MasukSa loob ng limang taon, nanatiling anino si Evorie Smith sa sarili niyang buhay may asawa. Akala niya, ang pagsailalim sa IVF ang magiging susi para mahalin siya ng asawang si Rafael Dadan, ngunit ang DNA result ay nagsiwalat ng malupit na katotohanan, ang batang si Ginger na apat na taon niyang inalagaan at minahal ay hindi niya tunay na anak. Ginamit lamang siya nina Rafael at ng kapatid sa labas na si Violet bilang surrogate para sa bunga ng kanilang kataksilan. Habang nagpapakasasa ang dalawa sa kanilang bawal na pag-ibig, nagpasya si Evorie na tapusin ang pagiging martir. Sa gabi ng kanilang fifth wedding anniversary, na mas pinili ni Rafael na gugulin kasama si Violet, nilayasan ni Evorie ang mansiyon, bitbit ang poot. Hindi lang diborsyo ang kanyang pakay, kundi plano niyang sunugin ang mundo ng mga taong umabuso sa kanya. Sinimulan niya ang paghihiganti sa pamamagitan ng pagsabotahe sa kasal ni Violet at ng bilyonaryong CEO na si Alistair Vanderbilt. Matapos ibunyag ang isang malaswang video ng dalawang taksil, hinarap ni Evorie ang bulag at malupit na groom. Naglatag siya ng mapangahas na deal, isang kasal kapalit ng pagkakaroon ng tagapagmana para sa lola ni Alistair. Pumayag agad si Alistair, ngunit may kondisyon. "Have sex with me, now. Show me if you can handle a monster like me." Wala nang atrasan. Gagawin ni Evorie ang lahat para mapabagsak sina Rafael at Violet, kahit pa ibigay ang kanyang katawan at kaluluwa sa lalaking kinaiinisan at kinatatakutan ng lahat.
Lihat lebih banyakMy husband never loved me. Kahit pa limang taon na kaming kasal, he never put any effort into our anniversaries, lalo na ngayong gabi.
Nag-book ako sa isang napakamahal at tanyag na hotel para sa aming celebration, umaasang kahit isang gabi lang ay maging espesyal ako sa paningin niya. Pero sa halip na siputin ako, mas pinili niyang samahan ang kapatid ko sa ama na si Violet. Kaya wala na akong naisip na ibang paraan para tuluyan nang hiwalayan ang asawa kong taksil. Nilapitan ko ang isang bulag na bilyonaryo, ang taong magiging susi para makapaghigante ako sa taksil kong asawa at kapatid. “Mr. Vanderbilt, today is Rafael’s and my fifth wedding anniversary. Dalawang oras na akong naghihintay sa kanya kahit alam ko namang hindi siya darating. Kasama niya ngayon si Violet. Pinipili niyang makasama ang kapatid ko taon-taon sa tuwing anibersaryo namin,” lintanya ko. “They have been having an affair for five years… and it’s still ongoing,” dagdag ko, pilit kinokontrol ang bagyong nagngangalit sa loob ko. “I am going to divorce my husband. Nilapitan kita para alukin ka ng isang kasal. Kapag pumayag ka, gagawin ko ang lahat—susundin ko ang lahat ng gusto mo para matupad ang kahilingan ng lola mo na magkaanak ka. Pero kailangan mo akong hintayin hanggang sa tuluyang mapawalang-bisa ang kasal namin ni Rafael,” seryoso kong pahayag habang nakatingin sa kanyang mga walang buhay na mata. Wala na akong ibang naiisip na makakatulong sa akin para makapaghiganti kundi ang taong kaharap ko ngayon. “Ganun ba?” “Kung seryoso ka sa sinasabi mo… I have a simple condition—to prove that you truly mean it.” Muli akong napalunok. “Spend the night with me, Eve.” “Have sex with me. Right now. Show me if you can handle a monster like me.” Iyon ang linyang bumasag sa katahimikan sa labas ng bridal suite. Nalaman na niya ang tungkol sa malaswang video ng kanyang bride at ng sarili niyang pamangkin na si Rafael. Ang sakit at ang bahagyang panginginig sa kanyang boses