Share

Chapter 186

Author: Michellara
last update publish date: 2026-06-29 00:05:59

Pumasok ang isang tauhan, bitbit sa kaniyang mga bisig si Evorie na wala pa ring malay, habang karga naman ng isa pang lalaki ang umiiyak na si Ginger. Nang makita ni Violet ang mukha ni Evorie, lalo pang nag-init ang kaniyang dugo. Akma na niyang susugurin at sasaktan ang walang kalaban-labang babae nang mabilis siyang harangan at hawakan sa magkabilang braso ng mga tauhan ni Yshmael.

“Bitawan ninyo ako! Papatayin ko ang babaeng 'yan!” hiyaw ni Violet, nanginginig sa inis ang kanyan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 186

    Pumasok ang isang tauhan, bitbit sa kaniyang mga bisig si Evorie na wala pa ring malay, habang karga naman ng isa pang lalaki ang umiiyak na si Ginger. Nang makita ni Violet ang mukha ni Evorie, lalo pang nag-init ang kaniyang dugo. Akma na niyang susugurin at sasaktan ang walang kalaban-labang babae nang mabilis siyang harangan at hawakan sa magkabilang braso ng mga tauhan ni Yshmael.“Bitawan ninyo ako! Papatayin ko ang babaeng 'yan!” hiyaw ni Violet, nanginginig sa inis ang kanyang katawan.“Hindi mo 'yan puwedeng galawin o saktan, Violet!” seryoso at malamig na saway ni Yshmael. Lumapit siya at hinarap ang babae. “Pera ang habol mo, 'di ba? Kaya huwag mong tatangkain na saktan si Evorie. Kailangan malinis at maayos siya bago natin ipadala ang mga litrato kay Uncle Ydrael. Kailangan natin si Evorie para pilitin siyang bumaba sa puwesto niya bilang CEO at Chairman ng dalawang malalaking kumpanyang hawak niya.”Napatigil si Violet. Unti-unting humupa ang

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 185

    Habang unti-unting bumabagal ang takbo ng itim na SUV ni Rafael papalapit sa tollgate palabas ng Metropolis, agad na napasingkit ang kaniyang mga mata. May kakaiba sa senaryo. Hindi ordinaryo ang dagsa ng mga armadong lalaki na nakapuwesto sa gilid ng kalsada, at bawat sasakyang dumaraan ay isa-isang maingat na sinusuri ng mga ito.Mabilis na kinabig ni Rafael ang manibela para umatras at humanap ng ibang malulusutan, pero huli na ang lahat. Sa isang iglap, dalawang magkasunod na sasakyan ang humarurot at marahas na humarang sa mismong likuran ng kaniyang kotse. Doon nagsimulang gumapang ang matinding kaba sa kaniyang dibdib.Mabilis na nagsibabaan ang mga tauhang binayaran ni Yshmael. Galit at marahas nilang pinalibutan ang kaniyang SUV, habang paulit-ulit na pinupukpok ng isang tauhan ang salamin ng bintana gamit ang dulo ng baril nito upang pilitin siyang lumabas. Wala nang nagawa si Rafael kundi buksan ang pinto, pero pagkatapak pa lamang ng kaniyang paa sa sem

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 184

    Mas lalong dumiin ang pagkakabaon ng mga kuko ni Yshmael sa kaniyang palad. Nagdidilim ang kaniyang paningin sa ginawa ng kaniyang kapatid. Malaki na nga ang problemang kinakaharap nila, pero mas pinili pa nito ang sariling damdamin kaysa tulungan siyang mapasakamay ang malaking kumpanya ng mga Vanderbilt.“Bwisit na Rafael! Hindi siya nag-iisip!” hindi mapigilang hiyaw ni Yshmael sa galit.Halos sumabog na sa sobrang pagkainis ang isip ni Yshmael. Hindi siya makapaniwalang hindi itinatak ng kaniyang kapatid sa kukote nito ang sinabi niya noon—na mas mabuting mapabagsak muna nila ang kanilang tiyuhin. Dahil kapag wala na ito sa puwesto at putol na ang mga koneksyon nito, puwede nang gawin ni Rafael ang gusto niya. Kung gusto nitong maangkin muli si Evorie, magagawa na nito iyon nang malaya dahil wala nang kapangyarihan ang kanilang tiyuhin para labanan sila. Pero napakabòbo ng kapatid niya. Mas inuna pa nito ang katangahan kaysa sa konkreto niyang plano.

