisin ang init at palitan ng galit ang nadarama. Hindi rin niya alam kung paano niya nagawa iyon. Nakaangat ang kalahating katawan nito mula sa kanya, pero ang ibabang bahagi ay nananatiling magkadikit. Noon lang niya napansin na nakabukaka pala ang ayos niya, nakaayos ito sa kanyang gitnang ibabang katawan. Naisip niya na kung sasalakayin ng matigas na parte ng katawan nito ang kanyang hiyas ay tiyak na wala siyang kalaban laban. “Sino ka?” Malakas na ulit niya sa tanong. “Alex.” Parang naguguluhang bigkas nito sa kanyang pangalan. “Hindi mo pa ba ako nakikilala?”
104.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 112 Beses bilang tag-init
Read
+Library
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
1021.4K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 641 Beses bilang tag-init
Read
+Library
Under the Mayor's Command

Under the Mayor's Command

Isang gabing pagkakamali, isang panghabambuhay na iskandalo. Si Rosita Alonzo, isang matapang at masipag na dalaga, ay pumasok bilang katulong sa mansyon ng mga Zaviere sa pag-asang matatakasan ang kahirapan. Ngunit sa isang gabing nilunod ng alak ang kanyang katinuan, isang maling pinto ang kanyang nabuksan . . . isang maling kama ang kanyang nahigaan. Ang silid na iyon ay pagmamay-ari ni Alexander Zaviere, ang makapangyarihang Mayor ng lungsod. Si Alexander ay ang perpektong lider sa mata ng publiko, gwapo, matalino, at kagalang-galang. Ngunit sa likod ng mga pader ng kanyang mansyon, siya ay isang lalaking nilalamon ng pait at pangungulila matapos ang pagkamatay ng kanyang asawa. Ang agwat ng kanilang edad na dalawampung taon at ang malaking pagkakaiba ng kanilang katayuan sa buhay ay dapat sapat na upang hindi sila magtagpo, ngunit ang init ng gabing iyon ay nag-iwan ng apoy na hindi na nila kayang apulahin. Sa bawat palitan ng titig at bawat pagkakataong magkalapit sa loob ng mansyon, unti-unting nahuhulog ang loob ni Alexander sa dalagang muling nagparamdam sa kanya na siya ay buhay. Ngunit ang kanilang bawal na ugnayan ay mitsa ng isang malaking pagsabog. Nang kumalat ang isang iskandalosong larawan ng Mayor kasama ang kanyang batang katulong, nanganib ang kanyang karera at ang dangal ni Rosita. Upang protektahan ang kanyang titulo at ang kaayusan ng lungsod, pinili ni Alexander ang pinakamasakit na paraan, ang itaboy si Rosita palayo sa kanyang mundo. Ngunit sa pag-alis ng babaeng nagpatibok muli ng kanyang puso, ramdam ni Alexander na ang kapangyarihan ay walang silbi kung ang puso niya ay muling magiging bilanggo ng lungkot. Handa ba niyang isuko ang kanyang korona at posisyon para bawiin ang babaeng itinuring niyang isang "pagkakamali"? O hahayaan na lamang niyang maging isang mapait na alaala ang pag-ibig na nagligtas sa kanya mula sa dilim?
101.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 46 Beses bilang tag-init
Read
+Library
NINONG KONSI (SPG)

NINONG KONSI (SPG)

