Share

Chapter 004

Author: Michellara
last update publish date: 2026-04-02 11:27:40

“Boss, wala pa rin siya. Hindi rin siya ma-contact, kahit ang kanyang mga magulang ay hindi matawagan,” anunsiyo ng isang tauhan na nakasuot ng black suit and tie.

“Damn that woman. Talagang inuubos niya ang pasensya ko!” he growled.

“Ang lakas ng loob niyang paghintayin ang isang katulad ko! Sino ba siya sa inaakala niya!”

Ang boses ni Alistair Vanderbilt ay dumagundong sa labas ng bridal suite ng Grand Astoria Hotel. Kahit isa siyang bulag, ramdam ng lahat ang bigat ng kanyang presensya at ang nakapapasong init ng kanyang galit.

Siya ang makapangyarihang CEO na kilala sa pagiging masungit at walang preno kung magsalita, at ngayon, sa mismong araw ng kanyang kasal, ang babaeng pakakasalan niya na si Violet Smith ay hindi pa rin nakakarating.

Iba ang taong ito kung magalit. Wala siyang pakialam kung may makarinig man sa malakas niyang boses habang nawawala ang kanyang kontrol. Kahit pa ilang tao ang makasaksi sa ugali niyang ito, wala siyang pakialam. Sadyang masama ang kanyang ugali at hindi niya iyon ikinakahiya sa harap ng madla.

“Boss, may isa pa kaming ibabalita sa inyo,” ani ng tauhan niya na nagmamadaling lumapit.

Alistair slightly tilted his head, tila ba sinusubukan niyang aninagin ang boses nito gamit ang kanyang matalas na pandinig.

“Ano iyon?”

“Ang lola niyo po...”

“Anong nangyari sa lola ko?” There was a sudden surge of panic in his eyes nang marinig ang pangalan ng kanyang lola, ang kaisa-isang taong pinapahalagahan niya sa mundong ito.

“Nasa hospital siya ngayon. Bigla siyang nahimatay noong may napanood siyang pórnographic video ng inyong bride kasama po ang inyong pamangkin na si Rafayel,” saad ng lalaki, ang boses nito ay nanginginig sa takot.

“Pórnographic video?” paniniguro niya, tila hindi agad rumehistro sa kanyang isipan ang katotohanang pinagtaksilan siya ng sarili niyang fiancée at ng kanyang pamangkin.

“Opo, Sir. Kumakalat na nga iyon sa iilang website,” ani ng tauhan.

Inis na itinapon ni Alistair ang hawak niyang baston sa sahig. Ang tunog niyon ay malinaw na umalingawngaw sa tahimik na hallway.

“That slut... how dare she cheat on me?” nanginginig sa gigil ang buo niyang pagkatao, tila ba handa siyang manakal ng kahit na sino sa puntong iyon.

“The wedding is already cancelled, at ayaw ko na ring magpakasal pa. Gusto ko nang tumandang mag-isa,” anunsiyo niya sa lahat, tila ba isinumpa na niya ang buong konsepto ng pagpapakasal.

“Pero, Boss… hindi po iyon ang sabi ng lola ninyo. Marami pa naman daw ibang babae kaya gusto ka pa rin niyang magpakasal sa iba,” sagot ng isa pa niyang tauhan, sinusubukang sundin ang kagustuhan ng matandang Vanderbilt.

“Lahat ng mga babaeng inirerekomenda sa akin ni Grandma ay pare-pareho lang. Iisa lang ang gusto nila mula sa isang katulad kong bulag—kayamanan at ang pangalan ko. Iyon lang ang habol nila. Kaya hinding-hindi na ako papayag sa gusto ni Grandma na i-reto pa niya ako sa kung sinu-sinong babae!” halos pasigaw na saad niya.

Napalingon sa kinaroroonan ko ang mga tauhan niya noong napansin nila ako. They knew me, dahil asawa ako ng pamangkin ng kanilang amo. Mahinahon akong naglakad palapit sa bulag na bilyonaryo.

