author-banner
Michellara
Michellara
Author

Nobela ni Michellara

Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle

Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle

Sa loob ng limang taon, nanatiling anino si Evorie Smith sa sarili niyang buhay may asawa. Akala niya, ang pagsailalim sa IVF ang magiging susi para mahalin siya ng asawang si Rafael Dadan, ngunit ang DNA result ay nagsiwalat ng malupit na katotohanan, ang batang si Ginger na apat na taon niyang inalagaan at minahal ay hindi niya tunay na anak. Ginamit lamang siya nina Rafael at ng kapatid sa labas na si Violet bilang surrogate para sa bunga ng kanilang kataksilan. Habang nagpapakasasa ang dalawa sa kanilang bawal na pag-ibig, nagpasya si Evorie na tapusin ang pagiging martir. Sa gabi ng kanilang fifth wedding anniversary, na mas pinili ni Rafael na gugulin kasama si Violet, nilayasan ni Evorie ang mansiyon, bitbit ang poot. Hindi lang diborsyo ang kanyang pakay, kundi plano niyang sunugin ang mundo ng mga taong umabuso sa kanya. Sinimulan niya ang paghihiganti sa pamamagitan ng pagsabotahe sa kasal ni Violet at ng bilyonaryong CEO na si Alistair Vanderbilt. Matapos ibunyag ang isang malaswang video ng dalawang taksil, hinarap ni Evorie ang bulag at malupit na groom. Naglatag siya ng mapangahas na deal, isang kasal kapalit ng pagkakaroon ng tagapagmana para sa lola ni Alistair. Pumayag agad si Alistair, ngunit may kondisyon. "Have sex with me, now. Show me if you can handle a monster like me." Wala nang atrasan. Gagawin ni Evorie ang lahat para mapabagsak sina Rafael at Violet, kahit pa ibigay ang kanyang katawan at kaluluwa sa lalaking kinaiinisan at kinatatakutan ng lahat.
Basahin
Chapter: Chapter 188
Nagtagis ang bagang ko. Ang kapal ng mukha ng tarantado.“Hindi mo na siya mabubuhay pa. Pinatay mo na nga siya, hindi ba? Huwag mo akong gawing gagò.”Muli, isang mababa at nakakarinding tawa ang pinakawalan niya.“Kayang-kaya ko siyang buhayin. At hindi kabaliwan ang sinasabi ko sa 'yo. Bibigyan lang kita ng isang linggo para bumaba sa pwesto mo at makakasama mo uli ang asawa mo. Buhay na buhay at buo... kasama si Ginger,” anunsyo niya, bawat salita ay may diin.Hindi na ako nakapagsalita. Nakatulala kong naibaba ang phone nang tuluyan na niyang putulin ang linya.Isang mapaklang tawa ang kumawala sa bibig ko. Ginamit ko ang isa kong kamay para hilutin ang sentido ko.“Kalokohan. Kung puwede lang sanang buhayin ang patay, noon ko pa ginawa sa kaniya. Pero hindi. Patay na siya at hinding-hindi na siya maibabalik pa,” usal ko sa hangin bago ibinaling ang tingin kay Marco. May bitbit na itong tray na may lamang isang basong whiskey at ang bote nito.Inabot ko ang baso at isahang nilago
Huling Na-update: 2026-06-30
Chapter: Chapter 187
YDRAEL ALISTAIR“Welcome back, Sir Ydrael!”Maligayang bati sa akin ng limang babae. Sabay-sabay silang nakangiti habang nakatayo sa tapat ng pinto ng penthouse namin ni Evorie. Mukhang kanina pa nila hinihintay ang pagdating ko mula sa California.Isang pilit at tipid na ngiti lamang ang isinagot ko sa kanila.“Kumusta po, Sir? Gutom na po ba kayo? May inihanda na si Lindsey na hapunan para sa inyo,” masayang saad ni Ness, sinusubukang buhayin ang matamlay na paligid.Tahimik lamang akong nakatayo sa harapan nila, nakatitig sa kawalan.Sa katunayan, kung puwede lang, ayaw ko nang bumalik sa penthouse na ito. Narito ang lahat ng masasayang alaala namin ng asawa ko. Mas lalo lang nadudurog ang puso ko kapag naaalala kong hindi na siya babalik sa mga bisig ko... kasama ang magiging anak sana namin. Ang bawat sulok ng lugar na ito ay parang multo ng nakaraan na patuloy na sumasariwa sa sugat ko.Napansin yata ng lima ang biglang pagdaan ng matinding lungkot sa mukha ko kaya unti-unti sil
