Se connecter“Oh, fuck! Is this an indirect kiss?” Tukoy niya sa baso na ininoman niya. Dahil iyon din mismo ang baso kung saan uminom si Darwin. “Pero pwede bang makahingi ng direct kiss?”
Pero gaya kanina ay parang hindi pa rin talaga makapaniwala ang lalaki sa kaniya. Nakatitig lang ito habang hawak niya ang baso. Hindi man lang nito kinuha ang baso sa kamay niya. Hindi ito nagreklamo man lang na uminom siya sa baso nito.
“Pwede ba?” ulit niyang tanong dito pero hanggang ngayon ay parang wala pa rin itong kibo.
Imbes na maghintay siya sa sagot nito ay dahan-dahan siyang tumayo at lumapit dito. Inilapag niya sa mesa ang baso nito at saka siya bahagyang yumuko palapit sa lalaki.
Nahuli pa niyang napakurap si Darwin sa ginawa niya kaya agad namang ngumiti ang mga labi niya.
Alam mo, parang Tide lang yan. Gulat ka, 'no? Tukso ng utak niya.
Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang tapang niya ngayon. Siguro sa tequila o baka naman sa sakit na matagal na niyang kinikimkim.
Whatever.
Basta ang alam niya, ayaw niyang umuwi ngayong gabi na umiiyak na naman dahil sa lalaking walang ibang ginawa kundi lokohin siya. Gusto niyang gumawa ng mali kahit isang beses lang. Gusto niyang maging reckless. Pwede naman siguro yon eh.
"D-direct kiss," ulit niya, bahagya pang nauutal dahil sa kalasingan. "You know... lips to lips."
"I know what a direct kiss is."
Napangiti siya sa pagiging suplado ng kaharap niya.
Infairness, alam niya. Very good ka dyan, boy. At dahil dyan may three points ka sakin.
"So?" Tinaas niya ang dalawang kilay. "Yes or yes?"
"Those are the same choices."
"No." Umiling siya. "Magkaiba ang spelling."
For the first time, tuluyang natawa si Darwin. Hindi malakas ang tawa nito, isang mahinang tawa lang habang napapailing. Tawang-tawa pa ang poging lalaki sa ginagawa niya. Hindi naman sana siya nag-jo-joke.
Pero sapat na iyong tawa na yon para mapatitig siya sa mukha nito.
Shocks. Mas gwapo pala ito kapag tumatawa.
Parang gusto niyang magalit sa Diyos. Bakit may mga taong ganito kagwapo? Samantalang siya, kapag tumatawa nang malakas, mukha raw siyang hinihingal na sea lion sabi ng mga kaibigan niya.
"You're drunk," sabi nito.
"I'm not."
"You can barely stand." Tinuro pa nito ang postura niya kanina. "And you're slurring your words."
"British accent 'to uy."
Darwin stared at her at hindi rin siya nagpatalo, nakipagtitigan din siya dito. Anong akala nito, ito lang ang marunong?
"You're not British."
"How sure are you?" tanong niya pa.
"Your accent disappeared just now."
Napanganga siya. Bwisit! Mas matalino pa pala ito sa kaniya!
"Fine." Umirap siya. "I'm drunk. Pero gusto pa rin kitang halikan."
Biglang nawala ang amusement sa mukha ng lalaki. Mary Jane watched him carefully. Hindi naman ito mukhang galit. Mas lalo lang itong naging seryoso.
"Mary Jane."
"Hmm?"
"I'm not kissing you."
Aray naman! Sigaw ng utak niya. Masyado naman itong harsh! Mas masakit pa yata iyon kaysa noong malaman niyang may ibang babae ang ex niya.
Well, OA lang siya. Pero masakit pa rin. Masakit matanggihan, okay!
"Ah." Tumango-tango siya. "Okay."
Bumalik siya sa stool niya at agad kinuha ang isang shot glass na nasa harapan niya. Hindi niya alam kung kaniya ba iyon o sa ibang tao. Basta may tequila.
Pero bago pa niya iyon maitaas sa labi niya, isang malaking kamay ang humawak sa pulsuhan niya.
