フィルター条件
ステータスを更新中
全て進行中完了
並べ替え
全て人気のあるおすすめ評価更新
Ang Dalawang Mukha [Tagalog]

Ang Dalawang Mukha [Tagalog]

S.B.S
Nang magising si Amella mula sa matagal na pagkahimlay, natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na walang alaala sa kanyang nakaraan. Ni-mukha niya ay bago sa kanyang mga mata. Maging ang sariling pangalan ay hindi siya pamilyar. Maging ang sarili niya hindi niya kilala. Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang hanapin ang sarili, lalo na nang malaman niyang ikinasal na siya sa isang lalaking nagngangalang Christian. At lalong gumulo ang mundo niya nang lumitaw si Hade sa buhay niya. Ang kanyang buhay ay naging magulo at puno ng mga katanungan. Sino si Hade? Bahagi nga ba siya ng nakaraan niya? Ginugulo ng lalaki ang kanyang diwa pati na rin ang kanyang puso. "Ang Dalawang Mukha sa loob ng iisang katauhan"
103.3K ビュー連載中wang so としてライブラリに 104 回追加されました
読む
+本棚
Ang Maid sa Bisig ng Dalawang Bilyonaryo

Ang Maid sa Bisig ng Dalawang Bilyonaryo

Eliana AsherContemporarySteamyFirst-Person POVBadboyDominantBillionairePregnantSecret LoveForbidden Love
Si Violet ay isang simpleng maid sa mansyon ng mga Valmonte. Tahimik ang buhay niya hanggang sa isang gabing inutusan siyang maghatid ng pagkain sa kuwarto ni Killian—ang gwapo, mayaman, at kilalang playboy na anak ng kanyang amo. Ang simpleng utos ay nauwi sa isang gabing hindi niya malilimutan. Ngunit habang unti-unti siyang nahuhulog, ipinadama ni Killian na isa lamang siyang pampalipas-oras. Higit pa roon, nakatakda na itong pakasalan ang kababata nitong si Isabella Castellano. Durog ang puso, pinili ni Violet na lumayo. Ngunit pagbalik ni Killian mula Switzerland, nalaman ni Violet na buntis siya. Upang protektahan ang sarili at ang kaniyang anak, nagsinungaling siyang hindi si Killian kundi ang kababata niyang si Zenon Mallari ang ama. Ang hindi alam ni Violet, hindi ordinaryong construction worker ang kababata niya. Si Zenon ay isa palang makapangyarihang business tycoon na matagal nang nagtatago sa likod ng simpleng pagkatao—at matagal na rin siyang may lihim na pagtingin kay Violet. Habang pilit namang inaangkin ni Killian ang batang pinaniniwalaan niyang sa kanya, unti-unting inilalantad ni Zenon ang tunay niyang pagkatao. Sa pagitan ng lalaking unang dumurog sa puso niya at ng lalaking matagal nang handang protektahan siya, sino ang pipiliin ni Violet?
50 ビュー連載中wang so としてライブラリに 1 回追加されました
読む
+本棚
Dalawang Nakanselang Kasal

Dalawang Nakanselang Kasal

Little HedgehogTragic LoveRevengeBesties Marrying TogetherRegretRuthless
Sa gabi ng aking kasal, nasagasaan ako ng kababata ng aking fiancé. Nilagay nito sa panganib ang aking buhay. Sinubukan ng aking best friend na tawagan ang aking fiancé, pero agad niyang ibinaba ang tawag. Pinadalhan niya rin ito ng isang text message. “May sakit si Ruth. Wala akong oras para riyan.” Tinawagan ng aking best friend ang kaniyang boyfriend na isang artista na may malawak na koneksyon. Pero sinabi nito na, “May sakit si Ruth. Kailangan niya ako sa tabi niya ngayon.” Pagkatapos ng isang gabi ng resuscitation, tiningnan namin ang isa’t isa sa ward bago kami sabay na magsalita. “Ayaw kong magpakasal.” Pero nasurpresa kami nang mawala sa sarili ang aming mga fiancé nang ikansela namin ang aming mga kasal.
1.4K ビュー完了wang so としてライブラリに 47 回追加されました
読む
+本棚
Pagsisisi ng Alpha: Ikalawang Pagkakataon ng Omega

Pagsisisi ng Alpha: Ikalawang Pagkakataon ng Omega

VivianDramaWeak to StrongFirst-Person POVSteamyBillionaire
Ang mga mate ay dapat nagpoprotekta sa isa’t isa, pero bakit ang sa akin ay patuloy na dumudurog sa aking kaluluwa. Bilang mate ni Alpha Ronald, akala ko ay napakaswerte ko, ngunit napatunayan ng panahon na iyon pala ang pinakamasamang nangyari sa akin. Ngayon, napapatanong ako kung ang Diyosa mismo ay tinalikuran na ako. Sa sandaling sumuko na ako sa lahat, may nangyaring hindi ko kailanman inakalang posible para sa isang Omega na tulad ko. Nakahanap ako ng isa pang mate, isa pang Alpha. Siya kaya ang magiging kaligtasan ko o ang aking pagbagsak? Pakikitunguhan ba niya ako nang tama o magiging katulad lang siya ng isa ko pang mate? Dahil sa aking pusong nananatiling marupok mula sa lahat ng pang-aabusong naranasan ko, hindi ako sigurado kung kaya ko pang magtiwala muli. Gayunpaman, may kung anong bagay sa estrangherong ito na tila humihila sa akin palapit, na nagpapaisip sa akin kung sa wakas ay makakamit ko na ang pag-ibig na nararapat sa akin, o isa lamang siyang mas malaking halimaw na nakasuot ng suit.
184 ビュー連載中wang so としてライブラリに 4 回追加されました
読む
+本棚
Ang KANYANG Hanghikinayang ANG ASAWANG BINALEWALA NIYA.

