ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG

ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG

last updateLast Updated : 2026-07-16
By:  lhynUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Pareho silang nagpanggap na ibang tao para makaiwas sa maling tingin ng iba. Sina Fiona at Andrew ay pinagtagpo ng tadhana .Nagmahalan sila habang akala nila pareho silang simpleng tao lang. Pero habang tumatagal, may mga kakaiba silang napapansin na nagpapaisip sa kanila na may itinatago ang isa’t isa. Nang sa wakas mabunyag ang lahat ng lihim, lalong naging magulo ang lahat dahil nalaman nilang ang taong buong puso nilang pinagkatiwalaan, ay matagal na palang nagsisinungaling sa kanila. Ngayon, kailangan nilang harapin ang masakit na katotohanan kung kaya pa bang manatili ang pagmamahalan nila, o kung ang lahat ng pinagsamahan nila ay kasinungalingan lang at mawawala ng parang bula . Mapapatawad pa kaya nila ang isat isa

View More

Chapter 1

Chapter 1

Nakaupo si Fiona sa harap ng malaking salamin.Pilit pinakatitigan ang kanyang sarili .Halos hindi na makilala ang tunay niyang mukha sa kapal ng make-up na mukhang maskara na nagtatago sa kung sino talaga siya. Ito si Luna, pero malayo ito kay Fiona Montecillo.Ang tunay niyang pagkatao.Pumasok siya sa pagiging artista para lang maging sikat at maging harap ng pamilyang Montecillo .Nagawa niya ang bagay na ito para sa kanyang ina na ngayon ay nasa coma parin .

"para sayo lahat ng ito mama ...Makakaalis din tayo sa sitwasyon na ito balang araw" saad ng kanyang isip habang nakatitig sya sa larawan nila ng kanyang ina sa cellphone nito

Biglang bumukas nang malakas ang p***o. Pumasok si Beatriz, ang pinsan niyang laging handang manlait.Nakatira ito sa mansion ng kanyang lolo Fedel .Ito ang halos paborito nila dahil magaling mambilog ng ulo at umaktong laging biktima .

"Tingnan mo nga naman," panimula ni Beatriz habang nakapamulsa.

"Ang kapal ng make-up mo. Akala mo ba sa ganyan, magiging iba ka na?...well mas maganda nga yan para naman di ka nila makilala na isa kang Monticello ..Ang Luna na yang mukha iyon ang kilala nila diba Fiona .. "

Hindi lumingon si Fiona napapikit sya sandali dahil sa kadaldalan ng kanyang pinsan na walang ibang ginawa kundi guluhin ang kanyang pagkatao .Sa mata nito wala syang nagawang tama at ganun din ang kanyang sariling pamilya.

"Nandito ka ba para manood ng palabas, o may kailangan ka?" hindi niya pinahalata ang kanyang boses na naiinis bagkus naging maingat at malumanay pa ito .

Tumawa nang mapakla si Beatriz ang lalong lumapit sa kanya .

"Nandito ako para ipaalala sa'yo ang totoo. Kahit anong itago mo sa mukha mo, kahit gaano ka pa kaganda tignan dito, alam ng lahat kung ano ka lang talaga. walang silbi yan Fiona ... pwes nga naman may silbi pala dahil ikaw si Luna ..." sabay halakhak na nang iinsulto .

"Ano ba ang gusto mong sabihi..tapos kaba ba deretsahin mo nalang ako"

"Na wala kang silbi!" mariing sagot ni Beatriz. Sabay tulak sa kanyng balikat gamit ang hintuturo .

"Pinasikat ka lang dahil kailangan ng pamilya natin ng mukha para sa negosyo. Kung wala ang apelyidong Montecillo, wala ka rin. Wala kang magiging halaga." na para bang sinasabi nito na parang isa lang syang langgam na pwedeng tirisin dahil sa daliri nito pumitik sa hangin .

Dahan dahan syang tumalikod ..Katahimikan ang lagi niyang sandata .Tumingin na siya kay Beatriz mula sa salamin.

"Hindi naman ako humihingi ng pagkilala dahil sa yaman natin. Gusto ko lang..."

"Gusto mo lang ano?" putol ni Beatriz.

"Gusto mo lang magmukhang karapat-dapat? Huwag kang umasa. Walang magmamahal sa'yo nang totoo. Gusto lang nila ang makintab na mukha mo, ang pangalan mo, at ang yaman natin. Kapag nawala na 'yan, sino ka na lang?"

Napagtanto niyang totoo ang mga sinasabi ni Beatriz .Wala nga syang silbi kung wala ang kasikatan na tinatamasa niya ngayon .

Tumulo ang kanyang luha pero agad din niyang pinunasan.

"may sasabihin kapa ba???" sawa na syang makinig sa pangliliit sa kanya ng babaeng ito. Gusto na niyang magpahinga .

" pumunta ako para sabihin sayo may dinner sa mansion ..."

",sana tinawag mo nalang ..Naglaan kapa ng oras sa akin..tsk"" " sabay talikod ulit kay Beatriz.

