THE BILLIONAIRE SINGLE DAD NEXT DOOR
He was the last man she expected to meet.
She was the last person he wanted to let in.
Sa unang gabi ng pagbabalik ni Erin sa Pilipinas, isang impulsive decision ang nagdala sa kanya sa isang exclusive bar kung saan nakilala niya ang isang malamig, mailap, at misteryosong billionaire na may lungkot na hindi maitago sa kanyang mga mata.
Akala niya, isa lang itong gabing hindi na mauulit.
Pero ibang plano ang mayroon ang tadhana.
Kinabukasan, nagulat siyang ang estrangherong nakilala niya sa bar ay siya pala niyang next-door neighbor.
Si Killian Saavedra, isang billionaire CEO, isang devoted single dad, at isang lalaking matagal nang isinara ang puso sa pag-ibig.
Sa tulong ng makulit at adorable nitong limang taong gulang na anak na si Hershey, unti-unting nagiging bahagi si Erin ng maliit nilang mundo.
Ngunit habang mas lalo silang nagiging malapit.
Mas lalo ring lumalalim ang pakiramdam na tila noon pa man ay konektado na ang kanilang mga puso.
Because some strangers aren't meant to stay strangers...
Some are simply finding their way back home.