LOGINIYAK NANG IYAK si Xyza, hindi lang dahil sa galit, kundi dahil na rin sa matinding kahihiyan na naranasan niya kanina.
Kung hindi dahil sa kanyang ina, hindi niya malalaman kung ano na ang itsura niya sa harapan ng masungit, pakialamero, mayabang, at mapangutyang si Flint.
Paano niya ngayon mabubura sa isipan nito ang lahat ng nakita? Baka lalo pa siyang kutyain nito dahil doon.
Panay ang punas niya ng luha gamit ang likod ng kamay habang patuloy sa paghikbi. Maging ang sipon niya ‘y nagsimula na ring tumulo.
Ngayon lang talaga nangyari sa buong buhay niya ang mapahiya. At sa harap pa talaga ng isang aroganteng lalaki.
Kahit nanlalabo ang paningin dahil sa masaganang luha, tinungo niya ang cabinet upang kumuha roon ng damit na pampalit. Kinuha niya ang isang simpleng t-shirt at shorts na sakto lang ang haba.
Basta na lang niya isiniksik doon ang mga damit na kinuha niya galing sa maletang dala-dala noong nakaraang gabi. Hindi na rin kasi niya nagawang iutos ang pag-aayos niyon sa katulong dahil nga sa nangyaring sagutan nila ni Flint.
Ito na muna ang isusuot niya sa ngayon, kahit pa sanay siyang magsuot ng mga maiikli at seksi, dahil mayroon silang kasamang lalaki sa bahay. At isa pa, ayaw na niyang maulit muli ang pagkapahiyang nangyari sa kanya kanina.
Eksaktong pagkatapos niyang magpalit ng damit ay may narinig siyang katok. Ilang saglit pa’y pumasok ang kanyang ina.
Hindi siya makatingin nang diretso rito dahil sa nangyari kanina. Nahihiya siya at alam na niyang pagsasabihan na naman siya nito.
“Anak, hindi lang ugali mo ang kailangan mong ayusin, pati na rin ang mga isinusuot mo, lalo na at may mga kasama tayo ritong lalaki sa loob ng bahay. Katulad nga nang sinabi ko sa ‘yo noong una, wala na tayo sa mansyon. Kung doon ay kampante ka na gawin ang lahat at isuot ang lahat ng mga gusto mo, dito ay iba na. Kasi kahit paano, nakikitira lang tayo rito. Hindi natin ito pagmamay-ari para gawin mo ng malaya ang lahat ng gusto mo kahit labag na at mali. Alam mo bang halos hubad ka na kanina? Diyos ko naman, anak!”
Sinasabi na nga ba niya! Pagsasabihan na naman siya nito. Napabuntung-hininga siya habang iniikot ang mga mata. Hindi naman talaga niya intensyon ang lumabas na nakasuot pantulog dahil nga nasa ibang bahay na sila, nakalimot lang naman talaga siya.
“Kaya ka ba pumunta rito para pagsabihan na naman ako? Simula nung lumipat tayo rito sa bahay na ‘to, parang wala na akong ginawang tama sa paningin ninyo! Nakakasama lang ng loob kasi pinaparamdam niyo talaga sa ‘kin na wala na akong kakampi simula nang mamatay si Dad,” sagot niya, may sama ng loob.
Ibang klase kasi magmahal ang Daddy niya sa kanya. Kahit kailan, hindi siya nito napagalitan, ni hindi siya kailanman napagtaasan ng boses. Prinsesa ang turing nito sa kanya.
Hindi rin siya pinakikialaman sa mga desisyon at ginagawa niya. Bukod pa roon, halos walang limitasyon ang perang inilalagay nito sa kanyang credit card. Pero ngayon, iilan na lamang ang laman nito dahil sa walang tigil na pagbili niya ng kung anu-ano at kagagala kung saan-saan.
Dahil dito, lahat ng gusto at luho niya ay nabibili at nakukuha niya gamit ang pera. Sa mata ng kanyang mga kaibigan, maging sa paaralan, siya ang reyna.
Ayon sa iba, lalo na sa mga inggitera nilang kamag-anak, mali raw ang pagpapalaki sa kanya ng ama. Kinukunsinti raw nito ang mga maling ginagawa niya at palaging ipinagtatanggol, kahit siya naman ang nagsimula ng gulo.
