LOGINNANIGAS NA LANG SI HYACINTH at hindi agad nakasagot."Itatago muna natin kay Lola," pagpapatuloy pa ni Leo. "Unahin muna natin iyong mga kakailanganing paperworks--"Bago pa man matapos ni Leo ang sasabihin, kinuha na ni Hyacinth ang pinakamalapit na unan at ibinato sa lalaki."Umalis ka na lang muna, Leo!"Tumama ang unan sa mukha ni Leo bago iyon bumagsak sa sahig. Mga ilang segundo silang natahimik sa loob ng kwarto. Hanggang sa lumapit si Leo. Nawalan na ng oras para magreact si Hyacinth dahil naitulak na siya ni Leo pabalik sa kama."Leo!" sigaw muli ni Hyacinth.Pumalag agad si Hyacinth pero hawak na ni Leo ang magkabilang pulsuhan niya at ipininid iyon sa kama. Madilim ang ekspresyon ni Leo sa kaniyang mukha."At sinong nagbigay ng permiso sa iyo na batuhin mo lang ako ng gano'n, huh?" mariing tanong nito. "Masyado yata akong naging maluwag sa iyo at nagiging matapang ka na ngayon."Sa mga oras na iyon, hindi na nakaya pang pigilan ni Hyacinth ang mga namalibis niyang luha. Uma
HINDI MAPAKALI SI CASSIE habang nakaupo sa gilid ng kama ni Hyacinth. Nabigyan naman na si Hyacinth ng gamot at nalagyan na ng IV drip ang kamay nito pero hindi pa rin talaga maiwasang mag alala ni Cassie. Okay naman na daw si Hyacinth pero mukha pa rin itong nanghihina."Hya, naririnig mo ba ako?"Unti unting nagmulat ng mga mata si Hyacinth. Ang una niyang nakita ay ang nag aalalang mga mata ni Cassie."Cassie..." nanghihinang tawag ni Hyacinth."Sa wakas at gising ka na rin!" bulalas pa ni Cassie at hindi na napigilan pang maging emosyonal. Naiyak na lang din ito. "Pinag alala mo ako ng sobra!"Isang maliit na ngiti ang isinukli ni Hyacinth. "Ayos lang naman ako..." sagot pa niya."Hindi. Hindi ka okay," saad ni Cassie at itinuro ang namumutlang mukha ni Hyacinth. "Kung nakikita mo lang talaga iyang mukha mo ngayon."Masakit ang katawan ni Hyacinth pero hindi naman niya gaanong inalintana iyon. Ang pumasok sa isip niya ngayon ay ang tila puwang sa kaniyang puso ngayon. Ginugol niya
SA LOOB NG DORM, humiga si Hyacinth sa kaniyang kama at inopen ang kaniyang phone. Agad siyang nagpunta sa message icon at nagsend ng mensahe sa kaibigang si Annika.Hyacinth: ['Annika, may tanong ako sa iyo.']Hyacinth: ['May kaibigan ako na parang somehow nakaayos na 'yung asawa niyang nakaalitan pero after no'n, hindi naman tumawag o text man lang ang lalaki sa kaniya. Ano kayang meron sa action niyang iyon?']Matapos ng nangyari kina Hyacinth at Leo, hindi mapigilan ni Hyacinth na mas lalo lang maguluhan. Malamig din ang pakikitungo ni Leo sa kaniya kaya hindi niya rin ito gaanong maintindihan. Kaya ito ngayon, gusto niyang maghanap ng kasagutan sa kaniyang kaibigan dahil baka sakaling may maganda itong advice sa kaniya.Mabilis namang nagreply si Annika.Annika: ['Simple lang naman ang sagot diyan. Hindi lang siguro kayang gawan ng paraan niyang kaibigan mo para mas maging interesado pa ang asawa niya sa kaniya. At matapos makuha ng asawa niya ang gusto, nawalan na siguro siya ng
UNTI UNTING NAGMULAT NG MGA mata si Jasmine."Gising na na rin sa wakas, Jasmine, anak!"Magkapanabay na lumapit sina Ronaldo at Carla kay Jasmine. Sinubukang bumangon ni Jasmine kaya naman inalalayan ng dalawa ang babae.Nang makita ni Jasmine si Leo, tila nag init ang sulok ng mga mata niya. "Leo... saan ka ba nagpunta kagabi?" tanong niya sa lalaki, bakas na bakas ang sakit sa boses nito. "Iniwan mo na lang ako basta na mag isa. Siguro... nakipagkita ka kay Hyacinth?"Umalpas ang luha ni Jasmine. Natahimik na lang ang buong kwarto. Pero si Carla at bahagyang nagulat. Kasi talaga bang nawala bigla kagabi si Leo ay dahil kay Hyacinth? Kagaya ni Jasmine, hindi rin talaga maatim ni Carla na magiging interesado si Leo kay Hyacinth, eh.Napakuyom lang ng kamao si Leo. Hindi pa rin siya sumagot. Ngunit ang katahimikang iyon ay dapat na para malaman ang sagot. Mas lalo lang namutla si Jasmine at pakiramdam niya ay parang nadurog bigla ang puso niya."Bakit, Leo?" tanong ni Jasmine habang l
