Mag-log inSi Xyza Gabrielle Ignacio, dalawampu 't tatlong taong gulang, ay nag-iisang anak ng isa sa pinakamayayamang pamilya sa mundo ng negosyo. Dahil dito, lumaki siyang spoiled at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto. Mas inuna pa niya ang barkada, gala at luho. Ang pag-aaral? Palaging nasa huli sa kanyang listahan. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Dahil sa depresyon, ay napabayaan ng kanyang ina ang kanilang negosyo hanggang sa tuluyang malugi at magsara. Kaya sa isang iglap ay bigla na lamang nawala ang marangyang buhay na kinasanayan niya. At sa isang desisyong hindi inaasahan, muling nagpakasal ang kanyang ina, isang bagay na labis niyang tinutulan. Mas lalo pang gumulo ang lahat nang napag-alamang sa bahay ng bagong asawa nito sila titira. Doon niya nakilala si Flint Atlas Martinez, ang "bagong kapatid" niya sa papel. Tatlumpung taong gulang, strikto, may kayabangan, pero hindi maikakailang mapang-akit. Isa itong CEO ng matagumpay na engineering firm na siyang pagmamay-ari ng pamilya nito. Araw-araw silang nagbabangayan. Hindi sila magkasundo sa kahit maliit na bagay. Si Xyza, palaban at maarte. Si Flint, mayabang at sobrang higpit sa kanya sa hindi malamang dahilan. Pero paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo, unti-unting umusbong ang isang bawal na damdamin? Bawal na damdamin sa mata ng ibang tao, dahil sa papel ay magkapatid sila. Ngunit, kung kailan unti-unti na nilang nauunawaan ang tunay nilang nararamdaman para sa isa 't isa, saka naman nagsilabasan ang mga hadlang. Una na roon ang ina ni Xyza, dahil naniniwala itong isa na silang pamilya. At ang masaklap pa, umeksena pa ang dating kasintahan ni Flint, isang babaeng handang gawin ang lahat upang maagaw muli ang lalaking minamahal niya. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang mga damdamin sa dami ng mga humahadlang sa kanilang pag-iibigan?
view moreTAHIMIK lamang na nakatanaw si Xyza sa labas ng bintana ng SUV habang binabaybay nito ang kalsadang patungo sa isang exclusive subdivision. Tanaw niya ang unti-unting paglubog ng nakakasilaw na araw, tila ba sumasabay sa paglubog ng lahat ng nakasanayan niyang mundo.
Sa tabi ng driver nakaupo ang kanyang ina, si Glenda, na ngayo ‘y nakatingin sa kanya sa rearview mirror.
Ito na ang araw na kinatatakutan niya, ang araw na tuluyan na silang lilipat sa bahay ng bagong asawa ng kanyang ina.
Labag man sa loob niya, wala siyang magawa kundi sumunod. Hindi pa siya handang mamuhay nang mag-isa. Pero hindi iyon dahilan para tanggapin ng buo ang ideya ng pagkakaroon ng panibagong pamilya, lalo na ‘t dalawang taon pa lang ang lumilipas mula nang pumanaw ang kanyang ama.
“Anak, okay ka lang ba riyan?” tanong sa kanya ng ina, may halong pag-aalala sa tinig nito.
Hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatingin sa labas, pinipigilan ang sariling huwag mapaiyak.
“Hindi ko alam kung bakit ganyan ka pa rin. Sinubukan ko lang namang bumuo ng panibagong buhay para sa atin,” patuloy nito.
Hindi pa rin siya kumibo.
“Anak, huwag kang mag-alala. Mabait ang Daddy Alfredo mo—”
“He’s not my Daddy,” mariing putol niya.
Napabuntong-hininga ang kanyang ina. “Okay, fine. Hindi naman kita pipilitin na tawagin siyang ‘Daddy’. Pero sana naman, pakitaan mo siya ng maganda. Lalo na ‘t sa bahay na niya tayo titira…kasama ang anak niya.”
Napailing si Xyza, at sa wakas ay nagsalita siya, punong-puno ng hinanakit ang tinig.
“Bakit kasi kailangan pa nating lumipat sa bahay niya? Eh, maayos naman tayo sa mansyon natin. Pumayag na nga akong magpakasal ka sa kanya. Akala ko ba roon pa rin tayo titira kahit kasal na kayo?”
“Kailangan nating lumipat dahil iyon ang tama. Mag-asawa na kami, Xyza. At bilang mag-asawa, dapat lang na magkasama kami sa iisang bubong. Isinama kita dahil alam kong hindi mo pa kayang tumayo sa sarili mong mga paa. Lalo na ‘t puro ka gala at gastos! Sa tingin mo ba, may pera pa tayo ngayon kung hindi dahil kay Alfredo?”
Napatingin si Xyza sa ina, bakas ang sakit at pagkadismaya sa kanyang mga mata. Sasagot pa sana siya, ngunit biglang nagsalita ang driver.
“Ma’am, nandito na po tayo.”
Pagbukas ng gate, isang malaking bahay ang bumungad sa kanila. Moderno, malinis, at halatang pinag-isipan ang bawat sulok. May fountain sa harapan, at sa bawat bahagi ng matitigas at matataas na pader ay may mga nakatanim na iba ‘t ibang klase ng halaman at bulaklak. Tila ba hinango mula sa pahina ng isang architectural magazine ang disenyo ng bahay.
Pero kahit anong ganda niyon, hindi pa rin nito mapapantayan ang mansyon nila, kung saan naroroon ang masasaya nilang alaala noong buhay pa ang kanyang ama.
Bumaba sila sa sasakyan at agad silang sinalubong ni Alfredo. Sa edad na limampu, ay matipuno at bata pa rin itong tingnan. Nginitian sila nito nang makalapit sa kanila.
“Xyza, anak,” bati nito, sabay abot ng kamay.
Hindi niya ito kinamayan. Tiningnan lang niya ito nang walang emosyon. Alanganin itong ngumiti, tila napahiya sa malamig niyang pakikitungo.
“Pasok kayo. Ituring mo na itong sarili mong tahanan, Xyza,” ani Alfredo, habang nakayakap ang isa nitong braso sa baywang ng kanyang ina.
Naglakad na sila papasok, habang ang driver at dalawang kasambahay ay bitbit ang kanilang mga bag at nakasunod sa kanila.
Pagpasok sa loob, isang malamig na ambiance ang sumalubong kay Xyza. Marangya ang kabuuan ng bahay, marble floors, mataas na kisame, at mga painting na halatang imported.
Napataas na lang siya ng kilay. Tila kapantay din ng kanilang yaman dati noong nabubuhay pa ang kanyang ama ang yaman ng bagong asawa ng kanyang ina. Ngunit wala siyang pakialam, dahil para sa kanya, ang mansyon pa rin nila ang itinuturing niyang tunay na tahanan.
Biglang bumukas ang pintuan ng isang kwarto sa itaas. Isang lalaking nakaitim na T-shirt at shorts na above-the-knee ang lumabas. Nasa magkabilang bulsa ng shorts nito ang mga kamay habang dahan-dahang bumababa ng hagdan.
Ang mga mata nila ‘y nagtagpo.
Seryoso itong nakatingin sa kanya, na para bang binabasa ang buo niyang pagkatao. Mula pa lang sa awra nito, ramdam na ni Xyza ang pagiging strikto.
Ito na siguro ang anak ni Alfredo…Sa isip niya. Hindi kasi ito um-attend ng kasal ng kanyang ina at ni Alfredo, kaya ngayon lang niya ito nakita nang personal.
Matangkad. Maputi. At hindi maikakailang may angking kagwapuhan, tila mas higit pa sa ilang modelo o artista.
“Xyza, si Flint Atlas, anak ko,” pakilala ni Alfredo.
Katulad ng ginawa niya kanina sa ama nito, tiningnan lang din niya ito nang walang emosyon, pinipilit itago ang paghangang biglang sumiklab sa kanyang dibdib pagkakita sa kagwapuhan nito.
Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi ni Flint.
“Matagal ko na siyang kilala. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa unica hija at spoiled brat na anak ng isang sikat na businessman?” sarkastikong sabi nito, habang hindi inaalis ang mapangutyang tingin sa kanya.
Hindi agad nakahuma si Xyza. May kung anong init ang gumapang sa kanyang katawan. Alam niyang sa mga sandaling iyon ay nakuha nito ang galit niya. Hindi niya inaasahan na harap-harapan siya nitong kukutyain.
Sa ugali pa naman niyang mataray at palaban, akala siguro nito ay palalampasin niya ito nang walang ganti? Tiningnan niya ito ng matalim, sabay-krus ng mga braso sa dibdib, bago nagsalita, punong-puno ng ngiting may halong pang-iinsulto.
“Talaga? Bakit, kilala mo ba ako? Nakasama mo na ba ako nang matagal para masabi mo sa ‘kin ang mga bagay na ‘yan? Eh, ikaw? Anong tawag sa ‘yo? Mayabang na mapangutya! Baka akala mo hindi kita papalagan dahil lalaki ka?” sabay tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa, na para bang kinukutya niya rin ito.
Napangisi siya nang biglang maningkit ang mga mata nito at umigting ang mga panga. Alam niyang nakuha na rin niya ang galit nito.
“Dito sa pamamahay na ‘to, hindi mo na puwedeng dalhin ang ugali mong ‘yan mula sa bahay ninyo. Dahil bisita lang kayo rito!”
“Flint, that’s enough! Sumusobra ka na!” sigaw ni Alfredo rito.
Siya naman ay agad na hinila ng kanyang mommy palayo sa harapan ni Flint.
“Halika na, Xyza! Huwag mo nang patulan pa ang kuya Flint mo!”
“No! He’s not my kuya! And he’s not even my brother!” sambit niya, nanlalaki ang mga mata at nanginginig ang boses sa galit.
“Kahit anong mangyari, hinding-hindi ko ituturing na kapatid ‘yang halimaw na ‘yan!”
“Ako rin naman! Hinding-hindi ko gugustuhing magkaroon ng kapatid na spoiled brat at masama ang ugali!” malakas na sambit ni Flint habang nagbabaga ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
“Glenda, honey, pasensiya ka na. Paglayuin muna natin ang mga batang ‘to, mukhang hindi sila titigil sa bangayan,” hinging paumanhin ni Alfredo sa kanyang ina, bago sapilitang inakay si Flint paakyat, pabalik sa kwartong pinanggalingan nito kanina.
Tumango-tango naman si Glenda bilang tugon, saka siya marahang inakay papunta sa magiging silid niya, na sa kasamaang palad, ay katabi pa ng kwarto ni Flint.
MATAPOS magpaalam sa isa ‘t isa ay sabay na rin silang lumabas ng coffee shop ng kaibigan. Kanya-kanya na silang sakay sa kanilang sasakyan, nauna lang na nakaalis si Cyla.Napakunot siya ng noo dahil nakita na naman niya sa rearview mirror ang itim na sasakyan na noong isang raw niya pa napapansin na sumusunod sa kanya.May nagmamanman kaya sa kanya? Kung ganoon, sino?Nakapagtataka nga namang tatlong araw na siyang sinusundan ng kaparehong sasakyan, hindi naman niya masasabing nagkataon lang dahil hanggang sa makarating siya sa pupuntahan niya ay nakasunod pa rin ito.At kapag bumababa siya ng sasakyan, ay inihihinto nito sa hindi kalayuan ang sasakyan na para bang pinagmamasdan ang mga kilos niya ng kung sinumang nasa loob.Napakarami na nga niyang iniisip ay dumagdag pa ito. Ayaw rin naman niyang sabihin ang bagay na ‘yon kay Flint, dahil abala rin ito sa pagtulong kay Jared.O, baka naman napa-praning lang siya dahil sa nangyari kay Jaela?“Hays, naku naman self, huwag ngayon, pl
SAMANTALA, dalawang lalaki naman ang nag-uusap sa isang tagong parte ng isang park.“Andro, bakit mo naman itinumba si Jaela?! Alam mo bang puwede kang makulong kung sakaling maka-survive pa siya? Napakarami namang paraan para makuha mo si Xyza! Ang tanga-tanga mo talaga! Sinuportahan na nga kita riyan sa ka-praningan mo kahit alam kong mali, pero itinodo mo naman! Sinobrahan mo!” galit na pahayag ni Lance sa kaibigan.“Dahil wala na ‘kong ibang paraang nakikita, Lance! Sa pamamagitan niya, mas madali kong maisasakatuparan ang mga plano ko! Kaso wala, eh! Nagmatigas siya! Kung hindi lang sana siya nanlaban, eh, di sana ‘y hindi ‘yon nangyari sa kanya!”“Alam mo, na-realize ko lang. Bawat lalaking gustong makuha si Xyza ay may hindi magandang nangyayari. Tingnan mo si Paolo, hindi ba nakulong siya? Tingnan mo ako, nasira ang relasyon namin ni Cyla na matagal na naming pinagsamahan. At ikaw naman ngayon ay nangangambang makulong. Kasi masaya na si Xyza roon sa lalaking tanging itinatang
NADATNAN ni Flint na nakaupo si Jared sa labas ng ICU. Hindi pa man siya nakakalapit dito ay kita na niya ang malungkot at miserableng mukha nito. Mukhang hindi pa ito kumakain, at mukhang wala rin itong tulog.“Bro!” tawag niya rito para agawin ang pansin nito.Lumingon naman ito sa direksiyon niya.“Bro, pumunta ka nga,” walang kabuhay-buhay na sambit nito.“Ito, oh, kunin mo ‘to,” sabi niya at iniabot ang bitbit na dalawang paperbag.“Ano naman ‘to?” kunot-noong tanong nito habang inaabot ang binibigay niya.“Pagkain at extrang damit, alam ko kasi na hindi ka pa nakakakain ngayon. At alam ko rin na malabong makauwi ka, kaya bumili na rin ako ng damit pampalit mo kung sakali.”“Thank you, bro.”Tinanguan niya lang ito at tinapik sa braso.“Kumusta na raw ang imbestigasyong ginagawa ng mga pulis? May bagong impormasyon na ba silang naibigay sa ‘yo?” tanong niya.“Wala pa nga, eh. Basta ang sabi lang nila, mahirap matukoy ‘yong salarin, lalo na at wala man lang ni isang taong nakakita
“MASAKIT pa ba ang ulo mo? Nahihilo ka pa ba? Baka kailangan mo nang magpatingin sa doctor, baby,” ani Flint sa dalaga.Sinusubuan niya ito ng lugaw habang nakasandal sa headboard ng kama.“Medyo okay na ‘ko, love, compared kahapon. Kaya no need na para pumunta ng hospital. Sa galing mo ba naman mag-alaga,” nakangiting sagot nito.“Basta, hindi ka pa rin papasok ngayon, hayaan mo na muna ang kompanya mo roon sa dalawa,” tukoy niya kina Cherry at Jaela.“Oo na po!” sagot naman nito.Akmang susubuan niya pa ulit ang dalaga ng lugaw nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone mula sa ibabaw ng maliit na lamesa sa tabi ni Xyza.“Love, si Jared ang tumatawag,” sabi ng dalaga na nakatingin sa screen ng kanyang cellphone.“Sige, sagutin ko lang siya, okay?” paalam niya rito at ibinaba muna ang kutsara sa mangkok, bago dinampot ang cellphone at sinagot niya iyon sa harapan ng dalaga.“Hey, bro. What’s up? Napatawag ka sa ganitong oras?” nagtatakang tanong niya sa kaibigan.Alas seis y media p
TINANGHALI ng gising si Flint kaya naman makirot ang kanyang sentido.Siguro dahil napuyat siya kagabi sa kakaisip sa nangyaring pag-aaway nila ni Xyza kahapon. At isa pa, kung anu-anong plano ang ginagawa niya sa kanyang utak kagabi kung paano niya mapapaamo ang dalaga para makausap na niya ito ng
DAHIL SA NANGYARING matinding pag-aaway sa pagitan nila ng binata, ay napagdesisyunan niyang umuwi na lang at mas mabuti pang asikasuhin na lang niya ang bagong tayo niyang kompanya kaysa ang mamalagi sa isang lugar na hindi naman napapalagay ang kanyang utak.Ayaw pa sana nina Cyla at Wilma ang id
DAHIL hindi na siya nakaramdam pa ng antok kanina mula nung magising siya, ay naisipan na lang niyang lumabas at maglakad-lakad, at doon siya dinala ng mga paa sa may sapa hindi kalayuan sa tinutuluyan nilang kubo.Hindi niya maintindihan kung bakit tila napakasarap sa kanyang pandinig ang mahinang
SOBRANG nag-enjoy si Xyza sa kanilang paliligo sa ilog.Kanina habang nagkakasiyahan sila nina Cyla at Zayn sa gitna ng pagsasabuyan nila ng tubig, ay nakita niya sa kanyang peripheral vision na padabog na umahon sa tubig si Flint at basta na lang na iniwan si Jared.Napangisi siya ng lihim dahil a















![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
RebyuMore