"No more drinks."
Napatingin siya kay Darwin. "Excuse me?"
"You've had enough."
"Excuse me?" ulit niya, mas madiin na ngayon. "Are you my father?"
"No."
"Then don't tell me what to do."
Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya pero hindi siya nito agad binitawan. Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak nito. Sapat lang para pigilan siyang inumin ang nasa baso.
"Give it back."
"No."
"Darwin."
"Mary Jane."
Naningkit ang mga mata niya. Ginagaya pa siya ng mokong. Matapos siya nitong pagdamutan ng kiss ay aagawin pa nito ang drinks niya. Ang galing naman talaga.
"Give. It. Back."
"No."
"Ang sungit mo."
"I know.”
"Ang gwapo mo."
Bahagyang gumalaw ang kilay nito. Napakagat si Mary Jane sa dila niya.
Shit. Hindi kasama iyon.
"I mean..." Umayos siya ng upo. "Ang pangit mo."
"You just called me handsome."
"Joke lang yon, naniwala ka naman.”
Napabuntong-hininga siya nang malalim. Gusto niyang makipag-away pero parang hindi siya makahanap ng tamang dahilan para awayin ito. Kaya tumalikod na lang siya at ipinatong ang magkabilang braso sa counter.
"Rejected," malungkot niyang bulong. "Twice in one week," dagdag niya.
This time, she heard him sigh. "Who rejected you?"
"Wala kang pakialam."
"You brought it up."
"Pero hindi ibig sabihin no'n kailangan mong magtanong."
Napanguso siya. Hindi niya alam kung bakit, pero biglang bumigat na naman ang dibdib niya. Kanina, okay naman siya. Kanina, natatawa pa siya. Pero ngayon, parang gusto na naman niyang umiyak.
Nakakainis talaga ang alak. One minute, gusto mong humalik ng stranger. The next minute, gusto mong umiyak dahil naalala mong niloko ka.
"Five years," mahina niyang sabi. "Five years kami. Binigay ko lahat." Napatingin siya sa mga daliri niya. "Oras ko. Effort ko. Pera ko kapag wala siyang pera. Ako pa nga minsan nagbabayad ng date namin." Napatawa siya nang mapait. "Teacher lang ako at hindi naman kalakihan ang sahod ko. Pero okay lang kasi mahal ko."
Tahimik pa rin si Darwin. At sa hindi malamang dahilan, mas naging madali para kay Mary Jane na magsalita dahil hindi ito nagbibigay ng kung ano-anong advice. Hindi nito sinasabing magiging okay din ang lahat. Hindi nito sinasabing may darating na mas better.
Nakikinig lang ito at yon ang kailangan niya sa mga oras na yon.
"Akala ko pakakasalan niya ako. Ano bang mali sa'kin?"
Mabilis niyang pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi niya. Pati mga luha niya nagiging artista na rin.
"Mary Jane."
"Huwag mo akong tingnan."
Agad niyang tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay.
Nakakahiya. Nilandi niya ang lalaki kanina at humingi pa siya ng kiss. Tapos ngayon umiiyak siya sa harapan nito. Ano pa kaya ang pwede niyang gawin para tuluyang mawalan ng dignidad ngayong gabi? Baka mamaya sumayaw siya sa ibabaw ng counter.
"Ang pangit ko na," reklamo niya.
"No."
Natigil siya at dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niya.
"What?"
"You're not ugly."
"Eh bakit ayaw mo akong halikan?"
Darwin closed his eyes for a second na para bang nagsisisi itong nagsalita.
"That's not the reason."
"Then why?"
"Because you're drunk."
"So?"
"So, you're not thinking clearly."
"I'm thinking clearly."
"You said you were British five minutes ago."
Napanguso siya. May point naman ang lalaki pero ayaw niyang aminin.
"Maybe I really am British."
"You're not."
"Racist."
"That's not how racism works."
Napatawa siya kasi hindi niya napigilan. Kanina lang ay naiiyak siya pero ngayon, tumatawa na naman siya.
"You're weird," sabi ni Darwin.
"Thank you."
"That wasn't a compliment."
