Compartilhar

Chapter 4

Autor: Keitaa
last update Data de publicação: 2026-07-22 05:50:58

Nagising ako dahil sa lamig na nararamdamdan. Pagmulat ko ng mata ay agad na sumikdo ang sakit sa aking ulo. Mariin akong pumikit at hinilot ang sintido. Bumangon ako at agad ding napayakap sa katawan nang mapansing wala akong damit. Nilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto ko. Litong-lito ako sa nangyari.

Naninigas ang katawan ko nang maramdamang may gumalaw sa tabi ko. Dahan-dahan akong lumingon at halos ipagdarasal ko na sana ay kainin ako ng lupa nang makita ang katabi. Bakit nandito si sir? Anong nangyari, bakit kapwa kami n*******d?

"Hmm" ungol ni sir.

Parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko maalala kung paano pero alam kong may nangyari sa amin. Napag-usapan na namin na hindi muna pasukin ito. Kapag nagbunga ito ay malalaman ng lahat ang sekreto namin. Masasaktan si nanay.

Tumayo ako, tinakpan ang sarili gamit ang kumot at agad na nagsisi nang humakbang ako. Sobrang sakit ng nasa baba ko. Impit akong napahiyaw sa hapdi.

"Don't move" nagulat ako nang magising siya.

Tiningnan ko siya nang masama na tinawanan niya lang. Mariin akong pumikit. Naiinis ako sa kaniya. Parang kahapon lang may nanlandi sa kaniya. Tapos magigising na lang ako na naibigay ko sa kaniya ang iniingatan ko. Naiinis ako dahil hindi man lang niya inisip ang magiging kahinatnan nito. Malalaman ni nanay ang gulong pinasok ko. Baka magalit siya sa akin dahil sinakripisyo ko ang lahat para sa kanila.

Pumasok ako sa banyo nang umiiyak. Wala na siya nang matapos ako. Wala sana akong balak na lumabas ngunit kailangan kong magtrabaho. Tahimik kong inihanda ang breakfast namin. Kahit noong nakaupo na siya sa hapag ay hindi pa rin ako nagsasalita. Nanatili akong nakayuko kahit ramdam ko ang nanunusok niyang tingin.

"Upo. May pag-uusapan tayo"

Para lang akong tuta na sumusunod sa utos niya. Umupo ako sa harap niya.

"Shai, kung may mabuo man ay paninindigan kita. Asawa naman kita kaya walang problema kung may mabuo man"

Wala siyang nakuhang sagot mula sa akin. Nanatili lang akong nakayuko. Iniisip ko ang magiging reaksyon ni nanay kung sakaling malaman niya ito.

"Ano bang ikinabahala mo?" tanong niya nang hindi ako sumagot.

"Alam mo namang mula ako sa mahirap na pamilya" panimula ko. "Pumayag ako sa gusto mo dahil sabi mo babayaran mo ako at tutulungan sa operasyon ni nanay. Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ako pumayag. Gusto din kita, kaya lang magkaiba ang katayuan natin sa buhay" pag-amin ko.

Saksi ang dalawa kong mata kung paano lumamlam ang mata niya nang makita akong lumuluha. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Masaya akong pareho ang nararamdaman natin, Shai. Ngunit huwag ka sanang malungkot dahil lang hindi tayo pareho ng pinagmulan. Mahal kita at hindi ko tinitingnan ang estado mo sa buhay" aniya.

Hinalikan niya ang kamay ko. May kung anong kiliti sa aking puso pagkatapos niyang sabihin ito. Mahal niya ako kahit gaano pa kahirap ang buhay ko. Nakaramdam ako ng kakaibang saya. Nagpaalam ako sa kaniya na uuwi muna ako sa amin. Gusto niya sanang sumama upang pormal na makilala si nanay. Ngunit pinigilan ko siya. Bukod sa may trabaho siya ay mananatiling sekreto ang relasyon namin.

Labis ang tuwa ni nanay nang makita ako. Tumangis din ako sa kamay ng aking ina nang mapansin na lalo siyang pumayat. Kahit tapos na ang operasyon niya ay mayroon pa rin siyang mga gamot na dapat inumin. Marami pa rin ang bawal kainin.

"Tahan na, anak. Hindi ko naman alam na uuwi ka ngayong sabado. Kumain sana ako ng marami para hindi ka malungkot" biro niya.

"Nanay naman, eh. Kahit hindi ako uuwi, dapat ka pa ring kumain ng marami" nakasimangot kong sabi.

"Biro lang" biglang sumeryoso ang mukha ni nanay kaya kinabahan ako. "Wala bang problema sa trabaho, anak? Baka nahihirapan ka na. Si nanay na muna ang magsikap"

"Ayos lang ako nay. Walang problema" totoong ayos lang ako pero hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang sitwasyon ko.

"Kapag pagod ka na, sabihan mo lang ako ha. Ipagluluto kita ng paborito mong chicken curry"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya na nagpakasal ako sa boss ko. Alam kong hindi niya ako husgahan pero alam kong masasaktan siya kung sakaling malalaman niya ito, lalo pa at siya ang pinaka-dahilan nito.

