Share

Chapter 003

Author: Michellara
last update publish date: 2026-04-02 11:26:52

Violet's Wedding Day...

Mahigpit ang hawak ko sa manibela ng isang lumang Toyota sedan habang matalim ang tingin ko sa unahan. Dalawang oras na lamang at ikakasal na sina Violet at Alistair. Ang kotseng ito ay hindi nakarehistro sa pangalan ko, isang mahalagang detalye para sa aking plano.

Naroon sa unahan ang kapatid ko, kasama ang aming ina sa labas ng aming ancestral house. Nakasuot siya ng isang mamahaling wedding dress, handa nang tumungo sa Grand Astoria Hotel kung saan gaganapin ang kaniyang marangyang kasal sa rooftop.

Marahan kong inilibot ang aking paningin at hinanap ng aking mga mata si Rafael. Hindi nagtagal ay nakita ko siya sa hindi kalayuan, kausap ang aking ama habang ang kanyang mga mata ay hindi maalis kay Violet. Ang paraan ng pagtingin niya sa kapatid ko ay punong-puno ng pagsamba, mga tinging kailanman ay hindi niya ibinigay sa akin bilang kanyang asawa.

Alam kong napag-usapan na nilang dalawa ang lahat. Ang pagtatago ng kanilang relasyon sa mata ng publiko habang si Violet ay magiging asawa na ng isang Vanderbilt. Gagamitin nila ang kayamanan ni Alistair para mas lalo pang palakasin ang impluwensiya ni Rafael sa mundo ng negosyo. They are planning to build an empire on top of my broken heart.

Kaya nararapat lang na hindi matuloy ang kasal na ito. Sisirain ko ang pundasyon ng kanilang mga pangarap bago pa man sila makapagsimula.

Mas humigpit ang kapit ko sa manibela. Dahan-dahan kong inayos ang posisyon ko sa upuan saka ipinihit ang susi upang paandarin ang makina.

Hindi ko inaalis ang tingin kay Violet. Tinitigan ko siya nang may intensyon at may nakamamatay na lamig mula sa loob ng tinted na bintana.

Mabagal kong inapakan ang silinyador at pinapakiramdaman ang bawat galaw ng sasakyan habang unti-unti itong umuusad patungo sa kinaroroonan niya. Humigpit ang panga ko at bahagya kong kinagat ang aking ibabang labi. Sa isang malalim na paghinga, tuluyan kong idiniin ang aking paa sa accelerator.

Biglang umarangkada ang sasakyan nang mabilis at walang alinlangan, direkta kong itinutok ang takbo nito sa direksyon niya.

Nanlaki ang aking mga mata nang mapansin ko si Rafael. Mabilis siyang kumilos at isinigaw ang pangalan ni Violet habang walang pag-aatubiling tumakbo upang iligtas ang kanyang kabit, pero huli na siya.

Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang tuluyan kong mabangga si Violet.

Mabilis kong inapakan ang preno. Wala naman akong balak na patayin ang kapatid ko dahil masyadong madali iyon. Gusto ko siyang maghirap, katulad ng pagpapahirap na ipinadama niya sa akin. Ang plano ko lang ay gumawa ng paraan para hindi siya makadalo sa kasal nila ni Alistair at masira ang perpektong imaheng pilit niyang binuo.

Bakas ang matinding galit at takot sa mukha ni Rafael nang lapitan niya si Violet. Nakahandusay ito sa semento kaya kaagad niya itong binuhat nang may pag-iingat. May dugo sa noo ni Violet at napaigik siya sa sakit habang hawak ang kanyang paa na tila na-dislocate.

Bakas ang labis na pag-aalala ng lahat sa kanya, lalo na ang aming mga magulang na tila ba gumuho ang mundo dahil sa nangyari sa kanilang paboritong anak.

Labis man akong nilukob ng kaba ay gumuhit pa rin ang isang mapait na ngisi sa aking mga labi. Kung tutuusin, wala pa iyon sa sakit na ipinadama nila sa akin sa loob ng maraming taon.

“Pasalamat ka at hindi ko itinuloy na tapusin ang buhay mo ngayon,” bulong ko sa hangin bago mabilis na inatras ang kotse upang tumakas sa eksena.

“Hoy! Saan ka pupunta?!” hiyaw ni Dad habang sinusubukang habulin ang kotse, pero mabilis akong nakalayo. Hindi ako magpapahuli sa kanila dahil kailangan ko pang tapusin ang susunod na yugto ng aking paghihiganti.