"I accept all compliments."
Napailing ito. Mary Jane rested her chin on her palm and stared at him.
Gwapo talaga. Nakakainis.
Pasadong-pasado talaga ito sa checklist niya ng ideal na lalaking gusto niyang makasama kahit isang gabi lang. Pasado agad ito sa physical appearance.
Tall. Check.
Handsome. Check na check.
Mukhang may pera. Check.
Mature. Well, sinipat niya ito ng tingin. Mula ulo hanggang paa. Well, matured nga naman. Saktong-sakto talaga. Ano pa bang hahanapin niya dito diba?
"How old are you?"
Darwin looked at her. "Why?"
"Survey lang. Bawal ka bang tanungin?"
"What survey?"
"Secret."
"Then I'm not answering."
"Thirty?" Pero hindi ito sumagot. "Thirty-five? Forty?"
His eyebrow rose. Napanganga na lang siya. Ayaw nitong sumagot sa mga hula niya kaya mas taasan na lang niya at baka umamin din diba?
"Oh my God. Forty ka?"
"No."
"Fifty?"
"Do I look fifty?"
"Hindi. Pero baka maganda lang ang skincare mo."
Darwin shook his head. "I'm thirty-seven."
Napatigil siya. Thirty-seven. Nine years older than her. Mary Jane slowly smiled.
Mature. Check.
"Single?"
"You're asking a lot of questions."
"Sagutin mo na lang kasi. Research nga diba."
"About?"
Teka, about nga pala saan itong survey niya? Wala siyang maisip na alibi kaya napakamot siya sa kaniyang batok at nakagat pa niya ang pang-ibabang labi niya. Shocks talaga!
"What kind of research?"
She leaned closer. "Confidential."
Darwin stared at her for a few seconds before answering.
"Single."
Her smile widened. Check.
"Married before?"
His expression slightly changed. Napansin iyon ni Mary Jane pero masyado nang mabagal ang utak niya para pag-isipan pa kung bakit.
"No."
"May girlfriend?"
"No."
"Boyfriend?"
"No."
"Open-minded ako."
"I can tell."
Napahagikgik siya. Okay.
Handsome. Tall. Mature. Single.
Kaso may kulang pa sa mga tanong niya. Wala siyang pakialam kung makulitan man ito sa kaniya ngayon basta masigurado niya lang na saktong-sakto ito sa checklist niya talaga.
"May trabaho ka?"
"Yes."
Ayon naman pala, pasok pa rin.
"Ano?"
"Business."
"Anong business?"
"A few."
Napakunot ang noo niya. "A few?"
Tumango ito bilang sagot sa tanong niya. "Drug lord ka? Mafia? Politician?"
Pero imbes na sagutin nito lahat ng mga tanong niya ay umiling lang ito.
"Good." Tumango siya. "Ayoko sa politician."
Darwin took his whiskey and drank. Her gaze automatically fell on his lips. Those lips.
Sayang.
"Sure ka talagang ayaw mo akong halikan?"
He put his glass down.
"Last chance, bibigyan pa kita ng last chance."
Pero umiling pa rin ito.
"Ayaw mo talaga? Final answer na ba yan?"
"Final."
"Okay, fine." Umayos siya ng upo. Then she raised one finger. "Pero may proposal ako. One night."
Darwin went still. Ngumiti muna siya bago niya sinabi ang proposal niya rito. Siguro naman diba, hindi siya nito tatanggihan.
"One unforgettable night. Please… Isang gabi lang."