Huling Na-update: 2026-06-30
Chapter: Chapter 186
Pumasok ang isang tauhan, bitbit sa kaniyang mga bisig si Evorie na wala pa ring malay, habang karga naman ng isa pang lalaki ang umiiyak na si Ginger. Nang makita ni Violet ang mukha ni Evorie, lalo pang nag-init ang kaniyang dugo. Akma na niyang susugurin at sasaktan ang walang kalaban-labang babae nang mabilis siyang harangan at hawakan sa magkabilang braso ng mga tauhan ni Yshmael.“Bitawan ninyo ako! Papatayin ko ang babaeng 'yan!” hiyaw ni Violet, nanginginig sa inis ang kanyang katawan.“Hindi mo 'yan puwedeng galawin o saktan, Violet!” seryoso at malamig na saway ni Yshmael. Lumapit siya at hinarap ang babae. “Pera ang habol mo, 'di ba? Kaya huwag mong tatangkain na saktan si Evorie. Kailangan malinis at maayos siya bago natin ipadala ang mga litrato kay Uncle Ydrael. Kailangan natin si Evorie para pilitin siyang bumaba sa puwesto niya bilang CEO at Chairman ng dalawang malalaking kumpanyang hawak niya.”Napatigil si Violet. Unti-unting humupa ang
Huling Na-update: 2026-06-29
Chapter: Chapter 185
Habang unti-unting bumabagal ang takbo ng itim na SUV ni Rafael papalapit sa tollgate palabas ng Metropolis, agad na napasingkit ang kaniyang mga mata. May kakaiba sa senaryo. Hindi ordinaryo ang dagsa ng mga armadong lalaki na nakapuwesto sa gilid ng kalsada, at bawat sasakyang dumaraan ay isa-isang maingat na sinusuri ng mga ito.Mabilis na kinabig ni Rafael ang manibela para umatras at humanap ng ibang malulusutan, pero huli na ang lahat. Sa isang iglap, dalawang magkasunod na sasakyan ang humarurot at marahas na humarang sa mismong likuran ng kaniyang kotse. Doon nagsimulang gumapang ang matinding kaba sa kaniyang dibdib.Mabilis na nagsibabaan ang mga tauhang binayaran ni Yshmael. Galit at marahas nilang pinalibutan ang kaniyang SUV, habang paulit-ulit na pinupukpok ng isang tauhan ang salamin ng bintana gamit ang dulo ng baril nito upang pilitin siyang lumabas. Wala nang nagawa si Rafael kundi buksan ang pinto, pero pagkatapak pa lamang ng kaniyang paa sa sem
Huling Na-update: 2026-06-29
Chapter: Chapter 184
Mas lalong dumiin ang pagkakabaon ng mga kuko ni Yshmael sa kaniyang palad. Nagdidilim ang kaniyang paningin sa ginawa ng kaniyang kapatid. Malaki na nga ang problemang kinakaharap nila, pero mas pinili pa nito ang sariling damdamin kaysa tulungan siyang mapasakamay ang malaking kumpanya ng mga Vanderbilt.“Bwisit na Rafael! Hindi siya nag-iisip!” hindi mapigilang hiyaw ni Yshmael sa galit.Halos sumabog na sa sobrang pagkainis ang isip ni Yshmael. Hindi siya makapaniwalang hindi itinatak ng kaniyang kapatid sa kukote nito ang sinabi niya noon—na mas mabuting mapabagsak muna nila ang kanilang tiyuhin. Dahil kapag wala na ito sa puwesto at putol na ang mga koneksyon nito, puwede nang gawin ni Rafael ang gusto niya. Kung gusto nitong maangkin muli si Evorie, magagawa na nito iyon nang malaya dahil wala nang kapangyarihan ang kanilang tiyuhin para labanan sila. Pero napakabòbo ng kapatid niya. Mas inuna pa nito ang katangahan kaysa sa konkreto niyang plano.
