LOGIN“Kapitan... ano kasi...” Hindi kailanman nakaranas si Vincent ng ganito ka walang-kwenta at kahiya-hiyang sitwasyon sa buong buhay niya bilang isang CEO. “May mahalaga pa akong meeting sa kumpanya ngayon, kaya kailangan ko nang umalis...”Ang bawat karagdagang salita na sasabihin niya ay magiging sanhi lang ng mas matinding kahihiyan… Subalit nang makalayo na siya ng ilang hakbang, bigla pa rin siyang lumingon at hindi napigilang sumigaw, “Kapitan...”Bahagyang ngumiti ang kapitan ng barangay. “Mr. Fuentebella, may maaari pa ba akong maitulong sa inyo?”“Alam mo ba...” Napakahirap para kay Vincent na bigkasin ang mga salitang ito. Ang sarili niyang lola ay hindi niya alam kung nasaan, at kailangan niya pang magtanong sa ibang tao kung saan ito nagtungo. Pero kung hindi siya magtatanong ngayon, mukhang wala nang ibang makakapagbigay sa kanya ng malinaw na sagot. “Tungkol kay Lola... alam mo ba kung saan siya pumunta?”Umiling ang kapitan bilang tanda na wala rin itong alam. “Wala ak
“Ah... sige po, Sir,” sagot ng guard na hindi maintindihan kung bakit nakikipag-usap ang lalaking ito sa kanya. Normal lang ba talaga sa mga mayayaman na maging ganito kadaldal kapag nakakainom sila nang marami?Sa mga sandaling ito, talagang napakaraming gustong sabihin ni Vincent. Habang nag-aantay ng sasakyan, sinabihan niya ang guard, “Napakaraming pagkain ang inihanda ni Lola para sa akin, sinadya niya talaga ‘yun para sa birthday ko.”“Ah, ganun po ba? Napakabait naman pala ng lola niyo,” wala na lang nagawa ang guard kundi ang sumabay sa mga pinagsasabi niya kahit pa nagtataka siya dahil napakalayo ng Baguio na pupuntahan nito..“Oo, napakabait ni Lola, she's the most important person to me... kailangan ko nang bumalik ngayon, I can't keep her waiting for too long.”“Tama po ‘yan, Sir, kailangang bigyan ng oras ang mga matatanda.”“Kapag nagkaroon ako ng free time sa kumpanya, I will bring Lola to a nice vacation para makakita ng dagat...”“Sir, napakabait at napaka-responsable
Subalit hindi niya kayang buhatin si Vincent nang mag-isa. Kapag ang isang tao ay lubusang nalasing, nagiging napakabigat ng katawan nito na parang isang bloke ng semento. Kakabuhat pa lang niya kay Vincent nang biglang lumambot ang katawan nito at muling bumagsak sa upuan.“Mitch, ako na... tutulong sa’yo.” Medyo may tama na rin si Norman, pero nagawa niya pang isabit ang braso ni Vincent sa kanyang leeg upang magkasama nilang mailabas si Vincent mula sa restaurant.Dahil malapit lang ang kainan sa subdivision kung saan namalagi si Mitch ngayon, dire-diretso ng dinala ni Norman si Vincent sa loob ng condo unit ni Mitch.“Mitch, pinapaubaya ko na si Vincent sa’yo, ah. Sobrang lasing ang isang ito kaya alagaan mo nang mabuti. I won't bother you two tonight.” Makahulugan at may kasamang pang-aasar ang pananalita ni Norman bago umalis.Inirapan siya ni Mitch ng pabiro. “Umalis ka na nga riyan, kung ano-anong kabalastugan ang pinagsasabi mo!”Subalit sa mismong sandali na makaalis ito, mab
Isang three-minute video na may lumang kantang “Kaibigan” ang nagpakita ng buong kwento ng kanilang kabataan. Sa kalagitnaan ng kanta, nanguna si Mitch sa pag-awit habang sumasabay sina Norman at Barry…. “Kaibigan, magkakasama sa bawat landas, mga sandaling lumipas ay ‘di na magwawakas. Isang salita, isang buhay, pag-ibig na tunay, isang tagay...”Sa huling bahagi ng kanta, hindi na napigilan nina Norman at Barry na maiyak sa matinding emosyon.“Vincent! Happy birthday! Cheers to long-lasting friendship!” malakas na sigaw ni Mitch habang nagtutulak ng isang malaking birthday cake palabas.Nakasaad sa ibabaw ng cake ang dedikasyon…. Happy Birthday sa pinakamamahal naming Vincent! Mula sa iyong mga tunay na barkada!Pati si Vincent ay naluha na rin sa nasaksihan. “Salamat... maraming salamat sa inyo...”“Huwag sa amin ang pasasalamat! Pasalamatan mo si Mitch, because this whole plan was her idea! Maging ang cake ay mismong gawa rin ni Mitch with her own hands.” Itinulak ni Norman si Mitc