Pero para sa kanya, iyon ang tamang pagmamahal. Kaya nang mamatay ang kanyang ama, pakiramdam niya’y literal siyang nawalan ng kakampi.
Hindi rin kasi sang-ayon ang kanyang ina sa istilo ng kanyang ama sa pagtatanggol sa kanya, at sa pagtatakip sa mga kamalian niya kaya madalas mag-away ang dalawa kapag nakakagawa siya ng mali o kaya naman nasasangkot sa gulo.
“Xyza, wala na nga ang Daddy mo. Kaya kailangan mo nang mag-adjust. Ano, tayo naman ngayon ang mag-aaway dahil sa katigasan ng ulo mo?! At saka, hindi mo pa ba napapansin? Mali ang pagkunsinti sa ‘yo noon ng Daddy mo! Hindi ba ‘t madalas kang napapaaway at nasasangkot sa gulo, dahil imbes na pagsabihan ka, kakampihan ka pa niya?” matigas na wika ng kanyang ina.
Doon lalong nagrebelde ang kanyang damdamin.
“Dahil ba patay na si Dad, kaya nasasabi mo na ngayon ‘yan sa kanya, ha? Mom?” nang-uusig niyang tanong, habang unti-unting muling nababalot ng luha ang kanyang mga mata.
“Buhay pa siya noon pero sinasabi ko na ‘yan sa kanya! Hindi ba madalas mo kaming makita na nagtatalo? Kaya nga hindi na ‘ko magtataka kung bakit ganyan ang ugali mo ngayon!”
“No! Patay na si Daddy! At sana naman, mga magagandang alaala o salita man lang ang marinig ko mula sa ‘yo tungkol sa kanya! Pero ano? Puro paninisi, na kesyo kaya ako nagkaganito ay dahil sa kanya!”
“Bakit, hindi nga ba?” tugon ng kanyang ina, taas-kilay at walang alinlangang hinamon ang kanyang emosyon. Para bang nauubusan na ito ng pasensiya sa kanya.
“I hate you, Mom! I hate you!” sigaw niya. “Ano, dahil ba may bago ka nang asawa? May bago ka nang pamilya na kinikilalang mas mahalaga kaysa kay Daddy at sa ‘kin?!”
“Huwag mo akong taasan ng boses, Xyza!” mariing sagot ng kanyang ina. “Hindi ako ang Daddy mo na palalagpasin lang ang ganyang ugali mo! Baka tamaan ka sa ‘kin, huwag mo akong susubukan!” sambit nito, tila nasagad niya ang galit nito.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang sila ngkaroon ng matinding sagutan ng kaniyang ina. Madalas itong mahinahon at mapang-unawa sa tuwing nagtataray at nagmamaldita siya. nakapagtatakang hindi na siya nito ngayon nagagawang pagpasensiyahan katulad ng dati.
At Alam niyang may kinalaman doon ang bago nilang pamilya. Ito na ngayon ang pinahahalagahan nito, hindi na siya.
Doon naman biglang pumasok si alfredo sa kanyang silid, dahil naiwan ng kanyang ina na bukas ang pinto.
“Hey, honey. What’s happening here?” tanong nito sa malumanay na tinig, habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang mag-ina.