Huling Na-update: 2026-06-28
Chapter: Chapter 183
THIRD PERSON POVMabilis na umakyat si Yshmael sa ikalawang palapag ng mansyon at tinungo ang kwarto ni Ginger. Pero pagkapagbukas niya ng pinto, tanging bakanteng kama at ilang nakakalat na laruan ang kaniyang naabutan. Wala roon ang bata, maging ang yaya nito ay hindi rin mahagilap sa loob ng silid.Kaagad na nagpatawag si Yshmael ng mga tauhan upang ipahanap ang kaniyang pamangkin sa buong mansyon. Kasunod niyon ay ang padabog na pag-akyat ni Violet, na ngayon ay nakabalabal na ng silk robe sa ibabaw ng kaniyang bikini, bakas ang matinding inis sa mukha.“Nawawala si Ginger! Wala siya sa kwarto niya at hindi rin siya makita sa buong mansyon!” bungad ni Yshmael, nagngangalit ang mga panga sa galit.Mabilis na pumasok sa isip ni Yshmael ang naganap na pagtakas ni Evorie.“Baka umalis na si Rafael kasama ang bata. Siya... siya mismo ang nagtago kay Evorie kagabi matapos itong makatakas sa poder ko!”Hindi agad naniwala si Violet.
Huling Na-update: 2026-06-28
Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle

Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle

Isang gabi bago ang kanyang kasal, muntik nang mapahamak si Jane sa tinatahak na liblib na daan nang harangin siya ng mga armadong lalaki. Sa gitna ng matinding panganib, desperado siyang tumawag sa kanyang fiancé na si Kian, ngunit sa halip na tulong ay pangungutya ang natanggap niya habang nasasaksihan ang kataksilan nito kasama ang sarili niyang pinsan na si Scarlet. Durog sa dobleng pagtataksil, dumating si Aviv Averoné, ang tiyuhin ni Kian, na siyang nagligtas sa kanya sa gitna ng kapahamakan. Dahil sa galit at desperasyon, nakiusap siya kay Aviv na ito na lamang ang pumalit bilang groom niya. Isang katahimikan ang namayani matapos ang kanyang pakiusap, ngunit kalaunan ay nagsalita din si Aviv kapalit ng isang malamig na kondisyon: kailangang gampanan ni Jane ang tungkulin bilang isang tapat na asawa at bigyan siya ng tagapagmana. Inakala ni Jane na ang kasal nila ni Aviv ay isa lamang malamig na transaksyon, ngunit unti-unti nitong ipinapakita na higit pa sa kasunduan ang nais nito mula sa kanya. Ngayong pag-aari na siya ng makapangyarihang tiyuhin ng kanyang dating fiancé, isang bagong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at pagnanasa ang magsisimula. Sa pagitan ng mapanganib na kasunduan at nagbabagang emosyon, mahahanap ba ni Jane ang tunay na kaligtasan sa piling ng lalaking kanyang pinili?
