Masuk
Nakaupo si Fiona sa harap ng malaking salamin.Pilit pinakatitigan ang kanyang sarili .Halos hindi na makilala ang tunay niyang mukha sa kapal ng make-up na mukhang maskara na nagtatago sa kung sino talaga siya. Ito si Luna, pero malayo ito kay Fiona Montecillo.Ang tunay niyang pagkatao.Pumasok siya sa pagiging artista para lang maging sikat at maging harap ng pamilyang Montecillo .Nagawa niya ang bagay na ito para sa kanyang ina na ngayon ay nasa coma parin .
"para sayo lahat ng ito mama ...Makakaalis din tayo sa sitwasyon na ito balang araw" saad ng kanyang isip habang nakatitig sya sa larawan nila ng kanyang ina sa cellphone nito Biglang bumukas nang malakas ang p***o. Pumasok si Beatriz, ang pinsan niyang laging handang manlait.Nakatira ito sa mansion ng kanyang lolo Fedel .Ito ang halos paborito nila dahil magaling mambilog ng ulo at umaktong laging biktima . "Tingnan mo nga naman," panimula ni Beatriz habang nakapamulsa. "Ang kapal ng make-up mo. Akala mo ba sa ganyan, magiging iba ka na?...well mas maganda nga yan para naman di ka nila makilala na isa kang Monticello ..Ang Luna na yang mukha iyon ang kilala nila diba Fiona .. " Hindi lumingon si Fiona napapikit sya sandali dahil sa kadaldalan ng kanyang pinsan na walang ibang ginawa kundi guluhin ang kanyang pagkatao .Sa mata nito wala syang nagawang tama at ganun din ang kanyang sariling pamilya. "Nandito ka ba para manood ng palabas, o may kailangan ka?" hindi niya pinahalata ang kanyang boses na naiinis bagkus naging maingat at malumanay pa ito . Tumawa nang mapakla si Beatriz ang lalong lumapit sa kanya . "Nandito ako para ipaalala sa'yo ang totoo. Kahit anong itago mo sa mukha mo, kahit gaano ka pa kaganda tignan dito, alam ng lahat kung ano ka lang talaga. walang silbi yan Fiona ... pwes nga naman may silbi pala dahil ikaw si Luna ..." sabay halakhak na nang iinsulto . "Ano ba ang gusto mong sabihi..tapos kaba ba deretsahin mo nalang ako" "Na wala kang silbi!" mariing sagot ni Beatriz. Sabay tulak sa kanyng balikat gamit ang hintuturo . "Pinasikat ka lang dahil kailangan ng pamilya natin ng mukha para sa negosyo. Kung wala ang apelyidong Montecillo, wala ka rin. Wala kang magiging halaga." na para bang sinasabi nito na parang isa lang syang langgam na pwedeng tirisin dahil sa daliri nito pumitik sa hangin . Dahan dahan syang tumalikod ..Katahimikan ang lagi niyang sandata .Tumingin na siya kay Beatriz mula sa salamin. "Hindi naman ako humihingi ng pagkilala dahil sa yaman natin. Gusto ko lang..." "Gusto mo lang ano?" putol ni Beatriz. "Gusto mo lang magmukhang karapat-dapat? Huwag kang umasa. Walang magmamahal sa'yo nang totoo. Gusto lang nila ang makintab na mukha mo, ang pangalan mo, at ang yaman natin. Kapag nawala na 'yan, sino ka na lang?" Napagtanto niyang totoo ang mga sinasabi ni Beatriz .Wala nga syang silbi kung wala ang kasikatan na tinatamasa niya ngayon . Tumulo ang kanyang luha pero agad din niyang pinunasan. "may sasabihin kapa ba???" sawa na syang makinig sa pangliliit sa kanya ng babaeng ito. Gusto na niyang magpahinga . " pumunta ako para sabihin sayo may dinner sa mansion ..." ",sana tinawag mo nalang ..Naglaan kapa ng oras sa akin..tsk"" " sabay talikod ulit kay Beatriz. ",sorryyy Fion. but you don't have a number in my phone ...Ibig sabihin your not special to me ...Napadaan lang ako sa akin kasi nagsabi si lolo ..." pero ang totoo may