LOGIN
Sa ikatlong taon ng pakikipag-relasyon ni Beatrice sa kanyang "puppy boyfriend" na mas bata sa kanya ay nagpasya siyang mag-propose na rito.
Maingat siyang naghanda ng isang candlelight dinner. Nagsuot siya ng isang magandang damit at nag-ayos ng mukha para maging mas kaakit-akit ang kanyang itsura. Habang nagsasalin siya ng red wine ay bigla siyang niyakap ni Benedict mula sa likuran. Ramdam ni Beatrice ang mainit na hininga nito sa kanyang tainga habang bumubulong “Naisip mo na ba sa wakas, Beatrice? Ngayong gabi ba…?” Mahigpit na pumulupot ang matipunong braso nito sa kanyang baywang habang ang mahahabang daliri nito ay dahan-dahang humahaplos sa tela ng kanyang damit. Humarap si Beatrice at bahagyang tinulak ang dibdib ng binata. “Tigil na muna. Kumain muna tayo.” Si Benedict ay tatlong taon ang bata sa kanya at magtatapos na sa kolehiyo. Matangkad ang binata at kahit simpleng puting T-shirt lang ang suot nito ay bakas pa rin ang malapad na balikat, maliit na baywang at matitigas na pandesal sa tiyan. Matalim at guwapo ang mga katangian ng mukha nito na parang sikat ng araw sa umaga na punong-puno ng sigla. Tumawa nang mahina ang binata at nakakalokong ngumiti. Humakbang ito papalapit at kinulong siya sa pagitan ng mga braso nito. Hinawakan nito ang kanyang manipis na pulso at isinandal siya sa wine cabinet bago siya hinalikan nang malalim. Sa ilalim ng aandap-andap na liwanag ng kandila ay lalong naging mapusok ang mga halik nito. Muntik nang madala si Beatrice sa sidhi ng pagmamahal ng kanyang “puppy boyfriend.” Pero dahil may seryoso siyang sasabihin ay pinigilan niya ito bago pa man lumalim ang lahat. Bahagyang dumilim ang tingin ng binata. Kinagat nito ang labi at pabulong na nagsalita nang paos “Beatrice… huwag na tayong mag-hapunan. Ako na lang ang kainin mo.” Natawa nang mahina si Beatrice. Ang ganda ng kanyang mukha lalo na kapag ganito. Bagama't tatlong taon ang tanda niya rito ay madalas siyang magmukhang suplada dahil sa bigat ng trabaho. Tinatagurian pa nga siyang “Ice Queen” ng mga kaibigan ni Benedict pero kapag ngumingiti na siya ay parang yelong natutunaw sa ganda. Dahil dito ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Benedict. Sa isip ng binata ay ang excitement na mapasakamay niya ang babae ngayong gabi ay hindi na niya mapigilan. “Maupo ka na,” paalala ni Beatrice. Nagsalin ng alak si Beatrice at tiningnan ang lalaking masunuring umupo. Iyon ang pinakagusto niya sa kanyang puppy boyfriend, napaka-amo nito. Inilapag niya ang baso at naupo sa tapat nito. Sa gitna ng madilim na dilaw na ilaw ay may kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Bihirang magpakita ng hiya si Beatrice pero ngayon ay tila naninibago siya. “Benedict, mahal mo ba ako?” Hinawakan ng lalaki ang likod ng kanyang kamay. Ang mapaglarong tingin nito ay napalitan ng seryosong ekspresyon. “Tatlong taon mo na akong sinusubok. Hindi mo pa ba alam ang nararamdaman ko? Siyempre, mahal kita, Beatrice.” Ngumiti nang bahagya si Beatrice at naglabas ng isang velvet box. “Para sa’yo.” Sa loob nito ay isang simpleng singsing na pilak na kumikinang sa liwanag. Biglang nagbago ang mukha ni Benedict, sa halip na matuwa ay tila nagng bato siya sa gulat at lamig. Inisip ni Benedict na baka nabigla lang ito o hindi pa handa ang isip. “Beatrice… anong ibig sabihin nito?” “Kinukulit na ako ng pamilya ko. Gusto na kitang ipakilala sa kanila para maayos na ang kasal natin.” paliwanag ni Beatrice habang nakatitig sa mga mata nito. “Bakit? Ayaw mo ba?” Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ay kitang-kita ng lahat kung gaano siya kamahal ni Benedict. Kung hindi ay hindi sila mananatili sa ilalim ng iisang bubong nang walang nangyayaring lampas sa hangganan. Inabot ng tatlong taon si Beatrice bago tuluyang tanggapin ang binatang ito. Siyempre, nang sagutin niya ito noon ay hindi lang dahil sa tiyaga nito kundi dahil nalaman na rin niya ang background nito. Siya ang batang tagapagmana ng pamilya Mendoza sa Quezon City. Itinago nito ang tunay na pagkatao para mag-aral sa timog at mamuhay na parang ordinaryong tao sa loob ng apat na taon. Magkaiba ang sitwasyon nila. Si Beatrice ang panganay na anak ng pamilya Aquino na kinalimutan na ng ama. Matapos mamatay ang kanyang ina ay dinala ng ama ang kabit at anak sa labas sa kanilang bahay at siya naman ay ipinatapon sa ibang probinsya nang maraming taon. Pagkabalik niya ay gusto niyang mabawi ang puwesto niya sa pamilya Aquino. Sinunod niya ang payo ng kanyang lolo na talikuran niya ang marangyang buhay at hawakan ang isang kumpanyang malapit nang malugi. Kung mapapalago niya ito sa loob ng tatlong taon ay ibibigay sa kanya ng kanyang lolo ang negosyo ng pamilya. Ang pamilya Mendoza at Aquino ay parehong makapangyarihan. Bagay na bagay sila, sa yaman man o sa pag-ibig. Ngayong napatunayan na niya ang sarili ay nabalitaan niyang may planong pag-isahin ang dalawang pamilya sa pamamagitan ng kasal. Upang hindi siya maunahan ng kanyang kapatid sa labas ay nagpasya si Beatrice na panahon na para ilantad ang lahat. Akala niya ay maglulundag sa tuwa si Gabriel ngunit kabaligtaran ang nangyari. Puno ng takot ang mukha nito. Ang singsing na pinili niya na may ukit pa ng kanilang mga initials ay tila isang sumpa para sa lalaki. Hindi man lang nito magawang hawakan ang singsing. “Beatrice, masyadong biglaan ito. Hindi pa ako handa.” sabi ni Benedict sabay tayo. Biglang naging malamig ang pakikitungo nito “Ay, oo nga pala, pinapatawag ako ni Paul. Kailangan ko nang umalis.” Nagmamadali itong lumabas at nakalimutan pa nitong magpalit ng sapatos. Malakas na bumagsak ang pinto at narinig na lang ni Beatrice ang pag-alis ng sasakyan nito. Nakatitig lang si Beatrice sa singsing na hindi man lang nahawakan ng binata. Mukhang wala pala itong balak na pakasalan siya. Napatingin din siya sa simpleng bracelet sa kanyang kamay na tila nangungutya sa kanyang maling akala. Binili ito ni Benedict noong unang taon nila. Nagtrabaho pa ito ng isang buwan para lang makaipon ng anim na libong piso para mabili iyon. Kahit alam niyang mayaman ang pamilya ni Benedict ay nakita niya kung paano ito naghirap sa initan para lang kumita ng sariling pera. Doon siya tunay na nahulog sa kanya. Akala ni Benedict na si Beatrice ay may-ari lang ng isang maliit na kumpanyang malapit nang malugi kaya pinangako nito na kapag yumaman ito ay hindi niya kailanang magpakagod sa pagtatrabaho. Nagpanggap itong mahirap na estudyante. Nagpanggap naman siyang hirap na negosyante. Nalampasan nila ang mga pagsubok nang magkasama pero ngayong oras na para maging tapat ay bigla itong umatras. Hatinggabi na pero hindi pa rin bumabalik si Benedict. Sabi nito noon ay ang mabuting lalaki ay umuuwi bago mag-alas dose. Tinawagan ni Beatrice ang cellphone nito pero nakapatay ito. Ganoon ba siya natakot sa alok na kasal? Pumunta si Beatrice sa bar na madalas nilang tambayan para kausapin ito nang maayos. Bahagyang nakabukas ang pinto ng private room. Bago pa siya makapasok ay nakita niya ang lalaki sa loob na humihithit ng sigarilyo. Alam niyang naninigarilyo ito pero nang minsang masabi niyang masama iyon sa katawan ay hindi na ito nanigarilyo sa harap niya. Nagbulag-bulagan na lang siya noon. Sa harap niya ay palaging masunurin ang binata. Sobrang sunod-sunuran kaya marami siyang hindi napapansing maliliit na detalye. Pero ngayon, ang masunuring "puppy" na iyon ay mukhang katulad lang ng ibang lalaki. May yakap na magandang babae habang nakapatong ang mga binti sa sofa. Sanay na sanay itong magpa-sindi ng sigarilyo sa babae. Ang pulang apoy ay kumikislap sa pagitan ng kanyang mga daliri. Isang kaibigan ang tumawa nang nangungutya. “Young Master Mendoza, sabi ko naman sa’yo makipag-break ka na noon pa. O ayan tuloy na-inlove na sa’yo at gusto ka pang pakasalan. Alam ba niya kung sino ka talaga?” Nanigas si Beatrice sa labas ng pinto. Ang mga kaibigan na tawagin siyang "Ate" sa harap niya ay iba na pala ang tawag sa kanya sa likuran. Nagbuga ng usok si Benedict at kinagat ang ubas