Bukod sa mga okasyon, anniversaries, at mga birthdays, ang iba pang mga pang-araw-araw na larawan sa kanyang album ay puro pagnanakaw-tingin lang niya. She used her phone camera para i-record ang lalaki sa loob ng limang taon, isang patunay kung gaano kapuno ng pagmamahal ang puso niya para rito noon.Kapag mahal mo ang isang tao, gugustuhin mong kuhanan ang bawat anggulo at expression niya, hinding-hindi ka mapapagod kumuha ng photos, at hinding-hindi ka mapapagod titigan ang mga ito.Limang taon, halos dalawang libong araw. Kahit sabihin nating isang larawan lang kada araw, aabot na agad ‘yun sa mahigit isang libo. Paano pa kaya kung sa isang araw ay hindi lang naman iisang shot ang kinukuhanan niya? Hindi na nagdalawang-isip si Kate. Dire-diretso niyang ini-swipe ang kanyang mga daliri sa buong screen, sabay click ng delete.Ang limang taon ng kanyang buhay, ang halos dalawang libong araw at gabi—ang burahin ang lahat ng alaala na ‘to ay nagawa lang sa ilang pindot ng daliri.Matapo
When you start something, you have to give your one hundred percent effort to it. Kung noon ay nagpapagaling lang si Kate na parang walang gana at pwedeng ihinto anytime, ngayon ay ginawa niyang main goal ang muling makatayo sa ibabaw ng entablado. She was no longer like before na whatever the result is, okay lang sa kanya. The truth is, kailangan at dapat siyang makabalik sa stage na para talaga sa kanya.Kaya naman, nang maging malinaw ang kanyang goal, her whole being reached the strongest state of determination. Every day in her life, aside from video calling her grandmother sa Manila, ay nauubos sa pagtulong sa logistics at backstage ng dance troupe. And the remaining time was used for her rehabilitation training.Dahil sa ganitong kaabalahan at great teamwork ng grupo, tuluyan niya ng nakalimutan ang isa pang chapter ng buhay niya sa Pilipinas. That day, natapos na ang serye ng performances ng dance troupe sa France, and they were preparing to travel to Germany.At 5:00 AM in the
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Kate sina Vincent at Mitch. Matapos ang ilang segundong ilangan, mabilis nilang tinanggap ang bagong papel nila at magkausap na sila nang masaya kasama ang mga business partners, nagtatawanan, parang walang iniisip.Bagay talaga sila…Tahimik na kinuhanan ni Kate ng lit
“Vincent…” hindi niya napigilan ang sariling humikbi. Binigkas niya ang pangalan nito na parang isang panalangin na mahina, basag, puno ng pagod.“Hmm? Kate?” marahan nitong hinawakan ang kamay niya. “What’s wrong? Naiiyak ka ba? If you want to cry, just cry. Huwag mong pigilan ang sarili mo.”Napak
PAGKATAPOS ng gabing iyon, muli ni Kate pinulot ang mga libro. Noong una, hindi siya nag-isip ng malalim. Ang gusto lang niya ay bigyan ng kahit konting kulay ang maputla at tahimik niyang buhay, isang lihim na sandalan, isang bagay na pagkakaabalahan. Dahil kapag may ginagawa siya, hindi niya masya
MAINGAT na inobserbahan ni Mitch ang sitwasyon at saka siya sumingit sa tamang sandali.“Vincent, huwag kang magalit dahil sinasabi ng lahat na hindi maganda ang asawa mo,” malumanay niyang sabi. “They’re just worried about you. Think about it—ilang taon na kayong magkakaibigan. Kahit may nasabi sil