dahilan kaya gusto niyang pumunta si Fiona sa mansion m " okey ...darating ako" saad nalang niya para makaalis na ang taong nagpapakulo ng kanyang dugo . Inirapan lang sya ni Beatriz at tumalikod na ito .Isinara niya ang p***o nang malakas ngunit di na nagulat si Fiona dahil para sa kanya sanay na sya .Nanginginig ang kanyang kamay habang kinuha ang pamunas. Isa-isa niyang tinanggal ang makapal na make-up hanggang sa lumabas ang tunay niyang mukha,simple, pagod, pero totoo. "ito ako dapat pero bakit" tuluyan na syang humagulgol dahil sa sama ng loob .Kung hindi sana namatay ang kanyang ama hindi sana magiging ganito ang kanyang buhay . Pagdating ng gabi, tahimik na pumasok si Fiona sa malaking mansyon ng mga Montecillo. Suot niya ang simpleng damit, wala na ang makapal na make-up, at tila isa lang siyang bisita sa sarili niyang tahanan. Agad siyang sinalubong ng matatalim na tingin ng lahat na nasa hapag-kainan. Tahimik na umupo si Fiona sa dulo ng hapag-kainan. Pagod na pagod siya, pero napangiti siya nang bahagya nang makita ang Lolo Fedel niya na malambing ang tingin sa kanya.Ang kanyang lolo lang ang natitirang kamag-anak na may mabuting pakikitungo sa kanya.Bukod sa yumao niyang ama at comatose niya ina .Ang tatlong kapatid ng kanyang papa ay halos isumpa sya dahil sa mana na dapat daw wala na sa kanya dahil wala na ang kanyang ama . Sanggol pa lamang sya namatay na ito dahil sa aksidente ang kanyang mama naman ay comatose dahil din sa aksidente na naisakto pa sa kanyang graduation nito sa kolehiyo. "Mabuti naman at dumating ka na, apo," malumanay na bati ng lolo niya. ", kumain ka muna. Alam kong pagod ka sa palabas na ginawa mo .. Nalaman ko sa manager mo na masyado kang abala ." ngumiti lang sya ngunit tipid. Dahil nakatingin sa kanya ang mga magulang ni Beatriz at ang dalawang kapatid ng kanyang ama . Pero hindi nagtagal ang katahimikan. Tumayo si Beatriz, nakataas ang noo at halos ipangalandakan ang singsing sa daliri. "O, sige na nga, pag-usapan na natin ang mas magandang balita!" masigla pero may halong pangmamata ang boses niya para kay Fiona .Gusto niyang inggitin ang kanyang pinsan dahil nagiging malaya sya hindi tulad nito nakadepende ang kanyang galaw dahil sikat ito . "Oo na Fiona, sikat ka bilang si Luna... pero tignan mo naman ito. Katatanggap ko lang ng alok na ikakasal ako kay David Rivas ang isa sa pinakasikat at pinakamayamang negosyante sa buong bansa!" Hindi naman pinansin ni Fiona ang pagmamayabang ng kanyang pinsan .Sa isip niya mas maganda na itong ikasal dahil kung sino sinong lalaki ang nakakarelasyon . Napatingin ang lahat kay Beatriz, at lalo lang lumaki ang kanyang ulo dahil sa paghanga sa kanya .Sobra silang humanga dahil nakuha nito ang isang taong bilyonaryo . "Sa wakas," dugtong pa nito habang nakatingin nang diretsahan kay Fiona, "makakasama ko na ang taong tunay na mayaman, tunay na makapangyarihan. Hindi katulad ng iba na puro pagod lang ang inaabot, tapos wala namang tunay na halaga kahit anong gawin. Alam mo Fiona, iba ang respeto sa taong may tunay na karapatan at yaman." Gusto na sanang sumabat ni Lolo Fedel para ipagtanggol si Fiona, pero nagpatuloy si Beatriz. "Huwag ka nang umasa na may lalaking magmamahal sa'yo nang totoo. Sila David kilala at respetado. Ikaw? Kahit anong pagpapanggap mo, alam naming ginagawa mo lang lahat para huwag palayasin. Pasalamat ka at pinapayagan ka