Basahin
Chapter: Chapter 053
Wala siyang kahit anong emosyon sa mukha habang parang isang halimaw na sumasayaw sa gitna ng gulo. May isang lalaki na namang sumugod sa kaniya habang hawak ang isang mahabang patalim. Sa isang mabilis at kalkuladong pag-iwas, sinalubong ni Aviv ang braso nito, saka iyon marahas na pinihit paitaas. Isang malakas na langutngot ang umalingawngaw kasabay ng pagkabali ng siko nito.Bago pa man makasigaw ang lalaki, mabilis na naagaw ni Aviv ang patalim nito. Ginamit niya ang talim niyon para sa isang mabilis na slash sa hita ng isa pang sumugod sa kaniyang likuran. Bumuhos ang dugo. Sumunod ang dalawa pang lalaki na may hawak na mga tubong bakal, ngunit mas mabilis ang asawa ko. Sinalubong niya ang mga ito, ibinaba ang katawan, binuhat ang isa, at buong lakas na ibinalibag sa semento bago itìnarak ang naagaw na patalim sa balikat ng isa pa. Maririnig ang sunod-sunod na lagutok ng mga butong binabali niya sa bawat sipa at suntok. Wala siyang awa at walang pag-aalinlangan sa pak
Huling Na-update: 2026-06-29
Chapter: Chapter 052
“O, ayan na pala ang mga sundalo ng hari mo,” untag sa akin ni Rochelle, sabay sulyap sa mga bodyguard na agad na kumilos para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. “Naku, Jane, mag-ingat ka mamaya sa mansiyon n’yo, ah? Baka bukas, pagpasok mo, naka-wheelchair ka na dahil sa bagsik ng Uncle—este Papa Aviv mo.”“Ewan ko sa ’yo, Rochelle! Umuwi ka na nga!” natatawa kong taboy sa kaniya habang sumasakay ako sa backseat ng mamahaling kotse ni Aviv.“Bye, Jane! Galingan mo mamaya! I-push mo ang tatlong anak!” humahalakhak na hiyaw pa niya habang kumakaway bago naglakad patungo sa paradahan ng tricycle.Nakahinga ako nang maluwag nang maisara ang pinto ng kotse. Pagkuwa’y napansin kong wala ang asawa ko sa tabi ko. Tanging si Feid, ang kanang-kamay niya, at ang driver lang ang nasa unahan.“Nasaan ang boss n’yo? Sabi niya sa akin, sabay na kaming uuwi ng estate,” takang tanong ko sa kanila.“Ma’am Jane, nauna na po si Sir Aviv sa Averoné Estate d
Huling Na-update: 2026-06-29
Chapter: Chapter 051
Jane POV“Bye po, Ma’am Jane! Una na po kami!” paalam sa akin ng mga empleyado ko. Isang matamis na ngiti lamang ang isinagot ko sa kanila. Nauna na silang naglakad, diretso sa exit ng Enterprises Building dahil uwian na rin naman.“Let’s go, teh! Layas na tayo!” biglang hiyaw ni Rochelle mula sa likuran ko, kaya agad kong tinakpan ang mga tainga ko.Natawa lang ang gaga nang tingnan ko siya nang masama. Ang tinis kaya ng boses niya, tapos nag-e-echo pa sa malawak na lobby ng building kaya talagang masakit sa eardrums.Si Rochelle ang Operations Manager ng buong kompanya. Marami nang naging manager ang kompanyang ito, pero siya lang talaga ang nagtagal. At nagpapasalamat ako na hindi siya nag-quit noong ako na ang humawak bilang CEO. Sa totoo lang, naaawa na rin ako sa kaniya dahil parang limang trabaho ang sinasalo ng utak niya araw-araw. Siya na ang nag-aasikaso ng sales, nagbabantay sa mga tauhan, hanggang sa mga supply. Kung magre-re
Huling Na-update: 2026-06-29
Chapter: Chapter 050