ay sapat na para malaman kong pareho kaming niloko ng mga taong pinagkatiwalaan namin. Ngunit ang sakit na ito ay hindi na bago sa akin. Ang sumpa sa buhay ko ay hindi lamang nagsimula noong ikinasal kami ni Rafael. Nagsimula ito noong bata pa lamang ako. Bata pa lang ay inalila na ako nina Nora—my stepmother—at ni Violet, pilit na ipinaparamdam sa akin na wala akong puwang sa mundong ito kundi ang magsilbi sa kanila at maging taga-salo ng kanilang mga galit. Akala ko noong ikinasal kami ni Rafael ay makakatakas na ako sa impyernong kinalakhan ko, pero mas lumala lamang ang paghihirap ko. Hindi lang pagmamahal ng pamilyang kinalakihan ko ang ipinagkait sa akin, kundi pati na rin ang atensyon at pag-ibig ng asawang itinuturing kong huling sandigan. “Violet will be going to Paris, kaya ikaw ang papalit sa kanya. Ikaw ang magiging substitute bride ni Rafael next week.” “Ikaw muna ang magiging asawa niya hangga’t hindi natutupad ni Violet ang pangarap niya.” Ang mga katagang iyon, galing sa bibig ni Nora, ang siyang naging simula ng mas matinding paghihirap at pagdurusa ko. Mahigpit kong naipikit ang aking mga mata, marahas na napahugot ng hangin habang pilit kong iwinawaglit ang ala-alang iyon bago ako muling napalunok. Nasa harapan ko na ang lalaking magiging susi ng aking paghihiganti kaya hindi na ako aatras. Humakbang ako palapit sa kanya. “Sex lang ba?” tanong ko gamit ang malambing kong tinig. Napangiti lamang siya, isang tahimik na kumpirmasyon na iyon lang talaga ang kondisyon niya para tuluyan siyang pumayag sa proposal ko. Walang alinlangan kong ikinapit ang aking kamay sa kanyang batok, hinila siya nang bahagyang marahas, at walang pagdadalawang-isip na siniil ang kanyang mga labi. “Kung katawan ko ang magiging kabayaran para matulungan mo ako sa paghihiganti ko, ibibigay ko ito sa’yo nang buong-buo,” bulong ko sa kanya matapos kong pakawalan ang kanyang mga labi. Sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi, at ang sumunod na nangyari ay siya na mismo ang muling humila sa akin upang palalimin ang aming halikan.Kung nagustuhan ninyo ang story na ito, maraming salamat. Kung hindi niyo nagustuhan, maraming salamat pa rin. First and foremost, ito ang una kong story sa GoodNovel. At kahit baguhan pa lang ako, proud pa rin akong sabihin sa inyo na buong puso ko itong pinaghirapan mula sa unang chapter hanggang sa huling pahina. Hindi ko man naabot ang expectations ninyo, sana ay nag-iwan pa rin ng kahit kaunting kurot sa puso ninyo ang kuwento nina Evorie at Alistair matapos ninyo itong basahin. Once again, maraming-maraming salamat sa inyong suporta, oras, at pagbabasa. P.S. Sana mabigyan n'yo rin ng pagkakataon ang story nina Jane at Aviv. Baka magustuhan n'yo rin ang kuwento nila. ❤️
YDRAEL ALISTAIRDalawang linggo ang mabilis na lumipas matapos ang emosyonal na pagkikita nina Piper at Yshmael. Unti-unti nang bumabalik ang sigla at ngiti sa mga labi ng asawa ko. Kahit naroon pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata sa tuwing naaalala ang nawala naming anak, nakikita ko ang pagsisikap niyang magpatuloy at maging matatag para sa aming pamilya.At ngayong araw, napakaespesyal ng okasyon dahil kaarawan niya.“Alistair, sigurado ka bang kailangan pa nating umalis ng mansiyon para i-celebrate ang birthday ko?” tanong niya habang inaayos ko ang strap ng suot niyang eleganteng evening gown sa harap ng salamin. “Kahit simpleng dinner lang dito sa mansiyon kasama ang mga bata at mga malalapit nating kaibigan, sapat na sa 'kin 'yon.”Ngumiti ako at marahang hinalikan ang balikat niya mula sa likod.“Para naman maiba ang lokasyon ng celebration. Palagi na lang tayong nagse-celebrate ng birthday mo rito sa mansiyon, kaya naisip kong subukan naman natin sa ibang lugar,” pabulong