pa ni Lo na manatili dito." Napayuko na lang si Fiona. Alam niyang hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Beatriz, pero masakit pa rin pakinggan. Hinawakan ni Lolo Fedel ang kamay niya. "Huwag kang makinig sa kanya, apo," bulong ng lolo niya. "Para sa akin, mas mahalaga ka pa rin kaysa sa kahit anong yaman o kasikatan." Pero kahit anong sabi ng lolo niya, naramdaman pa rin ni Fiona na sa pamilyang ito, si Beatriz lang ang laging pinararangal. Tahimik siyang tumayo pagkatapos kumain, nagpaalam, at lumabas ng mansyon. Gusto na niyang makalayo kahit sandali lang sa lahat ng ingay at panghuhusga. Tumawa sya sa loob ng kanyang kotse .Kaya ba nag imbita ng dinner para yabangan sya .Inis niyang pinagsasampal ang manibela na parang iyon ang mukha ni Beatriz .Isang linggo matapos ang lahat, pinapunta siya ni Lolo Fedel sa mansion .. Nag-alangan siyang pumunta, pero wala naman siyang magawa.Labag man ang kanyang loob na umapak muli sa mansion ngunit kailangan . Pagpasok niya, nakita niyang nakatayo lang ito sa may bintana. Paglingon sa kanya, halatang pagod ang mukha ng matanda.Bigla syang nakaramdam ng awa sa kanyang lolo . "Pasensya ka na, apo at inistorbo ko ang pagdadalamhati mo " panimula nito nang mahina. "Alam kong galit ka sa akin. Alam kong masama ang ginawa ko, lalo na sa mama mo I feel guilt tuwing naalala ko na hindi ko sinunod ang gusto ng mama mo ."wala syang imik kundi pinakinggan lang ang mga sinasabi ng kanyang lolo . "Huwag kang mag-isip ng masama," dagdag pa ni Lolo Fedel, lumapit nang kaunti. "Ginawa ko lang iyon dahil ayaw kong makita kang lalong nahihirapan. Alam kong hindi mo pa kaya ang lahat at gusto ko lang mapadali ang mga bagay para sa'yo. Hindi ko naman intensyong saktan ka.gusto man kita damayan ngunit ik
Mag-isa na lang siyang naiwan sa labas ng ospital, hawak nang mahigpit ang garapon na kasa-kasama na niya ngayon. Parang ang liit-liit na ng mundo niya ang tanging mama niya, nawala pa sa mundo, wala na man lang siyang makakapiling .Kung bakit nagkaroon sya ng mga ganung pamilya walang puso . Umupo siya sa gilid ng bangketa, hindi na inalintana ang mga taong dumadaan at tumitingin sa kanya. Dahan-dahan niyang idinikit ang garapon sa dibdib niya, parang yakap na rin niya ang kanyang ina "Ma... bakit ganoon?" bulong niya sa pagitan ng paghikbi. "Kahit huling hiling mo, hindi ko naipaglaban. Kahit paalam nang maayos, hindi ko naibigay sa'yo.I am sorry ma ...wala akong silbi na anak niyo '' humagulgol sya habang yakap ang garapon . Maraming nahihiwahan kung ano ang ginagawa niya dahil hindi naman nila makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod ito . Ang iba hinayaan lang sya pero ang iba parang nakikisosyo . Ilang oras siyang nanatili doon. Walang ibang ginawa kundi umiyak at kau
"Wala ang anak nito para magdesisyon para dyan ako ang may karapatan dahil manugang ko yan at wala sa isip ng apo ko ang magdesisyon ng maayos ... ," sabi ni Fedel nang mahinahon pero may diin. "Kami na ang bahala sa lahat. Ilagay niyo na siya sa ihanda niyo na sya '' saad naman ni Ricky . Wala nang nagawa ang nars kundi tumango na lang at sumunod.Kaagad syang lumabas para ipaalam sa morgue kung ano ang gagawin sa bangkay . Samantala, nagising si Fiona pagkalipas ng ilang oras. Nasa isang maliit na kwarto siya ng ospital, nakahiga . Masakit ang buong katawan niya at parang bumibigat ang ulo dahil sa sakit nito . Tumingin siya sa paligid walang kakilala, walang kamag-anak.Ano pa ba ang aasahan niya talaga ngang wala syang puwang sa mga taong iyon . Bumukas ang pinto at pumasok ang nurse na may dalang gamot . "Gising ka na pala," sabi nito nang malumanay. "Isang oras kang tulog . Nilagnat ka nang mataas dahil sa ulan at sobrang pagod.Buti nalang at nadala ka kaagad dito .'' Hindi