Noong nasa harapan niya na ako, humugot ako ng lakas ng loob para kausapin siya at ilatag ang ideyang biglang nabuo sa isipan ko.

“Pinal na ba ang desisyon mo na ayaw mong magpakasal? Ayaw mo na ba talagang tuparin ang kahilingan ng lola mo—to get married—and produce an heir?” walang paligoy-ligoy na usisa ko. Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo.

“Your voice sounds familiar… are you Rafael’s wife?” aniya sa baritonong tinig, medyo humupa na ang poot sa kanyang boses.

“Yes,” maiksi kong sagot.

“Did you watch the pórnographic video of your husband and my bride?”

“Yes,” tugon ko muli bago ako muling humugot ng lakas ng loob.

“Mr. Vanderbilt, today is Rafael's and my fifth wedding anniversary. I have been waiting for him for two hours for our date, even though I know he won't come. My husband is with Violet right now. He is always with her every year on our wedding anniversary,” lintanya ko.

“They have been having an affair for five years… and it’s still counting,” dagdag ko, pilit kinokontrol ang bagyong nagngangalit sa loob ko.

“I am going to divorce my husband. Nilapitan kita para alukin ka ng isang kasal. Kapag pumayag ka, gagawin ko ang lahat—susundin ko ang lahat ng gusto mo para matupad ang kahilingan ng lola mo na magkaanak ka. Pero kailangan mo akong hintayin hanggang sa tuluyang mapawalang-bisa ang kasal namin ni Rafael,” seryoso kong pahayag habang nakatingin sa kanyang mga walang buhay na mata.

Wala na akong ibang naiisip na makakatulong sa akin para makapaghiganti kundi ang taong kaharap ko ngayon.

Ydrael Alistair Vanderbilt is the multi-billionaire grandson of Sarah Vanderbilt. Kahit may kapansanan siya, siya pa rin ang utak na humahawak sa Vanderbilt Group.

Rafael is also a rich businessman, but compared to this grumpy, disabled CEO… he is nothing. Kaya nga ayaw makipaghiwalay ni Violet kay Alistair, dahil sa kayamanang mapupunta sa kanya kapag naging asawa niya ito.

“Sige. Pumapayag ako. At handa akong tulungan ka sa diborsyo na sinasabi mo,” agad niyang sagot.

Natulala ako sandali. Hindi makapaniwala na napapayag ko siya nang ganoon kabilis.

“Pero bago iyon, I have one condition na kailangan mong gawin ngayon. Gusto ko lang makasigurado kung seryoso ka ba talaga… na gagawin mo ang lahat para matupad ang kahilingan ng lola ko,” aniya.

“Have sex with me… now.”

Tila nabingi ako sa kondisyon niya.

“Show me if you can handle a monster like me,” dagdag pa niya, tila may hamon sa tono ng kanyang boses.

Ilang ulit akong napalunok. Wala nang atrasan ito. Ako mismo ang lumapit sa kanya, at ako ang may kailangan.

Kaya hindi na ako nag-atubiling tuluyang lumapit sa kanya. Inabot ko ang kanyang batok, saka marahang hinila palapit, at walang pag-aalinlangang siniil ng halik ang kanyang mga labi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Pickles
.. maganda next chapter
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 195

    “Daddy, puwede po ba kaming pumunta sa penthouse mo? I want to see your big TV,” muling hiling ni Piper habang lumilingon sa akin.“Hindi puwede, Piper. May mga kailangan akong asikasuhin sa penthouse ngayon. Mas mabuting ihatid ko na lang kayo sa inyo,” direkta kong tanggi.Bago pa makapagsalita ang bata ay sumingit na si Hannah. Malumanay ang tono niya, ngunit may halong panunumbat.“Minsan na nga lang mag-request si Piper na pumunta sa penthouse mo, tatanggihan mo pa, Ydrael? Bata lang siya. Hinahanap-hanap ka lang naman niya.”Napakuyom muli ang mga kamao ko. Ramdam ko ang ginagawa niyang pangongonsensya. Sa pag-aakala kasi ni Hannah, wala na akong ibang kasama sa penthouse dahil sa balitang patay na si Evorie. Hindi pa alam ng publiko na ligtas na ang asawa ko, at wala ring balak si Hannah na palampasin ang pagkakataong ito. Nakikita ko sa mga kilos niya ang intensyong muling pumapel sa buhay ko at subukang ibalik ang kung anong meron kami noon, dahil sa isip niya, bakante na mul