"SALAMAT, Mr. Cantavieja."Parang lahat ng mga pinapangarap ni Mona ay abot kamay na niya sa wakas. Wala namang ekspresyon si Leo na mababasa sa mukha. "Tara na?" aya mayamaya ni Mila kay Mona patungo sa pintuan ng study.Natupad naman na ang gusto ni Mona kaya naman ay wala ng rason para magstay siya ng mas matagal pa. Pero bago tuluyang umalis, binigyan niya muna ng isang tingin ang direksyon ni Leo.Matapos no'n ay sumunod na siya kay Mila. Katahimikan ulit ang namayani sa loob ng study. Hanggang sa nagring bigla ang phone ni Leo. Tumatawag si Carla na agad din naman niyang sinagot. Agad na umalingawngaw ang tila nag aalalang boses ni Carla sa kabilang linya."L-Leo! Iniwan mong mag isa si Jasmine kagabi! May nangyaring masama sa kaniya at nasa ospital na siya ngayon! Kailangan mo siyang puntahan agad!"NAKABALIK NA SI HYACINTH sa dorm. Ang una niyang chineck ay si Cassie dahil nag alala siya dito."Ayos lang ako, Hya," saad ni Cassie. "Natapilok lang ako kanina nang naglalakad ak
PAGKAPASOK NI MONA, agad niyang nakita si Leo na natutulog sa sofa. Ang mga damit nito ay nasa sahig, obvious na may ginawang 'kababalaghan' kagabi.Unti unting tinanggal ni Mona ang kaniyang damit bago tuluyang nahiga sa tabi ni Leo. Hindi niya mapigilang mapatitig sa mukha ng lalaki. Gwapong gwapo talaga siya rito ngayong mas nakikita na niya ito sa malapitan. Mas lalo lang tuloy siyang humahanga rito.Si Leo... ang pinakamayamang businessman sa bansa ngayon...Bumilis ang tibok ng puso ni Mona sa loob ng kaniyang dibdib. Sinubukan niyang mas lumapit kay Leo upang maipaloob ang katawan sa matigas nitong braso.Pero bago pa iyon mangyari, unti unting nagmulat ng mga mata si Leo nang naramdaman na tila may gumalaw sa kaniyang tabi."Gising ka na... M-Mr. Cantavieja?" tanong pa ni Mona.Nang tuluyang maimulat ni Leo ang mga mata, nakita niya ang babaeng nakahiga sa tabi niyang hindi naman pamilyar sa kaniya. Mabilis na bumangon agad si Leo sa gulat."Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" t
SIGE. ISANG SALITA LANG iyon na halos hindi mapaniwalaan ni Hyacinth kung totoo. Pero ilang segundo lang ay rumehistro na sa isip niya."Salamat, Leo..." marahang sabi niya kay Leo.Sincere si Hyacinth sa pasasalamat niyang iyon. Pero isang malamig na halakhak ang namutawi sa labi ni Leo."Hyacint
"O-OUCH, CASSIE. ANG sakit. Dahan dahan lang, please..." ani Hyacinth kay Cassie.Nakabalik na siya ng dorm nila. Ngayon ay kasalukuyang ginagamot ni Cassie ang kaniyang namamagang pisngi. May hawak itong icebag habang idinadampi ito sa pisngi ni Hyacinth.Hindi maiwasang mainis ni Cassie habang na
NANLISIK LALO ANG TINGIN ni Hyacinth kay Axel. Itinulak niya ito, bahagyang hiningal dahil mabigat ang lalaki. Gusto na niya itong takasan sa kabila ng namumuong takot sa loob loob niya.Lalaban pa rin siya. Hindi siya pwedeng kumalma dahil kahit sino namang babae na nasa posisyon niya ngayon, mata
"SALAMAT, PERO HINDI na kailangan," ani Hyacinth nang wala man lang pag aalinlangan.Napasimangot na lang si Leo. "Sige na. Tutulungan kita. Hindi sa gusto kong makialam sa problemang pinasok mo, ah..." saad nito."Edi, 'wag kang makialam!" sagot na lang ni Hyacinth. "Kasi simula noong umalis ako s