Lumiko ako sa isang eskinita at pinaandar ang kotse palayo. Kailangan ko na ring ibalik ang kotseng ito kay Benj bago pa may makakita sa akin.

Pagparada ko sa talyer na pagmamay-are ni Benj, agad akong lumabas at tumungo sa sarili kong kotse kung saan naghihintay si Brittany.

“Na-send mo na ba lahat?” bungad niya sa akin. Napangiti ako.

“Na-send ko na sa lola niya,” sagot ko.

“Good job, babe. Kailangan mo nang umalis, Alistair is waiting for his bride, who is never going to show up,” ani niya, at siya na mismo ang nagbukas ng pintuan ng aking kotse.

“Nariyan na ang lahat ng gamit na inimpake mo. Good luck sa panibagong yugto ng buhay mo,” nakangiti niyang saad bago niya isinara ang pinto ng kotse pagkapasok ko.

---

At the Grand Astoria Hotel (west wing Sapphire Crown Estate & Condominiums)

“Nasa Grand Astoria Hotel na ako for our wedding anniversary date, Rafael. Kailan ka darating?” malumanay na tanong ko kay Rafael habang kausap ko siya sa phone.

“Evorie, hindi ako makakarating. Narito ako sa hospital kasama si Violet. May bumunggo sa kanya. Masama ang kanyang kalagayan at kailangan niya ng kasama,” sagot niya. Dama ko ang labis na pag-aalala sa kanyang tinig.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko.

Expected ko na ito, na pipiliin niya ang babaeng iyon, pero bakit nasasaktan pa rin ako.

“Nariyan naman si Mom at Dad. Sila muna ang magbantay sa kanya. Kahit isang oras lang na magkasama tayo para sa fifth wedding anniversary natin ay ayos na sa akin iyon.”

“Please, Rafael, pumunta ka na rito. This is our fifth wedding anniversary. Sa limang taon na kasal tayo, hindi ka man lang dumalo ni isa sa wedding anniversary date natin. Kahit ngayon lang, pagbigyan mo ako,” pakiusap ko sa kanya, halos magmakaawa na ang tinig ko.

“Ano ka ba, Evorie. Napaka-selfish mo naman. Mas gusto mo pang unahin ang walang kwentang wedding anniversary date na iyan. Alam mo naman na masama ang kalagayan ni Violet. Iyong anniversary date natin, puwede naman iyang gawin bukas o sa ibang araw. Violet needs someone to accompany her here at the hospital,” aniya sa akin, hindi iniintindi ang pait at sakit ng sinabi niya.

Walang kwenta...

Walang kwenta para sa kanya ang wedding anniversary date namin dahil hindi niya naman ako itinuring na tunay na asawa.

“Ganun ba. O sige, hindi kita pipilitin na dumalo. Pero ito na ang huling beses na magmamakaawa ako sa’yo. Hindi na ito masusundan pa kahit kailan,” saad ko sa malamig na tono.

“Tch... tumigil ka na sa kaartehang ito. Ibaba ko na. Violet needs me,” aniya, bakas ang pagkairita sa kanyang boses.

“If you won’t come and see me to accompany me in celebrating our wedding anniversary, I will send the divorce papers to your office tomorrow,” tuloy ko. Napabuga niya ng hangin, halata ang pagkainip at inis sa akin.

“Rafael, baby. Help me. Kumikirot ang paa ko,” ani Violet. Rinig ko ang malambing niyang boses sa kabilang linya nang tawagin niya si Rafael.

“Ibaba ko na. My priority right now is Violet. I-enjoy mo na lang mag-isa ang wedding anniversary date na iyan. At isa pa, i-send mo ang divorce papers na sinasabi mo—kahit ilang copy pa... kung kaya mo na i-send sa akin iyon,” hamon niya na may labis na kumpiyansa sa sarili, na para bang sigurado siyang hindi ko iyon kayang gawin.

He cut off the call, kaya marahan kong ibinaba ang phone ko habang kanina pa nakatanaw sa gwapong lalaki sa may unahan. Si Alistair. Bakas ang labis na pagka-inip niya sa kanyang kinatatayuan habang may hawak na itim na baston.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Pickles
good chapter continue
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 195

    “Daddy, puwede po ba kaming pumunta sa penthouse mo? I want to see your big TV,” muling hiling ni Piper habang lumilingon sa akin.“Hindi puwede, Piper. May mga kailangan akong asikasuhin sa penthouse ngayon. Mas mabuting ihatid ko na lang kayo sa inyo,” direkta kong tanggi.Bago pa makapagsalita ang bata ay sumingit na si Hannah. Malumanay ang tono niya, ngunit may halong panunumbat.“Minsan na nga lang mag-request si Piper na pumunta sa penthouse mo, tatanggihan mo pa, Ydrael? Bata lang siya. Hinahanap-hanap ka lang naman niya.”Napakuyom muli ang mga kamao ko. Ramdam ko ang ginagawa niyang pangongonsensya. Sa pag-aakala kasi ni Hannah, wala na akong ibang kasama sa penthouse dahil sa balitang patay na si Evorie. Hindi pa alam ng publiko na ligtas na ang asawa ko, at wala ring balak si Hannah na palampasin ang pagkakataong ito. Nakikita ko sa mga kilos niya ang intensyong muling pumapel sa buhay ko at subukang ibalik ang kung anong meron kami noon, dahil sa isip niya, bakante na mul

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 194

    YDRAEL ALISTAIR“Daddy!”Isang matinis na tinig ang nagpahinto sa paglalakad ko, dahilan para mapatigil din ang mga pulis na kasalukuyang umaakay kina Yshmael, Art, at Graciano.Napalingon ako sa isang batang babae na patakbong lumalapit sa kinaroroonan ko habang nakangiting sumusunod ang kaniyang ina mula sa likuran. Si Piper. Mabilis siyang yumakap sa binti ko habang bakas ang labis na tuwa sa kaniyang mukha.Naibaling ko ang tingin kay Yshmael. Nakaposas ang mga kamay niya sa likuran habang hawak ng dalawang pulis. Nakatingin siya sa amin. Bahagyang matalim ang kaniyang titig at mahigpit na nakatikom ang kaniyang panga. Ngunit kahit dama ko ang nag-aalab na galit sa reaksyon ng mukha niya, napansin ko ang mabilis na pagdaan ng matinding sakit sa kaniyang mga mata. Ang nag-iisa niyang anak ay hindi man lang siya tinapunan ng kahit isang sulyap. Hindi siya kilala ng sarili niyang dugo. Sa mata ni Piper, ako ang ama, at siya naman ay isang estranghero lamang.“Hi, Ydrael. Kumusta? Mab

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 193

    Ayaw pa ngang umalis ng loko dahil panay pa rin ang lingon sa akin habang dahan-dahang naglalakad patungo sa hagdan. Halatang nangongonsensya sa ekspresyon ng mukha niya. Natawa na lang ako sa reaksiyon niya. Nang tuluyan na siyang makababa ng hagdan, doon ko lang pinakawalan ang isang malalim na buntong-hininga.Tumungo ako sa kuwarto namin. Pagkapasok ko, nanatili akong nakatayo sa gitna ng malawak na silid. Na-miss ko ang penthouse na ito. Na-miss ko ang kuwarto namin na punong-puno ng mga alaala at mga sandaling puno ng pagmamahalan.Napaupo ako sa kama.“Sa wakas... nakabalik din ako,” bulong ko sa aking sarili habang hinahaplos ang malambot na comforter ng kama.Napatayo na ako matapos magmuni-muni at naisipan maligo para maalis ang lagkit ng katawan ko.Matapos kong maligo, nagpatuyo ako ng buhok gamit ang blower bago nagpalit ng isang maluwag at komportableng T-shirt at shorts. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Sana nga tuloy-tuloy na ito. Ayaw ko nang bumalik sa mga panahong

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 192

    EVORIE POVBiyahe na kami pabalik sa penthouse. Pagkatapos ng isang buwan na hindi kami nagkita, heto kami ngayon, magkadikit na tila ayaw nang muling maghiwalay.“Alistair...”“Hm? Yes, baby?” agad niyang sagot pagkalingon sa akin. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa palad ko. Kanina pa namamawis ang kamay ko kahit naka-aircon naman sa loob ng sasakyan. Ayaw niya itong bitawan, na para bang kapag binitiwan niya ako kahit saglit lang ay bigla na lang akong maglalaho na parang bula.“Pwede bang kabilang kamay ko naman ang hawakan mo?”Mahina siyang natawa at marahang binitawan ang kaliwa kong kamay. Ibibigay ko sana ang kanan ko, pero hindi na natuloy dahil ang palad niya ay dumiretso na sa kaliwa kong hita. Marahan niya iyong hinahaplos at paminsan-minsan ay pinipisil.“Gusto ko sanang umidlip habang nasa biyahe tayo,” saad ko sa mahinang tinig.“Pwede ka namang umidlip. Medyo matatagalan pa bago tayo makarating sa Sapphire Building dahil mabigat ang traffic sa unahan,” sagot niya, sak

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 191

    EVORIE EVENatigilan ako, napatili sa gulat at mabilis kong hinablot si Ginger para protektahan siya. Napalingon ako sa likod at laking gulat ko nang makitang ang tatlong lalaking nagdala sa amin rito ay tuluyang natamaan ng mga bala sa ulo at dibdib. Duguan silang bumagsak sa malamig na semento, at nawalan ng buhay.Mabilis kong ibinalik ang tingin kay Alistair. Inaasahan kong magpapanic siya pero nagulat ako nang makitang hindi man lang siya kumurap. Humakbang siya papalapit sa akin. Bago pa ako makapagsalita, sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ko habang ang kaniyang malalaking kamay ay nakapulupot sa akin.“Ligtas ka na, mahal ko. At hindi na ako papayag pa na malayo ka pa sa akin. Kayo ni Ginger,” pabulong na wika niya, dumiin ang kaniyang yakap na tila ba natatakot na maglaho ako na parang bula kapag binitawan niya ako.Mas napahigpit din ang yakap ko sa kaniya. Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang matipunong dibdib, ninana

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 190

    EVORIE EVE Nasa isang bakanteng lote kami sa labas ng maingay na lungsod. Tanging ilang abandonadong container, matataas na damo, at mga nakaparadang lumang sasakyan ang makikita sa paligid. Nakatayo kami ni Ginger sa gitna ng lugar habang nakabantay sa amin ang tatlong armadong tauhan ni Yshmael. Hinihintay nila ang pagdating ng asawa ko. At hinihintay ko ang pagkakataong tuluyan kaming makalaya ng kaawa-awa kong anak. Pagod na ako sa sitwasyon namin. Sino ba namang hindi mapapagod? Naiipit lang naman kami ng anak ko dahil sa agawan ng posisyon at kapangyarihan. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ng batang nasa tabi ko. “Mommy, darating kaya si Daddy Uncle para iligtas tayo?” tanong ng bata habang napapatingala sa akin. Isang matamis na ngiti ang ipinasilay ko para kahit paano ay maibsan ang takot at kaba niya. “Oo, darating siya. Hindi titigil ang Daddy Uncle mo hangga't hindi niya tayo nakukuha,” nakangiting sagot ko. “Kapag nakasama na natin si Daddy Uncle, puwede po bang Dad

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 080

    Evorie Eve “Grabe naman ang mga singsing mo, babe. Sadyang nakakasilaw,” wika ni Brittany nang mapansin ang dalawang mamahaling alahas na nakasuot sa aking mga daliri. Pagkatapos ay marahan siyang sumimsim ng juice na gawa sa dragon fruit at lychee essence na in-order namin rito sa expensive juice

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 078

    Evorie EvePagdating namin sa tapat ng powder room, rinig na rinig ang malalakas na sigawan mula sa loob. Nang buksan ng mga bodyguard ang pinto, tumambad sa amin ang isang eksenang hindi ko inasahan.Si Hanna, na laging prim and proper, ay nakasampa kay Violet na nakahiga na sa

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 077

    Violet“Palpak ang ginawa mo, Violet,” may diin na saad ni Hanna sa akin nang maabutan niya ako sa powder room na tahimik na nagreretouch. Isang matalim na tingin naman ang itinapon ko sa kaniya habang nakatutok ang mga mata ko sa salamin. Hindi ko mapigilan ang gilid ng aking labi na umangat dahi

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 075

    Evorie Eve Hindi mapigilan ni Rita ang mapahilot sa kanyang braso na nagkaroon na ng mapulang latay dahil sa higpit ng pagkakahawak kanina ng kanyang asawa. Kasabay nito ay ang marahang paghimas niya sa sariling pisngi na tila humahapdi pa rin dahil sa sampal na iginawad ni Constantine sa kanya. “

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status