The Ruthless CEO's Forced Wife
"You're not my type, but... let's get married."
Matapos ko siyang takasan limang taon na ang nakakaraan dala ang ilang milyong piso niyang pera, at ang anak niya sa sinapupunan ko, akala ko ay hinding-hindi na muling magtatagpo ang landas namin ng demonyong bilyonaryo na si Kael Rafael Ashford.
Nagtago ako sa isang probinsya at mag-isang pinalaki ang anak naming si Tyler. Tahimik at simple na sana ang buhay ko, kung hindi lang niya kami biglang natunton sa isang parking lot sa Cagayan de Oro.
Akala ko ay ipapakulong niya ako dahil sa perang tinakas ko. O 'di kaya ay ilalayo niya sa akin ang anak ko dahil sa galit niya, ngunit nagkamali ako.
Wala siyang balak na ihiwalay