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 194

    YDRAEL ALISTAIR“Daddy!”Isang matinis na tinig ang nagpahinto sa paglalakad ko, dahilan para mapatigil din ang mga pulis na kasalukuyang umaakay kina Yshmael, Art, at Graciano.Napalingon ako sa isang batang babae na patakbong lumalapit sa kinaroroonan ko habang nakangiting sumusunod ang kaniyang ina mula sa likuran. Si Piper. Mabilis siyang yumakap sa binti ko habang bakas ang labis na tuwa sa kaniyang mukha.Naibaling ko ang tingin kay Yshmael. Nakaposas ang mga kamay niya sa likuran habang hawak ng dalawang pulis. Nakatingin siya sa amin. Bahagyang matalim ang kaniyang titig at mahigpit na nakatikom ang kaniyang panga. Ngunit kahit dama ko ang nag-aalab na galit sa reaksyon ng mukha niya, napansin ko ang mabilis na pagdaan ng matinding sakit sa kaniyang mga mata. Ang nag-iisa niyang anak ay hindi man lang siya tinapunan ng kahit isang sulyap. Hindi siya kilala ng sarili niyang dugo. Sa mata ni Piper, ako ang ama, at siya naman ay isang estranghero lamang.“Hi, Ydrael. Kumusta? Mab

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 193

    Ayaw pa ngang umalis ng loko dahil panay pa rin ang lingon sa akin habang dahan-dahang naglalakad patungo sa hagdan. Halatang nangongonsensya sa ekspresyon ng mukha niya. Natawa na lang ako sa reaksiyon niya. Nang tuluyan na siyang makababa ng hagdan, doon ko lang pinakawalan ang isang malalim na buntong-hininga.Tumungo ako sa kuwarto namin. Pagkapasok ko, nanatili akong nakatayo sa gitna ng malawak na silid. Na-miss ko ang penthouse na ito. Na-miss ko ang kuwarto namin na punong-puno ng mga alaala at mga sandaling puno ng pagmamahalan.Napaupo ako sa kama.“Sa wakas... nakabalik din ako,” bulong ko sa aking sarili habang hinahaplos ang malambot na comforter ng kama.Napatayo na ako matapos magmuni-muni at naisipan maligo para maalis ang lagkit ng katawan ko.Matapos kong maligo, nagpatuyo ako ng buhok gamit ang blower bago nagpalit ng isang maluwag at komportableng T-shirt at shorts. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Sana nga tuloy-tuloy na ito. Ayaw ko nang bumalik sa mga panahong

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 192

    EVORIE POVBiyahe na kami pabalik sa penthouse. Pagkatapos ng isang buwan na hindi kami nagkita, heto kami ngayon, magkadikit na tila ayaw nang muling maghiwalay.“Alistair...”“Hm? Yes, baby?” agad niyang sagot pagkalingon sa akin. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa palad ko. Kanina pa namamawis ang kamay ko kahit naka-aircon naman sa loob ng sasakyan. Ayaw niya itong bitawan, na para bang kapag binitiwan niya ako kahit saglit lang ay bigla na lang akong maglalaho na parang bula.“Pwede bang kabilang kamay ko naman ang hawakan mo?”Mahina siyang natawa at marahang binitawan ang kaliwa kong kamay. Ibibigay ko sana ang kanan ko, pero hindi na natuloy dahil ang palad niya ay dumiretso na sa kaliwa kong hita. Marahan niya iyong hinahaplos at paminsan-minsan ay pinipisil.“Gusto ko sanang umidlip habang nasa biyahe tayo,” saad ko sa mahinang tinig.“Pwede ka namang umidlip. Medyo matatagalan pa bago tayo makarating sa Sapphire Building dahil mabigat ang traffic sa unahan,” sagot niya, sak