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 183

    THIRD PERSON POVMabilis na umakyat si Yshmael sa ikalawang palapag ng mansyon at tinungo ang kwarto ni Ginger. Pero pagkapagbukas niya ng pinto, tanging bakanteng kama at ilang nakakalat na laruan ang kaniyang naabutan. Wala roon ang bata, maging ang yaya nito ay hindi rin mahagilap sa loob ng silid.Kaagad na nagpatawag si Yshmael ng mga tauhan upang ipahanap ang kaniyang pamangkin sa buong mansyon. Kasunod niyon ay ang padabog na pag-akyat ni Violet, na ngayon ay nakabalabal na ng silk robe sa ibabaw ng kaniyang bikini, bakas ang matinding inis sa mukha.“Nawawala si Ginger! Wala siya sa kwarto niya at hindi rin siya makita sa buong mansyon!” bungad ni Yshmael, nagngangalit ang mga panga sa galit.Mabilis na pumasok sa isip ni Yshmael ang naganap na pagtakas ni Evorie.“Baka umalis na si Rafael kasama ang bata. Siya... siya mismo ang nagtago kay Evorie kagabi matapos itong makatakas sa poder ko!”Hindi agad naniwala si Violet.

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 182

    THIRD PERSON POV10:30 A.M.Huminto ang kotse ni Rafael sa isang kubling bahagi ng lumang warehouse, ilang metro lang ang layo mula sa safehouse kung saan niya pansamantalang itinago si Evorie. Pagkaparada ng sasakyan, mabilis niyang binuhat ang anak pababa at agad na lumapit sa pinto kung saan naghihintay ang kaniyang dating asawa.Nang bumukas ang pinto, tila napawi ang lahat ng pagod sa mukha ni Evorie nang makita ang maliit na bata.“Mommy Evie!” umiiyak na sigaw ni Ginger.Agad na ibinaba ni Rafael ang bata kaya patakbo itong lumapit sa ina at isinubsob ang mukha sa hita nito.Nang kumalas ang bata sa pagkakayakap, napa-squat si Evorie sa harap nito. “Ginger... anak. Kumusta?” naiiyak na bulong ni Evorie.Napaiyak ang bata at muli itong yumakap sa ina.“Mommyyy... akala ko patay ka na,” humahagulgol nitong sabi kaya mahigpit siyang niyakap ni Evorie.“Buhay ako. B-Buhay na buhay, at hindi pa ako puwedeng mamatay. Ayokong iwan kang mag-isa, anak,” naluluhang sabi ni Evorie habang

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 181

    THIRD PERSON POV8 A.M.Tahimik ang paligid sa likod ng malawak na garden ng Dadan Mansion. Sa gitna ng bahagyang madamong bahagi nito, mag-isang naglalaro si Ginger kasama ang kanilang alagang aso, isang maputing Samoyed na nagngangalang Archie. Malayang tumatakbo ang aso habang ang bata naman ay hindi pa rin maalis ang lungkot sa mukha habang nakikipaglaro rito.Marahang lumapit si Rafael sa kaniyang anak. Napa-squat siya sa harap nito para magpantay ang kanilang mga mukha bago ito mahinahong kinausap.“Ginger, anak... gusto mo bang makita ang mommy mo?” tanong ni Rafael, na siyang ikinatigil ng bata.“Pero patay na po si Mommy,” sagot ni Ginger. Bahagyang namumula na naman ang gilid ng kaniyang mga mata dahil sa matinding lungkot at pangungulila sa kaniyang ina.Hinawi ni Rafael ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ng anak bago muling nagsalita. Mas malalim ang kahulugan ng bawat kataga niya.“Paano kung sabihin ko sa'yong buhay pa siya? Gusto mo ba siyang makita?”Sa is

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 107

    YDRAEL ALISTAIRMabilis akong umiwas sa kanan kaya sa hangin lamang tumama ang kaniyang sāksak. Sinalo ko ang kaniyang brasong may hawak ng kutsilyo at agad ko iyong pinilipit habang diniinan ng aking siko.Narinig ko ang paglagutok ng kaniyang kasukasuan kaya nabitawan niya ang

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 106

    YDRAEL ALISTAIR“Fūck!” mura ko pagkatapos kong sumalampak sa matigas na sahig ng silid.Malakas ang pagkakatama ng tuhod at palad ko sa sahig kaya agad akong napangiwi. Mabilis akong napaupo pero agad rin akong napadaing dahil sa kamay kong siyang natukod sa sahig.Aga

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 103

    EVORIE EVEHalos manigas ako sa aking kinauupuan nang pumasok si Rafael kasunod nina Yvette at Rolando. Ang kaniyang mga mata ay agad na gumala sa buong sala hanggang sa huminto ang tingin niya sa akin. Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi, isang ekspresyon na punong-puno ng pana

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 102

    EVORIE EVE“Hindi nababagay sa kaniya ang singsing na iyan, Alistair. Kaya nagtataka ako kung bakit suot niya ang isang napakahalagang singsing na sumisimbolo ng mataas na kapangyarihan sa pamilyang Vanderbilt.” Mas bumigat pa ang tensiyon sa paligid dahil ang tatlo ay nakatuon ang mabigat na tingi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status