The morning sunlight slipped through the thin cream curtains of Mary Jane's apartment, landing directly on her face.She frowned. Unti-unti siyang gumalaw, pilit na ibinabaon ang mukha sa unan. Ngunit kahit anong tago niya, hindi pa rin matakasan ng liwanag ang mga mata niya."Five minutes..." mahina niyang ungol.Pero wala namang nakinig. Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang dumilat. Agad siyang napapikit ulit."Ouch..."Parang may marching band sa loob ng ulo niya.Mariin niyang kinusot ang sentido habang dahan-dahang umupo sa kama. Magulo ang buhok niya. Bahagyang gusot ang oversized shirt na suot niya kagabi. Nasa gilid pa rin ng kama ang handbag niya, pati ang sapatos na basta na lang niya hinubad bago matulog.Napatingin siya sa digital clock sa bedside table.8:17 A.M.Nanlaki ang mga mata niya. "Ay! Jusko! Alas otso na! Putek naman, oo!"Halos mahulog pa siya sa kama sa pagmamadaling tumayo."Lunes ngayon pala ngayon! Kainis naman oh, late na ko!"Mabilis siyang tumakbo
"One unforgettable night. Please… Isang gabi lang."Hindi agad nagsalita ang lalaki. Parang nagulat pa ito sa proposal niya. Pero sabagay, sino bang hindi magugulat kung mismong babae pa ang mag-offer sayo ng ganito diba? Pero ano bang pakialam niya? Gusto lang niyang makalimot kahit itong gabi lang. Gusto niyang makalimutan ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang mabura muna sa kaniyang alaala ang lahat ng hinanakit niya sa mundong to.Gusto niyang makalimutan ang lahat ng ginawa sa kaniya ng ex-boyfriend niya. Siguro naman valid tong nararamdaman niya diba? Kung valid man o hindi, wala siyang pakialam. Ang gusto lang niya ay magawa niya ang bucket list niya ngayong gabi. Kahit ngayong gabi lang.For the first time since she approached him, parang tuluyan nitong nawala ang kalmadong expression na pilit nitong pinapakita kanina. Nakita pa niya ang paglunok nito ng laway na parang kabado pa. Hindi niya masisisi ito kasi maski siya ay kinakabahan din sa ginagawa niya. Hindi
“Oh, fuck! Is this an indirect kiss?” Tukoy niya sa baso na ininoman niya. Dahil iyon din mismo ang baso kung saan uminom si Darwin. “Pero pwede bang makahingi ng direct kiss?”Pero gaya kanina ay parang hindi pa rin talaga makapaniwala ang lalaki sa kaniya. Nakatitig lang ito habang hawak niya ang baso. Hindi man lang nito kinuha ang baso sa kamay niya. Hindi ito nagreklamo man lang na uminom siya sa baso nito.“Pwede ba?” ulit niyang tanong dito pero hanggang ngayon ay parang wala pa rin itong kibo.Imbes na maghintay siya sa sagot nito ay dahan-dahan siyang tumayo at lumapit dito. Inilapag niya sa mesa ang baso nito at saka siya bahagyang yumuko palapit sa lalaki.Nahuli pa niyang napakurap si Darwin sa ginawa niya kaya agad namang ngumiti ang mga labi niya.Alam mo, parang Tide lang yan. Gulat ka, 'no? Tukso ng utak niya.Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang tapang niya ngayon. Siguro sa tequila o baka naman sa sakit na matagal na niyang kinikimkim.Whatever.Basta ang alam
The loud music inside the bar was almost enough to drown out the chaos inside Mary Jane Reyes' head.Almost kasi kahit gaano kaingay sa loob ng bar, parang mas maingay pa ang loob ng puso at utak niya. Ang gusto lang niyang mangyari ngayon ay makalimutan kahit sandali ang sakit na nararamdaman niya.Pero bakit ganon? Ayaw pa rin talagang mawala. Parang sinasagad ang damdamin niya at sinasaksak nang paulit-ulit.Okay lang sana kung ibang sagad ang nangyayari, pero hindi eh. Hindi sagad na masarap ang nararamdaman niya. Kundi sagad na masakit.She tilted the tiny shot glass and downed another tequila in one gulp. Ang sarap sa pakiramdam na mainit-init pa sa kaniyang lalamunan. Mabuti pa tong iniinom niya, nakakaramdam pa siya ng sarap."Isa pa."Hindi na siya sigurado kung pang-ilang shot na niya iyon. Basta ang alam niya, masyado pa ring malinaw sa isip niya ang mukha ng lalaking sinayang ang limang taon ng buhay niya.Muli na namang bumangon ang galit niya sa hinayupak na yon. Gusto n