na isinusubo ng babae. Malamig ang tingin nito naparang isang estranghero. “Nananaginip siya. Akala ba niya ay makakapasok siya sa pamilya Mendoza? Impossible. Pinakamataas na siguro na gawin ko siyang 'canary' o itatago ko na lang siya rito.” “Tama ‘yan. May nakatakda ka na ring kasal sa pamilya Aquino. Isang babae sa timog, isa sa hilaga, basta’t hindi makarating sa pandinig ni Miss Aquino ay ayos lang.” Paalala naman ng isa sa kanya, “Benedict, malapit na matapos ang pustahan natin. Kapag natalo ka…” Bumalot ang puting usok sa mukha ng lalaki kaya hindi na maaninag ang emosyon nito. Pero malinaw at malamig ang kanyang boses. “Huwag kayong mag-alala dahil bago ako bumalik ng Quezon City ay sisiguraduhin kong matutulog muna siya sa tabi ko. Masyado na akong matagal nagpanggap na inosente. Panahon na para tapusin ang laro.”Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan.Hindi na muling binanggit ni Beatrice ang nangyaring halik. Tila hindi din naman interesado si Ezekiel na tuksuhin pa siya subalit sa kabila ng katahimikang iyon ay pareho nilang alam na may kung anong nagbago sa pagitan nila.Hindi na iyon katulad ng dati.Mas malapit, mas natural at higit sa lahat ay mas mahirap nang itanggi.Upang maibsan ang kakaibang tensiyong bumabalot sa loob ng sasakyan ay si Beatrice na mismo ang muling nagsalita."Shall we go to the Mendoza Residence now?"Nanatili ang tingin ni Ezekiel sa kalsadang nasa unahan."Um."Maikli lamang ang naging tugon nito ngunit sapat na upang malaman niyang doon nga ang kanilang destinasyon.Tahimik siyang tumango bago muling nagsalita."Does your family often have family gatherings?"Bahagyang napangiti ang lalaki."You could say that."Saglit itong huminto bago muling nagpatuloy."The old man is a family man. He organizes gatherings every now and then. Sometimes it's just our fa
"That's good."Marahang bumitaw si Ezekiel sa kaniya.Wala nang sinabi pa ang lalaki. Tahimik nitong isinara ang passenger door bago umikot patungo sa driver's seat.Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay mahinahon nitong hinubad ang suit jacket at isinampay sa likuran ng upuan. Pagkatapos ay isa-isang niluwagan ang dalawang butones sa kuwelyo ng kaniyang puting polo.Sa simpleng kilos na iyon ay tila nabawasan ang pormal at malamig nitong anyo. Mas naging relaks ang tindig nito, ngunit hindi kailanman nawala ang likas na karisma at awtoridad na taglay nito.Maya-maya pa ay dahan-dahang umandar ang sasakyan palabas ng underground parking.Nang tuluyan silang makalabas at salubungin ng gintong liwanag ng papalubog na araw ay tila kasabay ding naglaho ang mainit at mapang-akit na atmospera sa loob ng sasakyan.Tahimik na lamang ang dalawa.Mahigpit pa ring yakap ni Beatrice ang bouquet na nasa kaniyang kandungan.Hindi niya namalayang paminsan-minsan ay palihim siyang sumusulyap sa lalaking
Mula pagkabata ay lumaki si Beatrice sa isang marangal at makapangyarihang angkan. Dahil doon, bawat kilos, bawat titig, at bawat salitang namumutawi sa kaniyang mga labi ay likas na may taglay na dignidad. Marunong siyang maging banayad at elegante kung kinakailangan, ngunit kaya rin niyang maging matalim at mapanghamak kapag may taong sumubok na yurakan ang kaniyang dangal.Kaya nang marinig ni David ang malamig niyang mga salitaa ay tila biglang natigilan ang buong katawan nito."Beatrice, you..."Hindi man lamang siya tinapunan ni Beatrice ng kahit katiting na emosyon. Isang malamig na tingin lamang ang ipinukol niya rito bago bahagyang itinaas ang kaniyang baba."You may not understand human language, but you can certainly understand swear words, right?"Punong-puno ng pangungutya ang kaniyang tinig at kaswal siyang nagturo sa surveillance camera na nakapuwesto sa hindi kalayuan."Would you look at that? What an idiot... getting played from every angle and still helping the one w