MATAPOS magpaalam sa isa ‘t isa ay sabay na rin silang lumabas ng coffee shop ng kaibigan. Kanya-kanya na silang sakay sa kanilang sasakyan, nauna lang na nakaalis si Cyla.Napakunot siya ng noo dahil nakita na naman niya sa rearview mirror ang itim na sasakyan na noong isang raw niya pa napapansin na sumusunod sa kanya.May nagmamanman kaya sa kanya? Kung ganoon, sino?Nakapagtataka nga namang tatlong araw na siyang sinusundan ng kaparehong sasakyan, hindi naman niya masasabing nagkataon lang dahil hanggang sa makarating siya sa pupuntahan niya ay nakasunod pa rin ito.At kapag bumababa siya ng sasakyan, ay inihihinto nito sa hindi kalayuan ang sasakyan na para bang pinagmamasdan ang mga kilos niya ng kung sinumang nasa loob.Napakarami na nga niyang iniisip ay dumagdag pa ito. Ayaw rin naman niyang sabihin ang bagay na ‘yon kay Flint, dahil abala rin ito sa pagtulong kay Jared.O, baka naman napa-praning lang siya dahil sa nangyari kay Jaela?“Hays, naku naman self, huwag ngayon, pl
SAMANTALA, dalawang lalaki naman ang nag-uusap sa isang tagong parte ng isang park.“Andro, bakit mo naman itinumba si Jaela?! Alam mo bang puwede kang makulong kung sakaling maka-survive pa siya? Napakarami namang paraan para makuha mo si Xyza! Ang tanga-tanga mo talaga! Sinuportahan na nga kita riyan sa ka-praningan mo kahit alam kong mali, pero itinodo mo naman! Sinobrahan mo!” galit na pahayag ni Lance sa kaibigan.“Dahil wala na ‘kong ibang paraang nakikita, Lance! Sa pamamagitan niya, mas madali kong maisasakatuparan ang mga plano ko! Kaso wala, eh! Nagmatigas siya! Kung hindi lang sana siya nanlaban, eh, di sana ‘y hindi ‘yon nangyari sa kanya!”“Alam mo, na-realize ko lang. Bawat lalaking gustong makuha si Xyza ay may hindi magandang nangyayari. Tingnan mo si Paolo, hindi ba nakulong siya? Tingnan mo ako, nasira ang relasyon namin ni Cyla na matagal na naming pinagsamahan. At ikaw naman ngayon ay nangangambang makulong. Kasi masaya na si Xyza roon sa lalaking tanging itinatang
NADATNAN ni Flint na nakaupo si Jared sa labas ng ICU. Hindi pa man siya nakakalapit dito ay kita na niya ang malungkot at miserableng mukha nito. Mukhang hindi pa ito kumakain, at mukhang wala rin itong tulog.“Bro!” tawag niya rito para agawin ang pansin nito.Lumingon naman ito sa direksiyon niya.“Bro, pumunta ka nga,” walang kabuhay-buhay na sambit nito.“Ito, oh, kunin mo ‘to,” sabi niya at iniabot ang bitbit na dalawang paperbag.“Ano naman ‘to?” kunot-noong tanong nito habang inaabot ang binibigay niya.“Pagkain at extrang damit, alam ko kasi na hindi ka pa nakakakain ngayon. At alam ko rin na malabong makauwi ka, kaya bumili na rin ako ng damit pampalit mo kung sakali.”“Thank you, bro.”Tinanguan niya lang ito at tinapik sa braso.“Kumusta na raw ang imbestigasyong ginagawa ng mga pulis? May bagong impormasyon na ba silang naibigay sa ‘yo?” tanong niya.“Wala pa nga, eh. Basta ang sabi lang nila, mahirap matukoy ‘yong salarin, lalo na at wala man lang ni isang taong nakakita
“MASAKIT pa ba ang ulo mo? Nahihilo ka pa ba? Baka kailangan mo nang magpatingin sa doctor, baby,” ani Flint sa dalaga.Sinusubuan niya ito ng lugaw habang nakasandal sa headboard ng kama.“Medyo okay na ‘ko, love, compared kahapon. Kaya no need na para pumunta ng hospital. Sa galing mo ba naman mag-alaga,” nakangiting sagot nito.“Basta, hindi ka pa rin papasok ngayon, hayaan mo na muna ang kompanya mo roon sa dalawa,” tukoy niya kina Cherry at Jaela.“Oo na po!” sagot naman nito.Akmang susubuan niya pa ulit ang dalaga ng lugaw nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone mula sa ibabaw ng maliit na lamesa sa tabi ni Xyza.“Love, si Jared ang tumatawag,” sabi ng dalaga na nakatingin sa screen ng kanyang cellphone.“Sige, sagutin ko lang siya, okay?” paalam niya rito at ibinaba muna ang kutsara sa mangkok, bago dinampot ang cellphone at sinagot niya iyon sa harapan ng dalaga.“Hey, bro. What’s up? Napatawag ka sa ganitong oras?” nagtatakang tanong niya sa kaibigan.Alas seis y media p
HINDI maintindihan ni Jared kung bakit kinakabahan siya ng sobra at hindi mapakali. Kanina pa siya paroo’t parito sa loob ng kwarto ng kanilang ina, katatapos lamang niya itong pakainin at painumin ng gamot.“Anak, Jared. Bakit ba kanina ka pa pabalik-balik? Ako ang nahihilo sa ‘yo, eh,” tanong sa kanya ng ina. “May problema ka ba?” dugtong pa nito.“Wala naman po, mommy. Hindi lang ako mapakali sa hindi malamang dahilan,” sagot niya.“Baka naman pagod lang ‘yan sa kaaalaga mo sa ‘kin, tapos nagtatrabaho ka pa. Minsan, hayaan mong ang daddy mo na lang ang mag-asikaso sa ‘kin,” komento nito.“Hindi naman po puwede ‘yon, mommy. Kaya nga tayo pamilya, eh, kasi magtutulungan sa lahat. At saka, huwag mo nga akong isipin. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na, okay?” sambit niya at nilapitan ito para ayusin ang pagkakasandal nito sa headboard ng kama.“Basta pag pagod ka na, magpahinga ka rin, okay?” malambing nitong sambit.“Okay po, mommy,” sagot niya. “Lalabas lang ako saglit, babalikan na l
“Oh, Jaela. Huwag kang matakot, wala akong gagawing masama sa ‘yo, at hindi kita sasaktan kung susunod ka sa mga sasabihin ko,” sambit nito na may ngising demonyong nakapaskil sa mga labi.Nangunot ng sobra ang kanyang noo dahil hindi niya makilala ang lalaki, pero pamilyar sa kanya ang mukha nito. Hindi niya lang maalala kung saan sila nito dati nagkita. Kaya hindi nakapagtatakang kilala siya nito.“Sino ka nga?! B-bakit hindi mo sabihin ang pangalan mo?!” nahihintakutang tanong niya habang dahan-dahang umaatras nang mapansin niyang umaabante ito patungo sa direksiyon niya.“Grabe ka naman!” humalakhak ito na parang demonyo, pagkatapos ay pumitik pa sa hangin. “Ang bilis mo namang makalimot. Hindi ba magkaklase tayo noon sa isang subject? Irregular student ako, pala-absent nga lang, that’s why hindi mo ako matandaan,” dugtong pa nito.“W-wait…” pilit niyang inaalala kung saan niya ito naging kaklase.“A-Andro? Tama? Oo, ikaw nga! M-magkaklase tayo noon sa isang subject, sa physics, n
MATAPOS inumin ni Xyza ang isang baso ng tubig na iniabot sa kanya ng kaibigan, ay naramdaman niyang medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sinabayan pa ng pagpaparamdam ng mag-ina ng pag-aalala at pagdamay sa kanya, kaya naman kahit paano ay nakahinga na siya ng maluwag.Pagkatapos ay dinampot niya
“NAKU, HONEY. Kahit kailan, simula nung umalis kayo rito at bumalik ng mansion, ay hindi pa ‘yon nagagawi rito si Xyza. Baka sa ibang mga kamag-anak ninyo siya nanuluyan?” komento ng ama niya sa sinabi ni Glenda.“Nasasabi ko ‘yon dahil simula nung umalis kayo, hindi na ako lumalabas ng bahay, nagh
MALULUTONG na mga halakhak ang pinapakawalan ni Jaela mula sa loob ng kanyang kwarto.Sa oras na iyon ay alam niyang nagngingitngit na sa galit ang malditang si Xyza dahil sa mga larawang ipinadala niya rito kung saan sila ni Flint ang naroroon, o baka nga kabaliktaran ang nangyayari.Siguro, kung
“BAKIT ka sa ‘kin nagsinungaling, Flint? Bakit mo ako niloko? Ano, hindi ako naging sapat sa ‘yo? O, hindi mo na ‘ko mahal dahil nagkagulo-gulo na ang sitwasyon ng pamilya natin?” bigla ang paglambot ng ekspresyon niya sa binata.Halos gusto na niyang magmakaawa rito na sabihin ang totoo kung bakit