Nang magdapit-hapon na ay saka ko lamang naisipang tingnan ang cellphone ko. Marami akong natanggap na text mula kay Maverick. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko muna siya re-replyan. Ibababa ko na sana ang phone ko nang muli akong makatanggap ng text mula sa kaniya.

'I asked your tiya Anabelle where you live'

Bigla akong kinabahan. Hindi naman niya siguro ako pupuntahan dito. Hindi ba't ang sabi ko sa kaniya ay mag-pokus muna sa trabaho. At saka, anong sasabihin niya kay nanay kung magpapakita siya dito. Masyado naman akong espesyal kung pupuntahan ako ng boss ko.

"Bago 'yang phone mo, te?"

Napaigtad ako sa labis na gulat nang biglang magsalita si Shan. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi man lang ako binalingan.

"Oo"

"Wow!"

Iniwan ko na siya sa sala at tumulong nalang kay nanay sa pagluluto ng pansit at lumpia. Nagluto din siya ng chicken curry dahil alam niyang ito ang pinaka-paborito ko.

"Ate, may naghahanap sa'yo" sigaw ni Shan mula sa sala.

Kumunot ang noo ko. Wala akong inimbita. Lumabas ako upang malaman kung sino ang sinasabi ni Shan na bisita. Laking gulat ko nang makita ang si Maverick kasama ang kapatid niya. Nakatayo si Mikaela habang pinagmasdan ang mga larawan namin. Si Maverick naman ay agad na dumalo sa akin. Siniko ko pa baka makita kami ni Mikaela.

"I like your house. It's so cozy. Ang sarap sigurong manirahan dito. Maliit lang pero masaya, I believe" biglang sabi ni Mika.

Hindi pa ako nakakasagot ay lumabas si nanay mula sa kusina at tulad ko ay nagulat din siya sa nadatnang panauhin sa sala

"Sino ba iyang mga bisita mo, anak? Papasukin mo nang makakain" aniya nang hindi pa nakita ang magkapatid.

"Hi, po" maligayang bati ni Mikaela. "I'm Mikaela Arañez po"

"Arañez? Naku! Pasensya na mga ma'am at sir, maliit itong bahay namin" nang mapagtanto na sila ang pinagsisilbihan ko.

Pumasok kami sa kusina at agad na inasikaso ni nanay ang magkapatid. Tiningnan ko si Maverick. Nakatingin lang din siya sa'kin na parang namamangha sa nangyari.

"Oh, no worries po. Ang ganda ng bahay niyo. Sarap sigurong matulog dito" sagot ni Mikaela.

"Nakakahiya naman po, ma'am kung dito kayo matulog. Wala kasi kaming makapal na kutson"

"It's okay!"

"Osya! Sa kwarto ni Shaira ka nalang matulog. Mas malawak ang kwarto niya"

"Really? Oh my gosh!" napapalakpak pa siya sa labis na tuwa.

"Osya! Kumain na kayo. Gabi na rin baka mapano kayo sa daan"

Ngumisi si Mikaela sa sinabi ni nanay. Matapos naming kumain ay inihanda ko na ang hihigaan ni Maverick. Sa sala kasi siya matutulog. Kami naman ni Mikaela sa kwarto ko, si nanay sa kwarto niya kasama si Shan.

"I love your banyo"

Nakakatuwa naman na hindi maarte si Mikaela. Ang ibang mayaman kasi ay nandidiri sa ganitong lugar. Umupo siya sa tabi ko.

"Ingatan mo ang kuya ko" nagulat ako sa sinabi niyang iyon.

"Alam mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango siya at ngumiti. Sinabi na pala sa kaniya ni Maverick ang tungkol sa amin. Kung gano'n, hindi na namin kailangang magpanggap sa harap niya. Masaya akong tinanggap niya ang relasyon namin nang walang panghuhusga. Sana lahat ay katulad niya. Nang gabing iyon ay nakatulog ako nang nakangiti dahil sa ligayang nararamdamdan.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 1

    "Shaira! Shaira!" mabilis akong lumabas sa kitchen nang marinig ang tawag sa akin ni sir Maverick. "Po? Anong problema, sir?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. "Samahan mo akong kumain" iminuwestra niya ang upuan sa harap niya. Laging ganito ang setup namin. Sa lahat ng katulong dito sa bahay ay ako ang lagi niyang tinatawag upang samahan siyang kumain. Hindi lingid sa kaalaman ko ang nararamdamdan ni sir sa akin. Lagi ko siyang naririnig na pinupuri ako dahilan kung bakit maraming galit na katulong dito sa mansyon ng mga Arañez. "Umupo ka. Hindi dapat nagpapalipas ng gutom ang isang magandang katulad mo" puri niya sa akin. Ang anak ng boss ko na si sir Maverick Arañez ay isang bachelor. Twenty seven years old na siya ngayon ngunit wala pa siyang ipinakilalang babae sa mga magulang niya. Lagi niyang sinasabi na may nagugustuhan siya ngunit hindi niya maaaring sabihin. "Kumusta pala ang trabaho mo, Sir?" tanong ko upang maiwasan ang ilang na namagitan. "Pwede ba akong mag-a