Pagsapit ng gabi ay pinatay na ni Beatrice ang kaniyang computer at iniunat ang katawan.Halos lahat ng empleyado ay nakauwi na.Tahimik ang buong koridor.Isinara niya ang pinto ng opisina ngunit paglabas pa lamang niya ay narinig na niya ang isang matamis na boses."Benedict, you're back now? Let's meet up."Humakbang siya gamit ang kaniyang mataas na takong.Kasabay noon ay natapos ang tawag ni Rica.Lumingon ito at ngumiti nang inosente."Beatrice, are you going home?"Napangiti si Beatrice nang may panunuya.Dahan-dahan siyang lumapit.Isang daan at animnapu't limang sentimetro lamang ang taas ni Rica.At dahil madalas itong magsuot ng flat shoes upang mapanatili ang inosenteng imahe nito ay halos isang dangkal ang lamang ni Beatrice.Lalong naging dominante ang kaniyang presensya.Malamig ang kaniyang mga mata.Napaatras nang bahagya si Rica."Sister, what's wrong? Are you in a bad mood? How about we ask David to accompany you for drinks later?"Bahagyang tinaas ni Beatrice ang
Dahil doon ay sinabi niya ang totoo, ngunit ngayong nobya na ni David si Rica ay tila tuluyan nang bumagsak sa negatibo ang dati na nitong mababang IQ.Napailing si Beatrice bago malamig na inirapan ang lalaki."No comment."Hindi pa rin sumuko si David. Bahagya siyang ngumiti, pilit na ibinabalik ang dati nilang magaan na samahan."Come on, Beatrice. We're such good friends..."Dahan-dahang itinaas ni Beatrice ang tingin, ang kanyang mga mata ay malamig."You know we're good friends, yet you actually believed that woman's words and implied that I'm a 'manly woman'?"Natigilan si David.Nagkamot ito ng batok at bahagyang napangiwi."Beatrice, I'm not good with words. That's not what I meant. Rica wasn't talking about you, she was talking about someone else."Ngunit wala nang gana si Beatrice na makipagtalo.Sa paningin niya ay walang saysay ang pag-uusap tungkol sa mga bagay na wala namang kabuluhan.Isang malamig na tingin lamang ang ibinigay niya kay Hope agad na naintindihan ng ass
Pagdating sa kompanya ay hindi na siya nag-aksaya ng oras.Napirmahan na nila kahapon ang kontrata.Malapit na ring magsimula ang opisyal na kooperasyon.Agad niyang pinatawag si David."We will inject four billion as a deposit at the end of the month, and the first installment of the project payment will be due next month."Tahimik niyang inilapag ang mga dokumento sa mesa."I've checked the company's accounts. I will personally contribute ten billion. Together with the upcoming project payment, it should be enough to stabilize everything."Tumango ang lalaki."Don't worry, Beatrice. I'll start chasing the outstanding debts in the next couple of days. I promise I won't let you down.""There are still ten days left."Marahan siyang huminga."We still have time."Tahimik na pinagmasdan ni Beatrice ang lalaki.Kapansin-pansin ang maitim na bilog sa ilalim ng mga mata nito.Naalala niya ang pagkatao ni RicaHindi pa rin tuluyang nawala ang kaniyang pag-aalala."David."Bahagyang kumunot
Tahimik na umiikot ang alak sa loob ng kristal na baso habang malamig na pinagmamasdan ni Ezekiel ang pamilya Aquino.Mula pa lamang sa simula ng hapunan ay nahulaan na niya ang tunay nilang intensyon.Hindi naman siya tanga.Mas lalong hindi siya bulag sa klase ng mga galawang ginagamit ng mga pam
Sa loob ng tatlong taon ng kanilang relasyon ay kailanman ay hindi nag-abalang magtanong si Beatrice kung saan nagpupunta si Benedict. Para sa kanya ang tiwala ay isang pundasyong hindi na kailangan pa ng pagdududa. Karaniwan ay kusa itong nag-uulat ng bawat kilos, bawat lakad at bawat taong nakakas
Nagising si Beatrice sa isang uri ng sakit na tila binibiyak ang bawat buto sa kanyang katawan. Hindi ito ang tipikal na pagod, ito ay hapdi ng isang gabing puno ng padalos-dalos na desisyon. Sa pagitan ng pagkurap ng kanyang mga mata ay pilit niyang binubuo ang mga pira-pirasong alaala na tila mga
Sa labas ng pinto ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo para kay Beatrice. Dahan-dahang siyang umatras, bawat pulgada ng paglayo niya ay tila pagguho ng mundo na kinalalagyan niya sa loob ng tatlong taon. Ang kaniyang high heels ay bumabaon sa makapal at mamahaling carpet ng hotel corridor sapat up