Nang dumating ang balita sa mansyon ng mga Montecillo, walang luha na pumatak. Walang nagluksa. Sa halip, nagkatinginan sila na parang isang mabigat na bato ang nahulog sa kanilang dibdib . Tuwang-tuwa si Beatriz na agad na sumabat habang nakangisi. "Kawawang Fiona ang nag iisang tao na bukod tanging kakampi niya ay wala na! pero baka naman dahil sa pagkawala ng kanyang ina ay magrerebelde na ito .Wala na ang hawak nating alas papa ,,lolo para mapasunod sya" may pangamba sa kanyang mukha . Sumang-ayon ang isa sa mga tiyahin nila ni Fiona sabay humalukipkip. "Tama ka diyan, Beatriz ito din ang naisip ko .Alam niyo naman na tanging ina lang niya ang dahilan kung bakit sumusunod sa ating mga gusto " "Oo nga," dugtong ni Reynold Montecillo ang asawa ng nagsalita . "pero diba mahina si Fiona tito panigurado wala na iyon ibang pupuntahan. Kung aalis sya sa poder ng Montecillo saan nalang sya pupulutin .Walang sariling pera ang sikat na iyon dahil hawak natin ang account niya" saad
Kahit labag sa kalooban niya ang iwan na naman ang kanyang ina pilit niyang binubuhay ang kanyang sarili para magawa niya ng maayos ang kanyang trabaho bilang si Luna .Nasa set na naman siya, pilit na isinisigla ang sarili habang ginagawa ang trabaho. Makapal ang make-up sa mukha ,ang mukha ni Luna na kilala ng lahatnang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad syang nataranta ng makita ang numero ng doktor . "Hello dok.." agad niyang salita pagkasagot sa tawag . "Fiona, pumunta ka agad dito!" sabi ng doktor . "Biglang bumagsak ang lagay ng nanay mo. Nag-aagaw buhay siya mukhang ikaw lang ang hinihintay niya dahil lumalaban ito " Nabitawan niya ang hawak niyang script na kanina pa niyang pilit ipasok sa kanyang isipan ngunit di niya magawa .Yun pala may nangyayari na sa kanyang ina mParang gumuho ang mundo niya. Hindi na siya nagpaalam nang maayos, tumakbo na lang palabas. Sa sobrang taranta, wala siyang panahong tanggalin ang make-up dala niya ang pagkakakilanlan ng sikat na art
Kakatapos lang dumating ni Andrew galing ibang bansa. Pagod na pagod na siya sa marangyang buhay at sa mga taong lumalapit lang dahil sa yaman niya. Kaya dinala siya ng mga paa niya sa maliit na tindahan,ang convenience store na pagmamay-ari noon ng kanyang yumao na Hanggang ngayon nanatili paring nakatayo at higit sa lahat marami na sila franchise sa ibat ibang lugar ng lungsod . Bukod sa maliliit na convenient store may ibang negosyo ang mga Valera . Sila lang naman ang nagmamay ari ng mga hotel at resort sa ibang bansa . Pagkababa niya ng sasakyan kung saan inihatid sya ng isa niyang tauhan para hindi makahalata ang tiyuhin niya na nasa bansa na pala sya .Wala itong alam na nakauwi na sya dahil ang alam nito nasa ibang bansa parin para pamahalaan ang isa sa pinakamalaki nilang hotel and condo doon .Iniwan niya si Ralph na kanyang assistant para mamahala doon . Halos hindi makakurap sina Carding at Nena sa nakikita .Nasa harapan nila ang anak ng kanilang mabait na among yumao na