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 2

    Napatanga ako sa laki ng penthouse ni sir Maverick. Penthouse ba talaga to? Mas malaki pa yata ang sala nito kesa buong bahay namin. Ngayong araw ay lumipat na ako sa penthouse gaya ng napag-usapan namin ni sir noong nakaraang gabi. At gaya ng napag-usapan ay hindi ako nandito bilang asawa, kundi bilang personal na katulong. "Here's our room" untag ni sir.Our room? Magkasama kami sa iisang kwarto? Akala ko ba nandito lang ako dahil kailangan niya ng personal na katulong? Hindi naman kami pwedeng magsama sa iisang kwarto dahil hindi naman ako sigurado sa inamin niya noong nakaraan.Umupo siya sa sofa nang naka-de-kwatro. Pinanood ko lamang siya habang ginagawa niya iyon. Ako naman ay patuloy na inililibot ang tingin sa buong bahay. Maganda ang desinyo, bumabagay sa kulay ng puting kesame at beige na dingding. "Si Aling Bebang ang maglilinis dito. Ang gagawin mo ay ipagluluto lang ako dahil gusto kong matikman ang luto mo. Sasamahan mo rin ako sa lahat ng lakad ko" sabi niya nang hi

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 3

    Isang linggo na simula noong tumira ako sa penthouse ni sir. Araw-araw niya akong dinadala sa office niya. Kapag nasa office niya ako ay wala akong ibang ginagawa kundi ang ipagtimpla siya ng kape at papanoorin siya buong maghapon.Sa loob ng isang linggo ay si Kyla lang ang nakakausap ko. Hindi naman pala siya suplada. Sa katunayan nga ay mabait si Kyla. Nalaman kong magka-barkada pala sila ni sir. Marami sila sa kanilang grupo ngunit ang iba daw ay madalang nalang makakasama dahil mayroon ng mga sariling pamilya. Namangha pa ako dahil kaibigan niya ang kinuha niyang secretary at hindi ibang tao. "Lima nalang kami sa barkada na wala pang anak. Sa tingin ko, si Mr. Arañez ang susunod na hindi na pwede sa mga gala dahil may anak ng binabantayan" kwento ni Kyla.Tumikhim ako. Hindi niya alam ang namagitan sa amin ni sir. Ngunit hindi ko maiwasang magduda na may napapansin siya sa mga kilos namin. "May girlfriend si sir? Tumawa lang siya ng nakakaloko kaya nagtaka ako. Nagsisinungalin

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 4

    Nagising ako dahil sa lamig na nararamdamdan. Pagmulat ko ng mata ay agad na sumikdo ang sakit sa aking ulo. Mariin akong pumikit at hinilot ang sintido. Bumangon ako at agad ding napayakap sa katawan nang mapansing wala akong damit. Nilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto ko. Litong-lito ako sa nangyari.Naninigas ang katawan ko nang maramdamang may gumalaw sa tabi ko. Dahan-dahan akong lumingon at halos ipagdarasal ko na sana ay kainin ako ng lupa nang makita ang katabi. Bakit nandito si sir? Anong nangyari, bakit kapwa kami nakahubad?"Hmm" ungol ni sir.Parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko maalala kung paano pero alam kong may nangyari sa amin. Napag-usapan na namin na hindi muna pasukin ito. Kapag nagbunga ito ay malalaman ng lahat ang sekreto namin. Masasaktan si nanay. Tumayo ako, tinakpan ang sarili gamit ang kumot at agad na nagsisi nang humakbang ako. Sobrang sakit ng nasa baba ko. Impit akong napahiyaw sa hapdi."Don't move" nagulat ako nang magising siya. Tiningnan ko

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 5

    Lunes na nang makabalik kami sa penthouse ni sir. Iyon ay dahil gusto pa nilang manatili sa bahay noong linggo. Bumalik sa normal ang lahat, maliban sa naging sweet at bukas kami sa isa't isa. Pagkatapos naming mag-agahan ay gumayak na kami papuntang office. Nakasalubong namin si Kyla na may nanunuyang tingin. "Over naman sa hangover. Buong weekend talaga kayong wala?" umirap siya bago kami talikuran. "Akala ko pumasok ka noong sabado?" tanong ko kay sir na tahimik lang papasok sa office. "Na-miss kita, eh. Anong magagawa ko?" depensa niya. "Pwede mo naman akong I-text na lang. Hindi mo naman kailangang umabsent" umismid ako. "Hindi ka nga nagre-reply kaya pinuntahan na kita" parang batang tampo niya. Inismiran ko na lang siya upang itago ang kilig. Kung dati ay naka-pokus lang siya sa kaniyang laptop. Ngayon naman ay halos hindi na siya mag-trabaho kakatitig sa akin. "Hindi naman ako mawawala, sir" umismid lang ako. "Gusto kong titigan ka" "Bakit? Ako ba ang trabaho

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status