YDRAEL ALISTAIRTahimik ang loob ng sasakyan habang binabagtas namin ang daan patungo sa piitan kung saan nakadetene si Yshmael. Nakatitig si Piper sa labas ng bintana, habang ang mga daliri niya ay walang tigil sa pagpisil sa sarili niyang palad.Bakas ang matinding kaba sa mukha niya.“Mabilis lang 'to, Piper,” mahinang wika ko habang mabilis na sumulyap sa kaniya sa rearview mirror. “Kung pakiramdam mo ay hindi mo pa kaya, pwede tayong bumalik.”Umiling siya at dahan-dahang humarap sa akin.“Hindi po, Daddy Ydrael... I mean, U-Uncle,” pilit siyang ngumiti kahit halatang nanginginig ang boses niya. “Gusto ko po siyang makita. Masyado na po akong naging matigas sa kaniya nitong mga nakaraang taon. Ayaw ko na pong magdalawang-isip pa.”“You can still call me Daddy, Piper,” ani ko. “Ayaw mo ba, na dalawa ang tatawagin mong daddy?”Isang maliit na ngiti lang ang isinukli niya.Bahagya rin akong napangiti. Kahit dalagita na si Piper at may sarili nang pag-iisip, unti-unti ko nang nakikit
Mabigat ang bawat paghinga ko habang nakatitig sa asawa ko.Tatlong linggo na ang lumipas mula noong araw na iyon, ang araw na muntik na silang kunin ng kamatayan at ang gabing nawala ang anak naming hindi man lang nabigyan ng pagkakataong masilayan ang mundong ito.Umuusad na rin ang mga kasong isinampa ko laban kay Hannah, kabilang ang attempted murder laban sa asawa ko at kay Paula, at ang pagpatay sa anak namin. Sisiguraduhin kong sa kulungan na siya mabubulok.Marahan kong inilapag ang baso ng warm milk sa ibabaw ng coffee table sa harap ni Evorie. Nakaupo siya sa tabi ng malaking bintana sa aming silid, nakatanaw sa malayo at tulala na naman.“Wifey...” mahina kong tawag bago ako naupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang malamig niyang kamay. “Kinausap ko ang investigator at ang mga pulis kanina. Nalaman ko na ang buong detalye kung paano nabitag ni Hannah si Paula.”Bahagyang gumalaw ang mga daliri ni Evorie, pero nanatili siyang nakati
YDRAEL ALISTAIRIsang marangya at engrandeng selebrasyon ang naabutan ko sa mamahaling hotel na pagmamay-ari ng mga Ferrero. Isa na namang Victory and Thanksgiving Party. Hindi muna ako dumaan sa red carpet para guluhin at putulin ang kasiyahan nila, bagkus ay dumaan ako sa lihim na daanan sa likur
Evorie Eve“Kanina pa kita hinahanap. Halos nilibot ko na ang buong mansiyon pero dito lang pala kita makikita,” ani Yshmael noong sumulpot siya bigla sa tahimik na back garden na tinatambayan ko ngayon.Alas-nuwebe na ng gabi. Makulimlim ang kalangitan at ang ihip ng hangin ay may dalang babala ng
Evorie Eve“Ayos ka lang ba?” tanong ni Alistair sa kabilang linya habang magkausap kami sa phone. Nasa loob ako ng banyo at sinadya ko siyang tawagan dahil alam kong kanina pa siya nag-aalala sa akin. Ramdam kong hindi siya mapakali mula nang malaman niyang naririto ako sa poder ni Rafael.“Oo, a
“Here are the papers,” ani Rafael sabay abot ng folder sa akin. Pagkatanggap ko, agad kong sinilip ang laman. May pirma na iyon kaya bahagya akong napangiti bago napatingin sa kanya.Kung ako ay magaan ang pakiramdam dahil sa wakas ay pumirma na siya, kabaliktaran naman ang emosyon sa mukha niya. H












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak