LOGINViolet and Rafael had history. They had a sweet relationship since we were in college. Violet was my husband’s first love, and apparently, his only love.
Hindi lamang natuloy ang kanilang kasal noon dahil mas pinili niyang tanggapin ang alok ni Chairman Constantine—na para sana sa akin—na mag-aral sa Paris. Limang taon. Limang taon akong naghintay at nagtiis para lamang makuha ang puso ni Rafael. Ibinigay ko ang lahat para sa kanya. Tiniis ko ang hirap ng IVF process para bigyan siya ng anak, sa pag-aakalang matututunan niya rin akong mahalin. Pero hindi. Mas lalo lamang niyang minahal si Violet, at sa akin naman ay mas lalo siyang lumayo, itinuring akong isang hamak na babaeng ipinalit lamang pansamantala sa first love niyang hindi siya sinipot sa mismong kasal nila. Napatayo si Violet, ang mukha niya ay lumambot habang nilalapitan ako upang kausapin sa mahinahon na paraan. “My dear sister, kung iniisip mo na nagkabalikan kami ni Rafael, nagkakamali ka. Stop making up stories in your head. Alam mo naman na may fiancé ako at bukas na ang kasal namin ni Alistair. Hindi ko magagawang makipagrelasyon sa lalaking kasal na sa sarili kong kapatid. Rafael is just helping me, unlike you who only knows how to complain,” may lambing na lintanya ni Violet sa akin. Sa malambing niyang pagkakasabi, na sinamahan pa ng kanyang maamong mukha, kung ibang tao ang makakarinig ay agad na maniniwala sa kanya. Pero alam ko na ang lahat ay isang hamak na akto lamang upang manipulahin ako. Matagal ko nang alam na palihim silang nagkikita ng asawa ko. Na sa tuwing sinasabi ni Rafael na nasa business meeting siya, nasa bisig siya ni Violet, ninanamnam ang tamis ng kanilang bawal na ugnayan. “Totoo ang sinasabi ng kapatid mo. Kaya tumigil ka na sa mga pinagsasabi mo at sa pagiging paranoid mo. Let’s not talk about this nonsense anymore, lalo na ang divorce na sinasabi mo. It’s embarrassing. Pagod ako sa trabaho at gusto kong magpahinga, tapos sisimulan mo ang gabi ko ng walang kwentang usapin. You are such a burden to this family, Evorie,” asik ni Rafael, nananatiling matalim ang bawat salitang ibinabato sa akin habang inaayos ang kwelyo ng kanyang white long-sleeved shirt. Sinungaling. Pareho silang mga sinungaling na nararapat lamang sa isa’t isa. Matagal na akong nagbulag-bulagan, pero ngayon... hindi ko na kaya ang ganitong siklo ng pang-aabuso nila sa akin. Noong isang linggo ay nakatanggap ako ng mga litrato na magkasama silang dalawa sa isang high-end beach resort sa Amanpulo. May mga litratong masaya silang magkaholding hands. May mga litratong magkayakap sila, at mayroon pang naghahalikan silang dalawa habang nakasuot ng bathrobe at nakatanaw sa sunset. At noong nakaraang isang araw, I received a video that completely shattered me, not just into pieces, but something beyond repair. Halos magdamag akong umiyak sa napanood kong explicit video nilang dalawa. At ayaw ko na. Hindi ko na mapapalampas pa ang lahat ng kataksilan nila sa akin. Tapos na ang panahon ng aking pananahimik at pagiging martir. Kung gusto nila ng gulo, ibibigay ko sa kanila ang isang impyernong hinding-hindi nila malilimutan. I will take everything from them... slowly, painfully, and completely. “Maghanda ka na lang para sa wedding anniversary date natin bukas. Alam kong excited ka naman doon. Iyon na lang ang pagtuunan mo ng pansin kaysa magsalita ng mga walang kwentang bagay,” malamig na anunsiyo ni Rafael bago niya ako tuluyang talikuran at lapitan si Ginger, saka inaya ang bata na umakyat na. Agad namang kumapit ang bata sa kanyang daddy, at tuluyan siyang kinarga ni Rafael patungo sa ikalawang palapag ng mansiyon. Ilang beses niya na ba akong sinabihan na mag-focus na lamang sa paghahanda para sa aming wedding anniversary? He makes it sound like a reward for my silence, pero sa huli, hindi naman siya sumisipot. Sa lahat ng mahahalagang event ng buhay ko, hindi siya dumadalo. Mag-isa akong nagce-celebrate ng aming anibersaryo at ng aking kaarawan habang siya ay nagpapakasasa sa saya sa piling ni Violet. Nang tuluyang kami na lamang ang naiwan sa sala ni Violet, ang maamong niyang mukha ay biglang naglaho. Napalitan iyon ng isang ekspresyon ng purong pagkasuklam. Napahalukipkip siya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa, na para bang isa akong hamak na dumi na nakadikit sa kanyang mamahaling sapatos. “The audacity of you to announce a divorce, Evorie. Tell me... ano bang mapapala mo kapag naghiwalay kayo ni Rafael? You’ll end up with nothing but your bruised ego and a name that carries no weight,” taas-kilay na panimula niya, ang bawat salita ay tila lason na dahan-dahang dumadaloy sa aking sistema habang siya ay humahakbang palapit sa akin. Hinarap niya ako nang walang bahid ng takot sa kanyang mga mata. Sa halip, isang mapanuyang ngiti ang ipinakita niya, isang ngiting nagsasabing siya ang tunay na reyna sa pamamahay na ito. “You are so desperate, it’s actually sickening. Do you really think Rafael will look at you just because you’re acting out? Wake up, Evorie. Hindi ka niya kailanman mamahalin dahil sa paningin niya, you’re just a warm body filling a space that belongs to me,” aniya sa isang mapang-uyam na tono, sabay duro sa aking dibdib gamit ang kanyang mahahabang kuko. “Kaawa-awa ka. Kung inaakala mong matatakot mo si Rafael sa salitang diborsyo, gumising ka sa iyong kahibangan dahil he won’t care if you leave or stay. He only needs you to keep the appearances clean. At magpasalamat ka naman sa akin, kung hindi ako umalis sa araw ng kasal namin noon, you’d still be that invisible girl crying in the corner.” “You owe me your lifestyle, your house, and even that ring on your finger. Kaya kung gusto mong manatili sa mansiyong ito, play your role as the blind wife and keep your mouth shut,” may bigat na sabi niya bago niya ako itinulak nang malakas, dahilan upang mapaatras ako. “Maghugas ka na lang ng pinggan para naman mabawasan ang mga ilusyon mo at nang maging kapaki-pakinabang ka naman dito sa bahay,” dagdag pa niya sa isang maarteng tinig bago ako tuluyang iniwan sa gitna ng sala. Muling napahigpit ang pagkakatikom ng aking kamao hanggang sa mabaon ang aking mga kuko sa aking palad. Hindi ko na titiisin pa ang sakit na ito. For five years of being a doormat is more than enough. I’m done being the shadow of the woman he truly wants. Inilabas ko ang cellphone ko. Bukas na ang lihim na kasal nina Violet at Alistair Vanderbilt, at hindi ako papayag na matuloy ang kanilang pag-iisang dibdib. ‘Kung magdudusa man ako sa lusak, sinisiguro kong kasama ko silang babagsak.’ “Hello, Brittany. Can you send me all of Rafael and Violet’s intimate videos? I need them ASAP. May panggagamitan lang ako,” ani ko sa kaibigan ko sa kabilang linya. “Okay. I will send all of them. Good luck to them,” may paghalikhik na sagot niya sa kabilang linya.“Daddy, puwede po ba kaming pumunta sa penthouse mo? I want to see your big TV,” muling hiling ni Piper habang lumilingon sa akin.“Hindi puwede, Piper. May mga kailangan akong asikasuhin sa penthouse ngayon. Mas mabuting ihatid ko na lang kayo sa inyo,” direkta kong tanggi.Bago pa makapagsalita ang bata ay sumingit na si Hannah. Malumanay ang tono niya, ngunit may halong panunumbat.“Minsan na nga lang mag-request si Piper na pumunta sa penthouse mo, tatanggihan mo pa, Ydrael? Bata lang siya. Hinahanap-hanap ka lang naman niya.”Napakuyom muli ang mga kamao ko. Ramdam ko ang ginagawa niyang pangongonsensya. Sa pag-aakala kasi ni Hannah, wala na akong ibang kasama sa penthouse dahil sa balitang patay na si Evorie. Hindi pa alam ng publiko na ligtas na ang asawa ko, at wala ring balak si Hannah na palampasin ang pagkakataong ito. Nakikita ko sa mga kilos niya ang intensyong muling pumapel sa buhay ko at subukang ibalik ang kung anong meron kami noon, dahil sa isip niya, bakante na mul
YDRAEL ALISTAIR“Daddy!”Isang matinis na tinig ang nagpahinto sa paglalakad ko, dahilan para mapatigil din ang mga pulis na kasalukuyang umaakay kina Yshmael, Art, at Graciano.Napalingon ako sa isang batang babae na patakbong lumalapit sa kinaroroonan ko habang nakangiting sumusunod ang kaniyang ina mula sa likuran. Si Piper. Mabilis siyang yumakap sa binti ko habang bakas ang labis na tuwa sa kaniyang mukha.Naibaling ko ang tingin kay Yshmael. Nakaposas ang mga kamay niya sa likuran habang hawak ng dalawang pulis. Nakatingin siya sa amin. Bahagyang matalim ang kaniyang titig at mahigpit na nakatikom ang kaniyang panga. Ngunit kahit dama ko ang nag-aalab na galit sa reaksyon ng mukha niya, napansin ko ang mabilis na pagdaan ng matinding sakit sa kaniyang mga mata. Ang nag-iisa niyang anak ay hindi man lang siya tinapunan ng kahit isang sulyap. Hindi siya kilala ng sarili niyang dugo. Sa mata ni Piper, ako ang ama, at siya naman ay isang estranghero lamang.“Hi, Ydrael. Kumusta? Mab
Ayaw pa ngang umalis ng loko dahil panay pa rin ang lingon sa akin habang dahan-dahang naglalakad patungo sa hagdan. Halatang nangongonsensya sa ekspresyon ng mukha niya. Natawa na lang ako sa reaksiyon niya. Nang tuluyan na siyang makababa ng hagdan, doon ko lang pinakawalan ang isang malalim na buntong-hininga.Tumungo ako sa kuwarto namin. Pagkapasok ko, nanatili akong nakatayo sa gitna ng malawak na silid. Na-miss ko ang penthouse na ito. Na-miss ko ang kuwarto namin na punong-puno ng mga alaala at mga sandaling puno ng pagmamahalan.Napaupo ako sa kama.“Sa wakas... nakabalik din ako,” bulong ko sa aking sarili habang hinahaplos ang malambot na comforter ng kama.Napatayo na ako matapos magmuni-muni at naisipan maligo para maalis ang lagkit ng katawan ko.Matapos kong maligo, nagpatuyo ako ng buhok gamit ang blower bago nagpalit ng isang maluwag at komportableng T-shirt at shorts. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Sana nga tuloy-tuloy na ito. Ayaw ko nang bumalik sa mga panahong
EVORIE POVBiyahe na kami pabalik sa penthouse. Pagkatapos ng isang buwan na hindi kami nagkita, heto kami ngayon, magkadikit na tila ayaw nang muling maghiwalay.“Alistair...”“Hm? Yes, baby?” agad niyang sagot pagkalingon sa akin. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa palad ko. Kanina pa namamawis ang kamay ko kahit naka-aircon naman sa loob ng sasakyan. Ayaw niya itong bitawan, na para bang kapag binitiwan niya ako kahit saglit lang ay bigla na lang akong maglalaho na parang bula.“Pwede bang kabilang kamay ko naman ang hawakan mo?”Mahina siyang natawa at marahang binitawan ang kaliwa kong kamay. Ibibigay ko sana ang kanan ko, pero hindi na natuloy dahil ang palad niya ay dumiretso na sa kaliwa kong hita. Marahan niya iyong hinahaplos at paminsan-minsan ay pinipisil.“Gusto ko sanang umidlip habang nasa biyahe tayo,” saad ko sa mahinang tinig.“Pwede ka namang umidlip. Medyo matatagalan pa bago tayo makarating sa Sapphire Building dahil mabigat ang traffic sa unahan,” sagot niya, sak
EVORIE EVENatigilan ako, napatili sa gulat at mabilis kong hinablot si Ginger para protektahan siya. Napalingon ako sa likod at laking gulat ko nang makitang ang tatlong lalaking nagdala sa amin rito ay tuluyang natamaan ng mga bala sa ulo at dibdib. Duguan silang bumagsak sa malamig na semento, at nawalan ng buhay.Mabilis kong ibinalik ang tingin kay Alistair. Inaasahan kong magpapanic siya pero nagulat ako nang makitang hindi man lang siya kumurap. Humakbang siya papalapit sa akin. Bago pa ako makapagsalita, sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ko habang ang kaniyang malalaking kamay ay nakapulupot sa akin.“Ligtas ka na, mahal ko. At hindi na ako papayag pa na malayo ka pa sa akin. Kayo ni Ginger,” pabulong na wika niya, dumiin ang kaniyang yakap na tila ba natatakot na maglaho ako na parang bula kapag binitawan niya ako.Mas napahigpit din ang yakap ko sa kaniya. Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang matipunong dibdib, ninana
EVORIE EVE Nasa isang bakanteng lote kami sa labas ng maingay na lungsod. Tanging ilang abandonadong container, matataas na damo, at mga nakaparadang lumang sasakyan ang makikita sa paligid. Nakatayo kami ni Ginger sa gitna ng lugar habang nakabantay sa amin ang tatlong armadong tauhan ni Yshmael. Hinihintay nila ang pagdating ng asawa ko. At hinihintay ko ang pagkakataong tuluyan kaming makalaya ng kaawa-awa kong anak. Pagod na ako sa sitwasyon namin. Sino ba namang hindi mapapagod? Naiipit lang naman kami ng anak ko dahil sa agawan ng posisyon at kapangyarihan. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ng batang nasa tabi ko. “Mommy, darating kaya si Daddy Uncle para iligtas tayo?” tanong ng bata habang napapatingala sa akin. Isang matamis na ngiti ang ipinasilay ko para kahit paano ay maibsan ang takot at kaba niya. “Oo, darating siya. Hindi titigil ang Daddy Uncle mo hangga't hindi niya tayo nakukuha,” nakangiting sagot ko. “Kapag nakasama na natin si Daddy Uncle, puwede po bang Dad
Hindi ako maniniwala sa pagmamakaawa niya. He is a narcissist like Violet. Tingnan mo naman kung paano niya sisihin ang kapatid ko. Si Violet lamang ang kaniyang itinuturo samantalang dapat ay isama niya rin ang kaniyang sarili. What a fvcking narcissist. Nagmamakaawa siya sa akin
Agad na hinanap ng aking paningin ang kasama kong mga bodyguard at nang makitang nasa gilid-gilid lamang sila, tahimik na nagbabantay, ay bahagyang nabawasan ang kaba ko. “Sa hitsura niya parang gusto ka niyang kausapin,” wika ni Brittany habang nakatutok pa rin ang kaniyang pani
Evorie Eve “Grabe naman ang mga singsing mo, babe. Sadyang nakakasilaw,” wika ni Brittany nang mapansin ang dalawang mamahaling alahas na nakasuot sa aking mga daliri. Pagkatapos ay marahan siyang sumimsim ng juice na gawa sa dragon fruit at lychee essence na in-order namin rito sa expensive juice
Evorie EvePagdating namin sa tapat ng powder room, rinig na rinig ang malalakas na sigawan mula sa loob. Nang buksan ng mga bodyguard ang pinto, tumambad sa amin ang isang eksenang hindi ko inasahan.Si Hanna, na laging prim and proper, ay nakasampa kay Violet na nakahiga na sa




![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