Kian POV“Lolo... huwag na ninyo silang pagpaliwanagin pa,” nakayukong singit ko habang pinipigilan ang isang hikbi para mas maging kapani-paniwala. “Alam ninyo naman kung gaano kagaling magpaikot ng kuwento si Uncle Aviv. Kapag hinarap ninyo siya, tiyak na gagawa lang siya ng kuwento at palalabasing kami ang may kasalanan para pagtakpan ang ginawa nilang mag-asawa.”“Tama po si Kian, Lolo at Lola,” hikbi pa ni Scarlet habang dahan-dahang yumayakap sa braso ko. “Natatakot na po ako... Baka kapag nalaman ni Aviv na nagsumbong kami sa inyo, baka balikan niya kami at tuluyan kaming patatahimikin gamit ang impluwensiya niya. Mayaman at makapangyarihan siya kumpara sa amin ni Kian, kaya kayang-kaya niyang gumawa ng paraan para kami pa ang madiin at masira.”“Hinding-hindi ko hahayaang mangyari iyon!” galit na paggagaralgal ni Mommy. “Papa, hahayaan na lang ba natin ito? Dapat ngayon pa lang ay bawiin na sa kaniya ang posisyon niya sa kompanya! Hubaran ninyo siy
Huling Na-update: 2026-06-28
Chapter: Chapter 049
Kian POV“Oh my God, Kian! What happened to you?!” bungad na tarantang tanong sa akin ni Mommy nang makita ang kalagayan ko habang pababa kami ng hagdan.Mabilis siyang napatakbo palapit sa akin. Halos manginig ang mga kamay niya habang sinusuri ang mga benda sa braso, kamay at hita ko. Samantala, napatayo naman si Lola Adela mula sa pagkakaupo sa marangyang sofa. Halata sa mukha niya ang matinding pag-aalala at gulat nang makita ang paborito niyang apo na may bitbit na baston at tadtad ng mga pasa sa mukha.“S-Sinaktan ako ni Uncle,” utal na sagot ko. Pilit kong pinapiyok ang boses ko at nagbaba ng tingin, parang isang batang takot na takot at malapit nang maiyak.Kailangan kong gawin ito para makuha ang buong simpatya ng matatanda. Alam kong hindi ko matatalo si Uncle Aviv kung kaming dalawa lang ang magtutuos, kaya gagamitin ko ang pamilyang ito bilang panangga at sandata para pabagsakin siya.“My God! Bakit naman gagawin ni Aviv sa ’y
Huling Na-update: 2026-06-28
Chapter: Chapter 048
Scarlet POV“Bwisit siya! Bwisit silang dalawa!!” hiyaw ko sa loob ng kuwarto namin ni Kian. Inis kong inihahagis ang lahat ng mahahablot ko dahil sa matinding pagkapoot sa kahihiyang idinulot nina Aviv at Jane kanina.Nasisiraan ako ng bait tuwing naaalala ko kung paano ako pinilit paluhurin ng hampaslupang si Jane, habang ang letseng takong niya ay nakabaon sa kamay ko!Nanggigigil akong napatingin sa kamay ko. Namamaga na ito at kumikirot.“Ang gagang iyon! Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa kamay ko. Urgh!” hindi mapigilang sigaw ko. “Magbabayad siya sa ginawa niya sa akin!” Inis kong inihambalos ang hawak kong unan sa kama.Napahinto ako nang pumasok ang fiancé ko sa kuwarto, pero kapansin-pansin pa rin ang galit sa bawat sunod-sunod at mabibigat kong paghinga.“Ang init yata ng ulo ng baby ko,” wika niya na may lambing sa tono. Bagaman bakas na bakas pa rin ang pulang latay ng palad sa mukha niya mula sa pagkakasampal ni Aviv, nagawa pa rin niyang ngumiti.“Bakit parang
Huling Na-update: 2026-06-27
Maaari mong magustuhan
Ang Lihim ni Anastasia
Ang Lihim ni Anastasia
Romance · Juvy Pem
48.3K views
Shade of Lust
Shade of Lust
Romance · MeteorComets
48.2K views
Billionaire's Marriage Bid
Billionaire's Marriage Bid
Romance · Grecia Reina
48.1K views
The Betrayed Wife
The Betrayed Wife
Romance · MissRah
48.0K views
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status