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 191

    EVORIE EVENatigilan ako, napatili sa gulat at mabilis kong hinablot si Ginger para protektahan siya. Napalingon ako sa likod at laking gulat ko nang makitang ang tatlong lalaking nagdala sa amin rito ay tuluyang natamaan ng mga bala sa ulo at dibdib. Duguan silang bumagsak sa malamig na semento, at nawalan ng buhay.Mabilis kong ibinalik ang tingin kay Alistair. Inaasahan kong magpapanic siya pero nagulat ako nang makitang hindi man lang siya kumurap. Humakbang siya papalapit sa akin. Bago pa ako makapagsalita, sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ko habang ang kaniyang malalaking kamay ay nakapulupot sa akin.“Ligtas ka na, mahal ko. At hindi na ako papayag pa na malayo ka pa sa akin. Kayo ni Ginger,” pabulong na wika niya, dumiin ang kaniyang yakap na tila ba natatakot na maglaho ako na parang bula kapag binitawan niya ako.Mas napahigpit din ang yakap ko sa kaniya. Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang matipunong dibdib, ninana

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 190

    EVORIE EVE Nasa isang bakanteng lote kami sa labas ng maingay na lungsod. Tanging ilang abandonadong container, matataas na damo, at mga nakaparadang lumang sasakyan ang makikita sa paligid. Nakatayo kami ni Ginger sa gitna ng lugar habang nakabantay sa amin ang tatlong armadong tauhan ni Yshmael. Hinihintay nila ang pagdating ng asawa ko. At hinihintay ko ang pagkakataong tuluyan kaming makalaya ng kaawa-awa kong anak. Pagod na ako sa sitwasyon namin. Sino ba namang hindi mapapagod? Naiipit lang naman kami ng anak ko dahil sa agawan ng posisyon at kapangyarihan. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ng batang nasa tabi ko. “Mommy, darating kaya si Daddy Uncle para iligtas tayo?” tanong ng bata habang napapatingala sa akin. Isang matamis na ngiti ang ipinasilay ko para kahit paano ay maibsan ang takot at kaba niya. “Oo, darating siya. Hindi titigil ang Daddy Uncle mo hangga't hindi niya tayo nakukuha,” nakangiting sagot ko. “Kapag nakasama na natin si Daddy Uncle, puwede po bang Dad

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 088

    Evorie Eve “Sa pagsasama namin ni Rafael, hindi ko naman naranasan na pisikal niya akong sinaktan,” ani ko sa kaniya. Binalingan niya ako ng isang seryosong tingin habang nakatayo kami sa sulok ng kwarto. “Takot niya na lang. Dahil kung ginawa niya iyon sa iyo, hindi lang bugbog ang aabutin niya s

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 082

    Hindi ako maniniwala sa pagmamakaawa niya. He is a narcissist like Violet. Tingnan mo naman kung paano niya sisihin ang kapatid ko. Si Violet lamang ang kaniyang itinuturo samantalang dapat ay isama niya rin ang kaniyang sarili. What a fvcking narcissist. Nagmamakaawa siya sa akin

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 080

    Evorie Eve “Grabe naman ang mga singsing mo, babe. Sadyang nakakasilaw,” wika ni Brittany nang mapansin ang dalawang mamahaling alahas na nakasuot sa aking mga daliri. Pagkatapos ay marahan siyang sumimsim ng juice na gawa sa dragon fruit at lychee essence na in-order namin rito sa expensive juice

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 081

    Agad na hinanap ng aking paningin ang kasama kong mga bodyguard at nang makitang nasa gilid-gilid lamang sila, tahimik na nagbabantay, ay bahagyang nabawasan ang kaba ko. “Sa hitsura niya parang gusto ka niyang kausapin,” wika ni Brittany habang nakatutok pa rin ang kaniyang pani

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status