author-banner
Keitaa
Keitaa
Author

Novels by Keitaa

BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE

BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE

Bilang panganay at haligi ng kanilang pamilya, buong pusong isinakripisyo ni Shaira Chavez ang sariling mga pangarap upang maitaguyod ang kinabukasan ng mga mahal sa buhay. Sa araw-araw na pakikipagsapalaran, tinanggap niya ang trabaho bilang personal na tagapag-alaga ng kilalang negosyanteng si Maverick Arañez—isang lalaking mayaman, seryoso, at kilala bilang malupit na CEO. Hindi niya namamalayan na unti-unting namumuo ang pag-ibig sa pagitan ng dalawa. Isang pag-ibig na hindi maaaring ipagsigawan sapagkat malayo ang agwat ng kanilang buhay. Sa mundong puno ng lihim, kapangyarihan, at bawal na damdamin, hanggang kailan nila maitatago ang pag-ibig na hindi dapat malaman ng iba?
Read
Chapter: Chapter 1
"Shaira! Shaira!" mabilis akong lumabas sa kitchen nang marinig ang tawag sa akin ni sir Maverick. "Po? Anong problema, sir?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. "Samahan mo akong kumain" iminuwestra niya ang upuan sa harap niya. Laging ganito ang setup namin. Sa lahat ng katulong dito sa bahay ay ako ang lagi niyang tinatawag upang samahan siyang kumain. Hindi lingid sa kaalaman ko ang nararamdamdan ni sir sa akin. Lagi ko siyang naririnig na pinupuri ako dahilan kung bakit maraming galit na katulong dito sa mansyon ng mga Arañez. "Umupo ka. Hindi dapat nagpapalipas ng gutom ang isang magandang katulad mo" puri niya sa akin. Ang anak ng boss ko na si sir Maverick Arañez ay isang bachelor. Twenty seven years old na siya ngayon ngunit wala pa siyang ipinakilalang babae sa mga magulang niya. Lagi niyang sinasabi na may nagugustuhan siya ngunit hindi niya maaaring sabihin. "Kumusta pala ang trabaho mo, Sir?" tanong ko upang maiwasan ang ilang na namagitan. "Pwede ba akong mag-a
Last Updated: 2026-07-22
Chapter: Chapter 2
Napatanga ako sa laki ng penthouse ni sir Maverick. Penthouse ba talaga to? Mas malaki pa yata ang sala nito kesa buong bahay namin. Ngayong araw ay lumipat na ako sa penthouse gaya ng napag-usapan namin ni sir noong nakaraang gabi. At gaya ng napag-usapan ay hindi ako nandito bilang asawa, kundi bilang personal na katulong. "Here's our room" untag ni sir.Our room? Magkasama kami sa iisang kwarto? Akala ko ba nandito lang ako dahil kailangan niya ng personal na katulong? Hindi naman kami pwedeng magsama sa iisang kwarto dahil hindi naman ako sigurado sa inamin niya noong nakaraan.Umupo siya sa sofa nang naka-de-kwatro. Pinanood ko lamang siya habang ginagawa niya iyon. Ako naman ay patuloy na inililibot ang tingin sa buong bahay. Maganda ang desinyo, bumabagay sa kulay ng puting kesame at beige na dingding. "Si Aling Bebang ang maglilinis dito. Ang gagawin mo ay ipagluluto lang ako dahil gusto kong matikman ang luto mo. Sasamahan mo rin ako sa lahat ng lakad ko" sabi niya nang hi
Last Updated: 2026-07-22
Chapter: Chapter 3
Isang linggo na simula noong tumira ako sa penthouse ni sir. Araw-araw niya akong dinadala sa office niya. Kapag nasa office niya ako ay wala akong ibang ginagawa kundi ang ipagtimpla siya ng kape at papanoorin siya buong maghapon.Sa loob ng isang linggo ay si Kyla lang ang nakakausap ko. Hindi naman pala siya suplada. Sa katunayan nga ay mabait si Kyla. Nalaman kong magka-barkada pala sila ni sir. Marami sila sa kanilang grupo ngunit ang iba daw ay madalang nalang makakasama dahil mayroon ng mga sariling pamilya. Namangha pa ako dahil kaibigan niya ang kinuha niyang secretary at hindi ibang tao. "Lima nalang kami sa barkada na wala pang anak. Sa tingin ko, si Mr. Arañez ang susunod na hindi na pwede sa mga gala dahil may anak ng binabantayan" kwento ni Kyla.Tumikhim ako. Hindi niya alam ang namagitan sa amin ni sir. Ngunit hindi ko maiwasang magduda na may napapansin siya sa mga kilos namin. "May girlfriend si sir? Tumawa lang siya ng nakakaloko kaya nagtaka ako. Nagsisinungalin
Last Updated: 2026-07-22
Chapter: Chapter 4
Nagising ako dahil sa lamig na nararamdamdan. Pagmulat ko ng mata ay agad na sumikdo ang sakit sa aking ulo. Mariin akong pumikit at hinilot ang sintido. Bumangon ako at agad ding napayakap sa katawan nang mapansing wala akong damit. Nilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto ko. Litong-lito ako sa nangyari.Naninigas ang katawan ko nang maramdamang may gumalaw sa tabi ko. Dahan-dahan akong lumingon at halos ipagdarasal ko na sana ay kainin ako ng lupa nang makita ang katabi. Bakit nandito si sir? Anong nangyari, bakit kapwa kami nakahubad?"Hmm" ungol ni sir.Parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko maalala kung paano pero alam kong may nangyari sa amin. Napag-usapan na namin na hindi muna pasukin ito. Kapag nagbunga ito ay malalaman ng lahat ang sekreto namin. Masasaktan si nanay. Tumayo ako, tinakpan ang sarili gamit ang kumot at agad na nagsisi nang humakbang ako. Sobrang sakit ng nasa baba ko. Impit akong napahiyaw sa hapdi."Don't move" nagulat ako nang magising siya. Tiningnan ko
Last Updated: 2026-07-22
Chapter: Chapter 5
Lunes na nang makabalik kami sa penthouse ni sir. Iyon ay dahil gusto pa nilang manatili sa bahay noong linggo. Bumalik sa normal ang lahat, maliban sa naging sweet at bukas kami sa isa't isa. Pagkatapos naming mag-agahan ay gumayak na kami papuntang office. Nakasalubong namin si Kyla na may nanunuyang tingin. "Over naman sa hangover. Buong weekend talaga kayong wala?" umirap siya bago kami talikuran. "Akala ko pumasok ka noong sabado?" tanong ko kay sir na tahimik lang papasok sa office. "Na-miss kita, eh. Anong magagawa ko?" depensa niya. "Pwede mo naman akong I-text na lang. Hindi mo naman kailangang umabsent" umismid ako. "Hindi ka nga nagre-reply kaya pinuntahan na kita" parang batang tampo niya. Inismiran ko na lang siya upang itago ang kilig. Kung dati ay naka-pokus lang siya sa kaniyang laptop. Ngayon naman ay halos hindi na siya mag-trabaho kakatitig sa akin. "Hindi naman ako mawawala, sir" umismid lang ako. "Gusto kong titigan ka" "Bakit? Ako ba ang trabaho
Last Updated: 2026-07-22
You may also like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status