Ang KANYANG Hanghikinayang ANG ASAWANG BINALEWALA NIYA.

GalinaDivorceRegretSecond ChanceCEODrama
Nanatili siya sa loob ng tatlong taon ng katahimikan, mga malamig na gabi, at isang asawang laging pumipili sa ibang babae. Nang umalis si Reina, tahimik niyang ginawa iyon. Walang sulat. Isang singsing lang sa counter at mga papeles ng diborsyo na nilagdaan niya nang hindi binabasa. Ngayon, gusto na ni Cainan Voss na ibalik siya. Pero ang babaeng nakikita niya sa Paris ay hindi na ang babaeng itinulak niya palayo.
41 ビュー連載中wang so としてライブラリに 1 回追加されました
読む
+本棚
Bought by the Devil

Bought by the Devil

Alexandra Wang
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
1.3K ビュー連載中wang so としてライブラリに 27 回追加されました
読む
+本棚
Sold to the Billionaire Heir

Sold to the Billionaire Heir

BleedingInk29ContemporaryDark RomanceDramaArrogantCEOHeir/HeirnessArranged MarriageContract MarriageBlind Date
Lumaki si Calista Althea Chiu sa isang makapangyarihan ngunit istriktong Chinese family—kung saan ang tradisyon ay batas at ang babae ay kailangang sumunod, kahit masaktan. Mayaman ang pamilyang kinalakihan niya, ngunit sa likod ng karangyaan, isa siyang bihag ng sariling kapalaran. Sa tatlong magkakapatid, siya ang nag-iisang babae at middle child—tahimik, masunurin, at laging isinasantabi ang sariling damdamin. Ngunit isang gabi, tuluyang nagbago ang lahat. Dahil sa desperadong pangangailangan ng pera ng kanyang kuya at sa malaking pagkakautang ng kanilang pamilya sa makapangyarihang Wang family, isang lihim na kasunduan ang isinagawa. Isang desisyong hindi niya kailanman pinili. Ibinenta si Calista bilang isang “regalo” sa kaarawan ng lalaking minsan na niyang nakita sa Shanghai—ang malamig at misteryosong billionaire heir ng Monaco, si Marcus Romanov. Para kay Marcus, ang lahat ay transaksyon. Ngunit kahit pilitin niyang limutin, hindi niya maalis sa isip ang gabing pinagsaluhan nila. Para kay Calista, iyon ang gabing ninakaw ang kanyang kinabukasan. Hindi nila namamalayan, unti-unti silang nahuhulog sa isa’t isa—isang damdaming isinilang sa gitna ng kapangyarihan, katahimikan, at mga lihim na pilit itinatago. Ngunit may isang lalaking hindi handang bumitaw. Si Lixin Wang, ang mayamang Chinese heir at lalaking itinakdang pakasalan si Calista, ay handang ipaglaban ang paniniwalang pag-aari niya ito—kahit sa pamamagitan ng takot at kapangyarihan. Sa pagitan ng tradisyon at pag-ibig, obligasyon at kalayaan, kailangang pumili ni Calista: manatiling babaeng isinuko ng pamilya, o labanan ang kapalarang ipinataw sa kanya—kahit pa kapalit nito ang kanyang puso.
464 ビュー連載中wang so としてライブラリに 16 回追加されました
読む
+本棚
Mommy for hire: Breaking the CEO's walls

Mommy for hire: Breaking the CEO's walls

Miss RComedyThird-Person POVDramaArrogantCEOBillionaireFirst LoveHate to LoveTwist
Dahil sa kagustuhang makuha ang kustodiya ng mga bata, napilitan ang bilyonaryong si Kerill Wang na maghanap ng babaeng magsisilbing ina ng kanyang mga anak sa loob ng tatlong buwan. Dito niya nakilala si Charlene Rosarios, ang probinsyanang lumuwas sa Maynila upang maghanap ng trabaho. Kinontrata niya ito kapalit ng isang milyong piso. At dahil desperada ang babae na makahanap ng pera, tinanggap niya ang alok—lingid sa kanyang kaalaman na papasok siya sa pintuan ng impyerno. Hindi mababait ang mga anak ni Kerill at nasanay na silang palaging may bagong babaeng ipinapakilala ang tatay nila sa kanila, kaya ginagawa nila ang lahat upang mapaalis siya. Makakayanan kaya ni Charlene ang lahat ng pagpapahirap na mararanasan niya sa loob ng higanteng mansyon na iyon? Hanggang kailan niya matitiis ang masasakit na salita ni Kerill tungkol sa kanyang pagkatao? Makukuha niya kaya ang loob ng mga bata? Sundan ang nakakatawa, punô ng emosyon at pag-ibig na kwento na nagsimula lang sa isang papel ng kontrata. Mahahanap kaya nila ang tunay na pagmamahal kung lahat ay matatapos lamang sa loob ng tatlong buwan?
106.9K ビュー完了wang so としてライブラリに 151 回追加されました
読む
+本棚
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status