Anim na taon ang nakalipas, muling nakaluwas sa Manila si Apple Gallardo upang makatulong sa kanilang business. Nang gabing din iyon ay niyaya siya ng matalik niyang kaibigan na pumunta sa bar para sa kanyang welcome back party. Kasagsagan na ng init at kasiyahan bumaba si Apple, may nakabagga si Apple, isang lalaking matipuno na siyang natipuhan niya agad. Zamuel Zimmerman, isang konsehal sa Kyusi. Ang pamilya niya rin ang may hawak na Internet provider sa buong Pilipinas. Ang lalaking nabunggo ni Apple ng gabing iyon. Nang dahil sa alak ay uminit ang katawan ni Apple nang makita ang binata, hinalikan niya ito na siyang may nangyari sa kanila ng gabing iyon. Nang magising si Apple kinabukasan, nauna siyang umalis at hindi pinagsabi ang tungkol sa nangyaring one night stand sa kanya at ng lalaki. Sa hindi inaasahan, nakita muli ni Apple ang lalaking naka—one night stand niya. Nagpakilala ito at nalaman niyang barkada ito ng kanyang kuya at isa rin siyang konsehal, lalo naʼt Ninong pala niya ang lalaki. Sa pagkagulat niya ay gusto na sana niyang umalis pero nakita na lamang niya ang kanyang sariling umuungol muli habang sinasamba siya. Kaya inalok niya itong itago ang kanilang relasyon, kahit naguguluhan si Zamuel ay pumayag siya sa gusto ni Apple. Lumipas ang buwan, naging masaya ang tagong relasyon nilang dalawa. Balak na sana sabihin ni Apple ang tungkol sa kanila ni Zamuel, pero biglang dumating ang problema sa pagitan nila. Si Tanya — ang babaeng nakalaan na ipakasal kay Zamuel. Sa pagdating ng babae ay magbabago ang pakikitungo ni Zamuel sa kanya, lalo naʼt nalaman niyang ikakasal na sila. Ilalaban kaya ni Apple ang pagmamahal niya sa binata kung mismo ng lalaki na ang pumutol sa pagitan nila? Lalaban pa ba si Apple para sa salitang pag-ibig?
7.828.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 732 Beses bilang tag-init
Read
+Library
My Baby's Daddy Is My Boss (SPG)

My Baby's Daddy Is My Boss (SPG)

My Baby’s Daddy Is My Boss (SPG) Matapos mahuli ni Arch. Alex Reyes ang fiancé niyang may relasyon sa sarili niyang best friend sa mismong engagement party nila, isang gabi ng alak, galit, at kahinaan ang tuluyang sumira sa maayos niyang buhay. Sa gabing pilit niyang kinakalimutan, nakilala niya ang isang delikadong estrangherong nagdala sa kanya sa isang gabing puno ng init, tukso, at padalos-dalos na desisyon. Akala ni Alex, mananatili na lang iyong isang pagkakamali na hindi na niya muling babalikan. Pero ilang linggo matapos ang gabing iyon, natuklasan niyang buntis siya. Takot na muling masaktan at iwan, pinili niyang mawala nang tahimik at palakihing mag-isa ang batang dinadala niya. Anim na taon ang lumipas, muling nagkrus ang landas nila nang matanggap si Alex sa pinakamakapangyarihang kompanya sa bansa. Ngunit sa unang araw pa lang niya sa trabaho, parang gumuho agad ang mundo niya. Dahil ang ruthless billionaire CEO na haharap sa kanya ay walang iba kundi si Azrael Laurent. Ang lalaking nakasama niya sa gabing hindi niya malimutan at ang ama ng kanyang anak. Hindi alam ni Alex na matagal nang hinahanap ni Azrael ang babaeng nakasama niya six years ago. Kaya nang matuklasan nitong si Alex pala ang babaeng iyon at ang batang kasama nito ay sarili niyang anak, hindi siya nagdalawang-isip na angkinin ang dalawa. Handa siyang pakasalan si Alex, protektahan ito, at tulungan sa paghihiganti laban sa mga taong sumira rito. Ngunit higit pa roon, determinado si Azrael na gawin ang lahat para tuluyang mahulog sa kanya ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Pero hindi ganoon kadaling magtiwala si Alex. Lalo na sa isang lalaking kilala sa pagiging malamig, dominante, at mapanganib. Magiging sapat kaya ang pagmamahal para paghilumin ang sugatang puso ni Alex?
109.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 198 Beses bilang tag-init
Read
+Library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status