",sorryyy Fion. but you don't have a number in my phone ...Ibig sabihin your not special to me ...Napadaan lang ako sa akin kasi nagsabi si lolo ..." pero ang totoo may dahilan kaya gusto niyang pumunta si Fiona sa mansion m

" okey ...darating ako" saad nalang niya para makaalis na ang taong nagpapakulo ng kanyang dugo .

Inirapan lang sya ni Beatriz at tumalikod na ito .Isinara niya ang p***o nang malakas ngunit di na nagulat si Fiona dahil para sa kanya sanay na sya .Nanginginig ang kanyang kamay habang kinuha ang pamunas. Isa-isa niyang tinanggal ang makapal na make-up hanggang sa lumabas ang tunay niyang mukha,simple, pagod, pero totoo.

"ito ako dapat pero bakit" tuluyan na syang humagulgol dahil sa sama ng loob .Kung hindi sana namatay ang kanyang ama hindi sana magiging ganito ang kanyang buhay .

Pagdating ng gabi, tahimik na pumasok si Fiona sa malaking mansyon ng mga Montecillo. Suot niya ang simpleng damit, wala na ang makapal na make-up, at tila isa lang siyang bisita sa sarili niyang tahanan. Agad siyang sinalubong ng matatalim na tingin ng lahat na nasa hapag-kainan.

Tahimik na umupo si Fiona sa dulo ng hapag-kainan. Pagod na pagod siya, pero napangiti siya nang bahagya nang makita ang Lolo Fedel niya na malambing ang tingin sa kanya.Ang kanyang lolo lang ang natitirang kamag-anak na may mabuting pakikitungo sa kanya.Bukod sa yumao niyang ama at comatose niya ina .Ang tatlong kapatid ng kanyang papa ay halos isumpa sya dahil sa mana na dapat daw wala na sa kanya dahil wala na ang kanyang ama . Sanggol pa lamang sya namatay na ito dahil sa aksidente ang kanyang mama naman ay comatose dahil din sa aksidente na naisakto pa sa kanyang graduation nito sa kolehiyo.

"Mabuti naman at dumating ka na, apo," malumanay na bati ng lolo niya.

", kumain ka muna. Alam kong pagod ka sa palabas na ginawa mo .. Nalaman ko sa manager mo na masyado kang abala ." ngumiti lang sya ngunit tipid. Dahil nakatingin sa kanya ang mga magulang ni Beatriz at ang dalawang kapatid ng kanyang ama .

Pero hindi nagtagal ang katahimikan. Tumayo si Beatriz, nakataas ang noo at halos ipangalandakan ang singsing sa daliri.

"O, sige na nga, pag-usapan na natin ang mas magandang balita!" masigla pero may halong pangmamata ang boses niya para kay Fiona .Gusto niyang inggitin ang kanyang pinsan dahil nagiging malaya sya hindi tulad nito nakadepende ang kanyang galaw dahil sikat ito .

"Oo na Fiona, sikat ka bilang si Luna... pero tignan mo naman ito. Katatanggap ko lang ng alok na ikakasal ako kay David Rivas ang isa sa pinakasikat at pinakamayamang negosyante sa buong bansa!"

Hindi naman pinansin ni Fiona ang pagmamayabang ng kanyang pinsan .Sa isip niya mas maganda na itong ikasal dahil kung sino sinong lalaki ang nakakarelasyon .

Napatingin ang lahat kay Beatriz, at lalo lang lumaki ang kanyang ulo dahil sa paghanga sa kanya .Sobra silang humanga dahil nakuha nito ang isang taong bilyonaryo .

"Sa wakas," dugtong pa nito habang nakatingin nang diretsahan kay Fiona,

"makakasama ko na ang taong tunay na mayaman, tunay na makapangyarihan. Hindi katulad ng iba na puro pagod lang ang inaabot, tapos wala namang tunay na halaga kahit anong gawin. Alam mo Fiona, iba ang respeto sa taong may tunay na karapatan at yaman."

Gusto na sanang sumabat ni Lolo Fedel para ipagtanggol si Fiona, pero nagpatuloy si Beatriz.

"Huwag ka nang umasa na may lalaking magmamahal sa'yo nang totoo. Sila David kilala at respetado. Ikaw? Kahit anong pagpapanggap mo, alam naming ginagawa mo lang lahat para huwag palayasin. Pasalamat ka at pinapayagan ka pa ni Lo na manatili dito."

Napayuko na lang si Fiona. Alam niyang hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Beatriz, pero masakit pa rin pakinggan. Hinawakan ni Lolo Fedel ang kamay niya.

"Huwag kang makinig sa kanya, apo," bulong ng lolo niya.

"Para sa akin, mas mahalaga ka pa rin kaysa sa kahit anong yaman o kasikatan."

Pero kahit anong sabi ng lolo niya, naramdaman pa rin ni Fiona na sa pamilyang ito, si Beatriz lang ang laging pinararangal. Tahimik siyang tumayo pagkatapos kumain, nagpaalam, at lumabas ng mansyon. Gusto na niyang makalayo kahit sandali lang sa lahat ng ingay at panghuhusga. Tumawa sya sa loob ng kanyang kotse .Kaya ba nag imbita ng dinner para yabangan sya .Inis niyang pinagsasampal ang manibela na parang iyon ang mukha ni Beatriz .

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status